Battle 24

16 1 0
                                        

Battle 24

As usual late na naman ako sa klase ko... psssh! Masanay na talaga kayo...XD

Pumunta na naman ako sa Guidance office para kumuha ng admission slip...

Pagkatapos ehh, pumasok na ako.

And well, tapos na pala ang first subject... Tssk. Buti naman, hindi ko na makikita ang pagmumukha ng titser namin na walang ginawa kundi punahin ako... Haysss.

"Hoy, impakta kang babae ka!!" – Bhessy Lea

Kung maka-impakta naman itong babaeng ito WAGAS!! Psssh..

"Saan ka nagsususuot at hindi ka pumasok ng hapon kahapon?" – Bhessy Ea

Hayyy. Itong mga bhessy kong ito, daig pa ang nanay ko kung manermon...

"Ohh, ikaw magsalita ka!!" – Bhessy Precious

"Ano?" – Bhessy Lea

"Oh, guys, chillax lang!! Kayo naman!!" – cool kong sabi.

"Heh! Tumigil ka Quiln... Tinatawagan ka namin pero out of coverage yang cp mo!!" – Bhessy Ea

Siyempre lobat yung cp ko kaya di nila macontact. Hindi ko kasi nacharge kahapon.

"Ehh. Lobat kasi yung cp ko ehh." – ako

"At saan ka kasi nagpupupunta ha?? Bruha ka! Hindi ka pa nagpaalam sa amin!! Nag-alala kami sa'yo!!" – Bhessy Precious

Errrgg??? Anong sasabihin ko? Na nabroken hearted ako kahapon dahil si Raven na mahal ko, ehh nakascore sa bespren ko? :'( --___-- At dahil dun, tinulungan lang naman ako ni Toshiro makalimot kaya kami nagcut ng classes namin....At dahil din dun, naging bespren ko na ang Campus Heartthrob ng skul?? Putcheeekkk!! Kakahiya kayang ikwento yun... kaya no choice...

Kahit sabi nila na walang lihiman ehh, maglilihim muna ako sa kanila.

"Aaahh ehh, aahh ehh." – ako

"O, U!! Ano ba Quiln, hindi tayo nagkaklase ng english so enough with your vowel recitation. Ano na? Hoy impakta!! Sagot!" – Bhessy Lea

"Ayy!! Ang harsh mo bhe!! Excited masyado?? Ito na ohh, sasabihin na!" – ako

"Oh, so speak!!" – Bhessy Lea

Tssk. Anong sasabihin ko? Aytsss! Asaaarrr!!! Hoy utak!! Matalino ka diba? Patunayan mo!! Errrrgg! Mag-isip ka ng kapani-paniwalang rason!!

"Aaah, may pinuntahan kami ni Kuya Nelson!! Nagyaya ehh, di ako nakatanggi!! Ahh! Yes! Yun!! Yun yun! Hehe." – ako

Ahihihi!! Grabeeeeleeeyyyssiioouuss!! Ang galing ko talaga!! Emeged!!

"Ahhh.." – mga bhessy ko.

Lumapit sila sa akin... palapit nang palapit...

"Sure ka Neggima Quiln Koch? Alam mo ang consequence ng nagsisinungaling!" – Bhessy Precious

He-he-he. Oo may consequence ang nagsisinungaling sa amin!! Ipapagawa lang naman sa'yo ang pinaka-ayaw mong gawin.... At ang sa akin ay... ang sumayaw!! Natry ko na 'yun dati, at hiyang hiya ako sa mga tigyawat ko!! KASI HINDI KO TALAGA ALAM SUMAYAW!! Tas ivivdeo pa habang sinasabing... "I WILL NOT LIE ANYMORE" nang 50 beses... Yun!! Kaya ayaw na ayaw kong magsinungaling ehh..

Pero saaarr talaga ehh! Ayaw kong sabihin sa kanila!! Kakahiya rin kaya yun!!

"Errg! A-ano ba kayo! Of course I know!! And I'm telling the t-truth" – sagot ko

Campus Nerd VS. Campus HeartthrobMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon