Battle 29

22 0 0
                                    

Battle 29

Marami pa kaming napag-usapan at ayos na rin siguro 'to kahit wala talaga akong pag-asa sa kanya, atleast nakakasama ko pa rin siya. Yung advice niyang aamin ako sa taong mahal ko? Duhh!! Siyempre hindi ko 'yun gagawin kasi naman ayokong magkailangan kami lalo na ngayo't magkaibigan na talaga kami. Oo magkaibigan kasi yun na ang LABEL ng relationship namin. MAGKAIBIGAN LANG!! Masakit? Oo masakit!! Pero wala na talaga akong magagawa...hanggang kaibigan lang talaga ako... KAIBIGAN lang...

Tok.tok.tok.tok.tok.tok

May taong kumakatok sa may pinto ng kwarto niya. Napatingin kami doon at narinig naming nagsalita ang butler nila...

"Young master, your parents and your sister were already home. They were looking for you." – rinig namin sa may intercom sa loob ng kwarto niya.

Napatingin ako sa kanya...

Parents at ate niya? O_____o

Mygoodnessss!! Meeting her family na ba ito? Nyehehe. ASA ka naman Neggy!!

"I'll be there in a bit." – sagot naman niya.

"Tara sa labas kina Mama. Papakilala kita." – siya na nakangiti.

Huwaaaaahhh! Ipapakilala niya ako? Bilang?? Eeeehhh. Kinikilig ako!! Hohoho..

"E-ehh? B-ba't mo a-ako ipapakilala?" – nauutal kong sabi.

"Hmm. Ipapakilala kita kasi kaibigan kita. Wala kasi silang kilalang naging kaibigan ko. Ngayon lang..." – sagot niya

Aaahh! Oo, KAIBIGAN lang pala ako!! Sabi ko nga! Umaasa na naman kasi itong pusong ito... T____T

"Aaahh, eeehh. Wag na. Nakakahiya." – ako

"Ano ka ba, huwag kang mahiya... walanghiya ka naman diba este Wala ka namang hiya di ba?" – siya habang tumatawa.

Yung tipong, parang nagbago talaga siya... lagi na siyang tumatawa at hindi na rin siya KJ.

Dahil ba yun sa akin?? Nyehh? Choss lang!! dahil yun kay Precious kasi nakapuntos siya nung isang araw. Tsssk... Parang ang bitter ko yata...

"Ang sama mo!!" – ako :3

"Halika na nga." – siya sabay gulo ulit ng buhok ko...

Lumabas na kami ng kwarto niya at bumaba sa may dining hall nila...at ito na naman ang napakahaba at napakalaki nilang table na pinalilibutan ng more than 15 na upuan...

And to my surprise, hindi na siya nagpalit ng damit... nakapolo pa rin siya at jagger pants... pero nakasalamin na siya. pero, syete... Ang byolo talaga niya!!! *____* Libre naman siguro siyang pangarapin kahit hanggang pangarap ko na lang siya...

At sa may dulo nun... may dalawang naggagandahang babae at isang lalaking napakakisig sa kabila ng edad nito... At sila ang pamilya ni Raven... Ang TENNESON FAMILY...

"What brought you all home?" – Raven

Napatingin silang tatlo kay Raven na nagsalita...

"Emeged!! RC, ikaw na ba 'yan?" – babaeng mas matanda sa kanya... kapatid niya. Si ate Reena – Reena Tin Tenneson.

Oh, di ba? Kilala ko? Of course!! Ako pa!

"Malamang. Parang ilang taon tayong di nagkita ahh... last year lang naman 'yun." – Raven said sarcastically.

"Whatever." – ate Reena then she rolled her eyes.

"Hi, sweetie." – mama niya. Si Mrs. Fermosa Tenneson

Campus Nerd VS. Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon