Chapter 10

11 1 3
                                        


Pumunta siya sa direksyon namin ni Maze. Wala akong maisip na palusot. Paano kapag nagtanong siya?


Magsaksak ka na Iya, huli ka na!


"Look,it's not how it looks like-"


"Don't try to cover  things up" pagpuputol niya sa akin "Yeah, I know him already" ano? Kilala niya na agad si Maze? Paano?


"Huh?Kilala mo si Maze?" nagtatakang tanong ko.


"Yep.He's your boyfie, right?" napakunot ang noo bigla. Boyfriend? Tumingin ako kay Maze nang nakakunot ang noo and he replied with a 'just go with the flow' look.


"A-Ah..uhm.. yes. Tria loves, meet Maze. M-My boyfriend"  mautal-utal kong pagpapakilala kay Maze.


Tria, as I would call her,  is my only best friend. We're friends since high school and I consider her as my sister from another mother. We get along really well even though we're not very alike. Napakaout-going kasi siya at babaeng babae samantalang ako mas gusto ko yung mga extreme stuff and so on.


"Mag-uusap muna kami ni Tria ah"  malambing kunwari kong sabi kay Maze 


"Sure Cally. I'll prepare breakfast. You two go and catch up" sabi niya nang may nang-aasar na ngiti. Cally?Saan niya naman nakuha 'yang endearment na yan?


Pumunta kami ni Tria sa sala at hinanda ko na ang sarili ko sa dami ng tanong na pwede niyang itanong sa akin.


"Cally pala ah" sabi niya na nakangiting aso. Tinignan ko lang siya nang masama at bumungisngis si gaga.


"Nawala lang ako saglit may Maze ka na? I thought you weren't into relationships and stay single forever with that fictional character of yours?" hindi ko pa nga pala naeexplain sa kanya yung totoong nangyayari. Kung si Maze nga mismo di naniniwala, siya pa kaya?


"People change naman di ba?Tsaka love moves in mysterious ways nga sabi mo dati" pagpapalusot ko.


"Okay,fine!If you say so." sabi niya while raising both hands in defeat


Teka lang..."Paano mo nga pala nalaman na..."napalunok ako "..kami na?"


"Oh,that?"sabi niya"I called you kasi last night then siya yuung nakasagot. Medyo parang galit pa nga siya at first eh kasi akala niya kung sinong 'loves' mo ako then afterwards we did a little chitchat kasi he told me he's your boyfie. Yun lang"


Napatawa ako nang konti. Si Maze?Gagawing palusot yon?Parang di naman kapanipaniwala.


"By the way,where are your parents at this time?" alam kasi niya na madalas akong matirang mag-isa dito sa bahay at hindi na rin siya nagtataa kung bakit. My parents value their source of income more than me as you can see.


"Don't bother. God knows where and when they'll be back. Tsaka wala namang bago diba?Magkasama nga lang sila this time" sabi ko sa kanya "By the way, anong plano niyo ngayong bakasyon? I mean, knowing your family, panigurado pupunta nanaman kayo sa ibayong dagat" tanong ko sa kanya.


Kung ang pamilya ko ay may kaya, ang pamilya naman ni Tria ay masasabing mayaman at kilala lalo na sa Fontafuego, isang probinsya kung saan marami silang lupain. But Tria was born in the States kaya naman may pagkaconyo siya.


"I don't know. But I heard that we'll be visiting Vistamar. Yung villa don sa probinsya. Sucks right?" sabi niya na parang naiinis.


Biglang dumaan si Maze na may dalang french toast with bacon at orange juice. Nanlaki ang mata ko sa ganda ng pagkakaarrange ng pagkain sa tray. Seriously? Did he take up culinary or something?


"Here's your breakfast Cally..."  nilapag niya ang tray "...and Tria, right?"  sabi ni Maze nang may pangaalinlangan.


Ngumiti lang si Tria kay Maze at bumalik siya sa kusina "Thanks panda bear"  sabi ko dahilan  para tumalikod si Maze at binigyan ako ng 'what the heck' look. Natawa ako bigla sa isip ko.


"Why don't you join us,Maze? Para naman makilala ko ang iniirog nitong bestfriend ko" pag-iimbita ni Tria kay Maze.


 Nagalinlangan si Maze saglit pero umupo narin siya sa couch.


"So how did the two of you meet?Kasi kahit kailan ay di ka naipakilala sa akin nitong si Iya or Cally as you would call her" jusmiyo!Bakit ngayon pa 'to nakapaginterrogate?! Anong sasabihin ko dito?


"Tria, ganito ka-"


"I'm a bookworm as well. There was this book signing and we got to meet with ah uh... are co-readers and then doon na nagstart. We started hooking up... I don't know if it was love at first sight or it was just 'sparks' as they say. I just...fell for her"  tinignan niya ako sa mata with intensity "...and somehow it felt like she was a blessing. Like she's a heaven sent angel who ought to help me and I'm very thankful that she came into my life"


 Kung may academy award for storymaking while acting ay panalo na 'tong isang 'to. Kahit gaano man kaganda yung sinabi niya ay pilit kong binuburo yun sa isip ko.

Kahit naman anong gawin ko ay di mabubura yung katotohanan na make-believe lang yun. And that I should be thankful kasi sinalo niya lang ako from total destruction.


"You guys are just way cheesier than Calibre.But believe me I'm very happy for the two of you. Lalo na sayo Iya! Akala ko you'll sign up na to be a matandang dalaga eh"  sabi niya na matawa-tawa. Bigla namang nagvibrate ang phone niya "Oh,speaking of Calibre. He texted.Sabi niya magmeet na daw kami sa plaza.Oh pano"  tumayo na siya "I'll go ahead. Huwag munang isuko ang Bataan,okay?" 

Binatukan ko siya. Kita niya namang nandito si Maze eh!

"Just text me if you need anything,okay?" sabi ko at nag-ok sign siya at umalis na.


Niligpit ko na angg pinagkainan namin at naghugas. Biglang lumapit sa akin si Maze sa akin at bumulong nang...


"Huwag ka masyadong magpadala sa sinabi ko. Lahat yun,hindi yon totoo..."



He's RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon