Battle 28
Nandito ako ngayon kina Raven... at siyempre, ano pa nga ba? Tinutulungan siya for his transformation. And he was doing well, kasi desidido talaga siya.
"Ayos ba 'to?" – Raven
Naka dark Blue long sleeve polo siya at nakajagger pants na black na tinernuhan niya ng black airmax na shoes. At, nakakainlab talaga ang kagwapuhan niya. Ang HOT niya! Bagay na bagay sa kanya yung outfit niya. Mas lalong umibabaw ang kaputian niya at ang kagwapuhan niya... Kung di lang ako ikukulong, ehh, sinunggaban ko na'to! Well, rated SPG!! XD. Haha.
"Hoy! I'm asking you!" – Raven
Naka-ayos din yung buhok niya na lalong nagpagwapo sa kanya. Ba't ang gwapo talaga niya?? Siguro kung nasa skul siya at ganyan yung outfit niya... siguradong dudumugin siya ng mga higad na babae at mga lintang baklita... Baka nga matalbugan niya si Toshiro pag nagkataon. Ang SWERTE ni Precious!! Huhuh. T____T
Boooggsssh!
"Araaaay naman! Kahit kailan napaka-sadista mo!" – ako
Oo, sadista siya... Sinasaktan niya ako physically gaya ngayon, binato niya ako ng unan... at emotionally, kasi sinasaktan niya ang puso ko... </3 Hohoho.
"Para ka na naman kasing timang ehh. I'm asking you, but you're not even listening. Ano ba o Sino bang iniisip mo ha?" – Raven
"Ikaw!" – ako
Ayyy...tanga!!
"Ano?" – Raven
"Aahh, ehh.. i-ikaw... I-iniisip ko kung bagay mo ba 'yan! Ahh. Oo yun nga!! Ito naman kasi, hindi makapaghintay." – ako..
Hooo! Ang galing ko talaga! Pero muntik na yun ahh!! Ingat ingat din kasi minsan Neggy.
"Okay, so what do you think?" – siya while smiling so widely. ^_____^
"Perfecto!" – ako sabay thumbs up.
Mas lalo siyang ngumiti sa sinabi ko. Makikita talaga sa mga mata niya na masayang masaya siya...
"Ang galing talaga ng fairygod mother ko!" – siya sabay gulo ng buhok ko...
Lagi na lang niyang ginugulo buhok ko... -,- at kinikileg ang lola niyo...
^//////^
"Ba't namumula ka?" – Raven
"A-anong namumula? Hindi ahh! M-mainit lang kasi...Hoo. Ang hina ng aircon mo nho!" – ako sabay paypay.
Syete! Nangangamatis pisngi ko... Siya kasi ehh!
"Anong mainit? Ang lakas na kaya nung aircon... Hmmm. Huwag mong sabihin na... May gusto ka na sa akin nho?" – siya while grinning.
Hannnuuraaw? Gusto ko siya?
"Duhh! Hindi nho!" – ako kasi Mahal kita!!
"Wehh?" – siya
"Of course! I-ikaw ahh! Yumayabang ka na..." – ako
"Hahaha. Joke lang naman. Ito naman sineryoso mo naman. Hahaha." – siya
"Baliw ka talaga!!" – ako sabay hagis nung unan na hinagis niya sa akin...
Gumanti rin siya...
Binato niya rin ako...
At nagbatuhan kami ng unan...
Tawa kami nang tawa... Nung napagod kaming magbatuhan ng unan. Napaupo kami sa may sahig katabi nung kama niya.

BINABASA MO ANG
Campus Nerd VS. Campus Heartthrob
Novela JuvenilI loved writing various kinds and genres of stories and just this story took me off from my shell and suddenly decided to publish it for everybody's will of reading and for mine either as an immature writer. :) hihihi. Please enjoy reading! This s...