Chapter 13

7 1 2
                                    



Nagkalat ang mga tao sa dance floor habang nasabay sa beat ng kanta. Guys and girls kissing like nobody's watching. And elites socializing with other elites. Just like how they describe it in the books. Only worst.

Iba na pala talaga pag ikaw na ang nakakakita. Nakakaalibadbara.

Maze placed his hand firmly on my waist. Siguro alam niyang hindi ako familiar sa ganitong place at tama siya dun.

My eyes continued roaming around.Dirty dancing,booze,and the smell of cigarettes. So this is what clubbing means.

I have to act natural. Kaya kumuha ako ng isang cocktail at sumipsip ng konti. Naramdaman ko ang kakaibang init sa lalamunan ko at ang pait. I've tasted other drinks before but not this one. This one's hard.

Biglang kinuha ni Maze ang cocktail sa kamay ko and sipped from it also. Technically,we had an indirect kiss. Shit!

Bigla nanlaki ang mata ko! Ang landi ko nanaman.

"This one is a vodka. Don't drink hard drinks, baka malasing ka. Here,this one's lighter" sabi niya at inabot ang isang glass ng champagne.

Napansin ko ang mga babaeng nakita sa kanya na tila ba hinuhubaran na si Maze sa mga malalagkit nilang tingin dito. What the heck? Back off!

I clung unto his arm and smiled sweetly "Ano nang gagawin natin ngayon?" sabi ko at medyo nastun siya sa ginawa.

That didn't sound right.

"I'm just observing. Kung paano tayo makakapasok sa VIP lounge,escape routes,and other stuffs. Bakit,ano bang gusto mong gawin?" sabi niya sa kakaibang tono.

"Uhm,w-wala naman. I'll just go to the comfort room. You go and do your thing." Sabi ko bago pa mapunta kung saan ang usapan namin.

Pumasok ako sa loob ng cubicle at pinakalma ang sarili ko. Sheez,Maze is giving me chills.

Biglang may pumasok na mga babae sa CR at hindi ko napigilan mag-eaves drop.

"Did you see that guy over the bar counter? He's so damn hot! Pakiramdam ko I'm already wet!"

"Yeah right! Tingin pa lang pamatay na! Is he a model or something? I swear I'm gonna get his name" singit naman nung isa.

"Well,nakita mo yung katabi niyang girl? Parang girlfriend niya eh. Ang baba pala ng taste niya. I'm prettier that her in so many levels."sabi nung unang babae sa isang maarteng tono. The nerve of that girl!

"I don't care if he's taken. I'm gonna make that guy mine tonight.Mark my words." Aba!Ang kapal ng mukha!

Lumabas ako ng cubicle at mukhang nabigla yung dalawang babae na para bang nakakita ng multo. Umarte akong parang nagreretouch ,as if naman marunong ako. Let's show this bitches how territorial I am.

I grabbed my phone and played the ringtone and act as if I'm answering a call.

"Yes babe,I'm coming out na,why?" sabi koi sang pabebeng tono.

"Aww,miss mo na ako agad?" sabi ko at humagikgik pa. Napatingin sa akin yung dalawang babae,jaw dropped.

"You're gonna stay for the night,diba?...You're so cheesy talaga!Sige na nga!I love you too babe!Ito naman,nagcr lang ako!" sabi ko and acted as if ended the call. Nakatitig parin sa akin yung dalawang babae.

Lumabas na ako ng CR with a evil grin on my lips. I won.

When I got out,wala si Maze sa Bar counter so I just sat at the high chair and decided to wait.

"Hi hotshot,hindi kita masyado nakikita dito. Is it your first time?" sabi ng isang estranghero na mukhang mayaman with his shining diamond earring on his left ear.

I should act natural right?

"Uhm,no. But I don't go here that often." I replied with a subtle smile.

"Really?" he tried to look amused and suddenly grabbed my waist. Holy shit! "So can we dance?"

Napalunok ako. This guy's a pervert for goodness sake! Help!

"I believe that's my girl you're holding" baritonong sabi ni Maze na parang manunutok anytime "And I don't like other people holding what's mine."dagdag pa niya.

Eto nanaman siya. Saying things that he doesn't mean. But does it matter? I'm about to be harassed here!

"Chill,bro. Didn't know she was already taken."

"Well now you know." Sabay hawak sa kamay ko. Maze,huwag ka namang masyadong pasweet please.

Umalis na yung lalaki and he gave me a deadly stare.

"You said you'd go to the comfort room,Hindi ko naman alam na sumama ka para makipaglandian."

The heck?Siya na ngang tinutulungan siya pang galit?!

But I didn't replied to him. Bahala siya sa gusto niyang isipin.

"I got this pass from one of the VIP guest. All we have to plan is how they won't recognize me." Sabi niya.

I've got to think of something. Think Iya,think!

I have an idea!

"Leave it to me." I replied. Tutal malandi na ako sa paningin niya,edi lubusin na natin.

Lumapit ako sa isang bouncer na nakabantay sa labas ng pinto ng VIP lounge. Hindi siya kasama sa mga nakita namin ni Maze sa mall and he seems kinda young as well.

"Excuse me,do you know where the washroom is?" I said in a very seductive tone habang todo pacute at pasexy. Mukha namang naapektuhan siya at nagitla sa presensiya ko.

"A-Ah Ma'am, doon po sa gilid" sabi niya habang tinuturo ang direksyon ng banyo at nanginginig ang pannalita.

"Can you accompany me,then?" I said while caressing his cheek down to his lips. Napalunok ang bouncer sa ginawa ko kaya lumapit ako lalo.

"P-pero ma'am-"

"Please?" I smiled and bit my lower lip.

"Osige po." Sabi niya na mukha bahagyang napipilitan dahil matatanggal siya sa trabaho pagginawa niya iyon. Sorry kuya, I need you to cooperate.

Kinuha ko ang braso nung bouncer at iniyakap sa bewang ko at kumapit ako sa braso niya. Ngumiwi ako sa isip ko.

Baliw na ata ako. Lahat nagagawa ko basta para sa kanya. Kahit minsan nasasaktan niya ako. Kahit di niya ako pinahahalagahan.

On my peripheral vision, I see two eyes staring at me intently, with unfathomable emotions.

Ewan ko sa iyo, Maze. Nawawala lahat ng inhibitions ko pagdating sa'yo.

Dahan-dahan siyang pumuslit sa loob ng lounge. At doon ko napagtanto, ginagamit niya lang ako dahil alam niyang gusto ko siya. Na mahal ko siya . He didn't want to be with me. He needed to be with me. Because he knew I could help him.

At ako naman,si tanga,nagpagamit.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon