Battle 23
At last! Tumigil na rin siya sa paghila sa akin. At tumambad ang malaking kratulang
"REEN'S CITY OF FUN"
OKAY?? Anong ginagawa namin ditto?
"Tara!" – Toshiro sabay hila sa akin. Oh, sige... hila pa kuya... namumuro ka na! hayyyss!
"Hoy, Toshiro, anong gagawin natin dito?" – ako
"Hmm? Mag-suswimming siguro nho? Nasa Amusement Park tayo diba?" – simpleng sagot niya.
Booggss!
Binatukan ko ang loko! Pilosopohin ba naman ako!!! Hindi ako tanga para hindi malaman na nasa amusement park kami... at may mga rides na masasakyan...
"Aray naman Neggy!" – Toshiro
"Ayusin mo sagot mo!" – ako
"Okay! We're here in an amusement park and we'll gonna ride every ride that you can see." – Toshiro
"At bakit?" – ako
Boogggsss!
"Aray! Ba't mo ako binatukan?" – ako. Batukan ba naman ako! Ano to? Gantihan lang ganun?
"Malamang, para mag-enjoy!" – Toshiro
Ehh? Itong taong ito talagang feeling close! Kung hindi ka lang gwapo, ehh, nilapa na kita! Hihihi. Chosss!
"Tara na nga!" – Toshiro
Then as what he have said, we rode every ride that we could see.
And for awhile, I enjoyed my day and I quite forgot the pain that lingered in my heart.
Pagkatapos naming sakyan lahat ng mga rides ditto... kumain kami... at siyempre libre niya ulit! Hehehe! Galante!! 'Yan tayo ehh! Ang sarap talaga ng libre!!! ^____^
Pero, nakakapagtaka lang, wala kaming parang bracelet na "pass" para makasakay ng mga rides pero nakakapasok kami...
"Toshiro! Paano pala tayo nakakasakay ng rides nang walang "pass"??" – ako sabay subo nung pizza.
"Hahaha." – tawa niya.
Putrigis! Ang ganda ng sagot ahhh! "Hahaha" na pala ang sagot dun sa tanong ko!! Pssshh!
"Ang ganda ng sagot ahh! Ang sarap mong sapakin!" – sarkastiko kong sabi.
"Hahahahahah!" – siya
Ayy! Puteekk! Masasapak ko na talaga itong lalaking 'to!
"Ano ba!" – inis kong tugon.
"Hahaha! Simply, I just owned this place." – siya
"What? Hahahaha! Ang galing naman yata ng trip mo at amusement park pa yang business mo!" – ako
"Actually, this wasn't my idea. Hahaha. Si Mama ang nagpatayo nito at iniregalo sa akin when I was 9 years old. Mahilig kasi talaga ako dati sa mga rides ng amusement park. And I loved to visit Disneyland way back then. Hahaha. Nakakatawa nga ehh! Hanggang ngayon gustong-gusto ko pa rin talagang sumakay sa mga rides. Para akong bata." – mahabang litanya niya.
"Hahahaha! Grabe! Ang Campus Heartthrob, mahilig sa mga Amusement Parks? Wow! Just Wow! Hahaha! Isip bata ka pala." – ako
Nakakatuwang malaman yun ahh! Maipagkalat nga't pwedeng maging negosyo! Haha. Joke lang!!
"Hahaha. 'Yan nga ang sabi nina Mama. Actually, ikaw pa lang ang nakaalam ng tungkol dito. Well, aside from my closest friends in Varsity team." – sagot niya
"Owww? Talaga? Ba't mo pinaalam sa akin? Hindi ka ba natatakot na ikalat ko ang tungkol dito?" – ako
"No. I trust you." – siya, sabay tingin sa akin.
Wow! TRUST! Big word! Hahaha. Pero, siya? Pinagkakatiwalaan ako? Grabe naman! I just feel, I'm a very trustworthy person! Hahaha...
"Ahh, ehh! Wow naman! Mapagkakatiwalaan ba talaga ako?" – tanong ko
"I bet you are!" – sagot niya.
Napatingin ako sa kaniya. Napangiti ako sa sinabi niya.
"Hmm. Dahil pinagkakatiwalaan mo ako, pwede naman siguro kitang maging bestfriend di ba?" – ako
Parang ang ganda talagang magkaroon ng bestfriend na lalaki... kakaiba! Kakaiba sa feeling.
"Hmm? Pag-iisipan ko!" – sagot niya habang nakahawak sa baba niya na tila nga nag-iisip!
"Hmm. Nakapag-isip na ako!" – bigla niyang sabi.
Wow ha! Ang bilis naman yata niyang mag-isip! Hahaha.
"So, anong desisyon mo?" – ako
"Hmm. Okay. Dahil gwapo ako, bestfriend mo na ako!" – sagot niya
Huh? Ano naman kayang koneksyon nun? Baliw talaga 'to! Baliw ang bestfriend ko! Oo, BESTFRIEND ko! Hahaha. Inangkin kong BESTFRIEND! Sabi niya ehh!
"Tssk. Feeling gwapo!" – ako
"Hahaha. Talaga naman! Lahat nagsasabing gwapo ako!" – siya
"Pssh. Hindi lahat nho! Excempted ako!" – ako
"Pssh. Hindi ba talaga ako gwapo?" – siya habang nakapout.
Hahaha. Nakakatawa! Ang cute cute niya!
"Hindi! Kasi, Ang CUTE CUTE CUTE mo!" – ako sabay pisil ng pisngi niya.
"Arayyy!" – siya
Ako naman, tumayo ako at tumakbo. Hinabol niya ako at naghabulan kami. Hahah. Para kaming mga batang paslit na naghahabulan.
"Humanda ka Neggy! Kapag naabutan kita, patay ka talaga sa akin! Hahaha!" – siya na humahabol sa akin.
"Haha. Blehh! Kung kaya mo!" – ako
Grabe! Ako si Neggy, isang nobody, broken hearted dahil sa isang Campus Nerd na inlab sa bespren ko, ngayon naman naging bestfriend ng isang Campus Heartthrob na isip bata!!. Oh, diba? Saan ka pa? Ang gulo ng mundo ko!! -.-
A1H:X

BINABASA MO ANG
Campus Nerd VS. Campus Heartthrob
JugendliteraturI loved writing various kinds and genres of stories and just this story took me off from my shell and suddenly decided to publish it for everybody's will of reading and for mine either as an immature writer. :) hihihi. Please enjoy reading! This s...