Chapter 11

5 1 0
                                    


Days after that,we started roaming around to find Rifle according to the book. Daig pa namin ang nabuo ng jigsaw puzzle na walang kopyahan. We don't know where to start.

I was glad na hindi na naulit yung surprise visit ni Tria. Not that I don't want to see her, it's just that I hate pretending. Especially to my bestfriend.

Bumangon na ako mula sa higaan at nagdesisyon magluto. Pagbukas ko ng ref ay nakita kong wala na itong laman. Kailangan ko ng mamalengke.

Pagtalikod ko ay nakita ko si Maze,nagsusuot ng shirt. Kahit ilang araw ko na siyang kasama, di parin ako nasasanay makita ang katawan niya. Who could resist a body like his?

Napalunok ako at nagkunwari na walang nakita.

"Uhm Maze, dito ka muna. I'll go to the market. Mamalengke lang ako kasi wala na tayong stock"

He got Raven's key before I did so I shot him a curious look.

"Wag ka nang maarte. I'm doing you a favor."

Hindi na ako umimik pa. I just followed him outside as he moves Raven towards the gate.

"Never thought an ugly girl like you would have such good taste in motorbikes"sabi niya.

The nerve! Ano,dapat ba maflattered pa ako sa sinabi niya? Ang kapal!

He started the engine at umangkas na ako. Nagdalawang isip ako if I should cling to him or not. Nakakahiya.

Bigla niyang hinila ang mga braso ko paembrace sa kanya. Damn, I didn't see that coming.

"Nahiya ka pa. I know you want to" lumaki yung mata. The heck? "And I really don't want to be at fault for another death"

He blames himself for his love ones' death? I don't think that right.

Bigla niyang pinaharurot si Raven. Napakapit ako lalo sa kanya. Ganito pala yung feeling? Like how love novels describe it. Butterflies fluttering inside your stomach. Shivers down your spine and all the foreign sensations you couldn't fathom.

"Hey woman, we're here. Masyado mong nang sinasamantala yung pagkakataon mo" sabi niya na may ngisi sa labi.

Nagmake face ako. Ang feeling! Di ko akalaing naattract ako sa lalaking 'to!

Pumunta kami sa isdaan at di ko alintana kahit sobrang putik dito. Yes, I was raised like some rich kid dahil may kaya ang pamilya ko pero di naman ako pinalaking maarte.

Paglingon ko kaya Maze ay may nakaplaster na ngiti sa mukha niya. Am I hallucinating? Is he really smiling. The grumpy Maze is smiling?

"What?"I said while raising one brow.

"Nothing."he said and chuckled. Shit. Even his laugh is sexy.

"Magkano po isang kilo?"sabi ko habang kinikilatis yung galunggong.

"Wampipti neng."ano?Ang mahal naman!

"Wala na ho bang bawas yun?"

"Tapat na yun."

"Manang baka naman pwedeng tawaran pa" singit ni Maze habang yung tindera naman ay todo punas sa mukha niya.

Oo nga pala may kasama pala akong alas dito. Iba talaga ang nagagawa ng looks sa panahon ngayon.

"Ito naman. Sige,wantwenti na lang para sayo pogi."

Hayup! Ayos din to! Para-paraan din eh.

Pero kapag sa akin grabe makapagsungit. Bias!

Pagkatapos namin ipalinis yung isda ay tumuloy na kami sa pamamalengke ng gulay at kung ano-ano pa.

Napahinto ako nung may nakita akong nagtitinda. Calamares! My all time favorite!

Kumuha ako at nagbayad sa tindero "Manong oh, 30 pesos po"

Nakita ko si Maze na nakangisi nanaman. "Gusto mo?" Alok ko.

"Try it. It's good." Nagtuhog ako ng isa at sinubo sa kanya.

"Is this your favorite?" Tanong niya.

"Yep. My favorite street food."

"Didn't know rich kids liked street foods."

"I'm not a 'rich kid'"I said while quoting in the air.

"Yeah right."

"Actually I also love tenga ng baboy and isaw"I said to convince him. He chuckled in amazement.

Patuloy niya akong inasar habang nakain kami. This is actually better than his usual grumpy aura.

Napahinto ako nung may narinig akong lalaki na nabanggit ang pangalan ni Maze.

"Boss,walang lead si Maze. Minaman-manan po namin siya. Baka ho nakamove on na" sabi ng lalaki sa kausap niya sa phone.

Napahinto rin si Maze. I rolled my eyes towards the guy like saying 'he's a spy!' while placing my index finger on his lips.

"Oho boss,magbabantay din ho ako mamaya sa Soiré. Oho magbobouncer na ho ako. Di naman ho kayo matutunton." sabi uli nung lalaki.

Ibinaba niya ang phone at umalis na. Hinila naman agad ako ni Maze patungo kay Raven.

"Let's go. We have a party to crash."

He's RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon