Chapter 8: Perfect Time?

432 8 4
                                    

A/N: Dedicated to BelleFelicityUsi. Thank you for reading! :*

--

 "Oh my God! Moe, bakit basang-basa ka?!Bakit ka nagpaulan?!"

"Julia- ... Julie."

 ...Bakit magkaboses din sila. Aish.

"Juliana? Sino ba siya? Madalas mo siyang mabanggit."

"You don't care."

"Moe, galit ka pa ba? Sorry na."

"Bukas na tayo mag-usap."  

Tunay ngang wala sa mood si Elmo na makipag-usap. Masyado pang magulo ang isip niya. Kung iisipin mo, ano nga bang ginawa sa kanya ni Julie? Pinaalis lang naman siya para hindi ito maabala. Pero iba ang dating nito para kay Elmo. Masyado siyang naapektuhan. 

Ayaw niyang may umalis o mawala pa uli sa buhay niya.

Masyadong malalim ang pinanggagalingan ng sakit na nararamdaman niya.

*****

"Moe ... Please, kausapin mo naman ako."  nagmamakaawang sabi ni Julie. Kanina pa siya nagsasalita at nagmamakaawa sa harap ng pinto ni Elmo pero tila walang balak ang huli na pagbuksan siya. Nakapagbihis na't lahat si Elmo pero hindi niya pa rin pinapansin si Julie or should I say, pinipilit niyang wag pansinin.

"Julie, bukas na tayo mag-usap." balik na sagot ni Elmo.

"Moe, please."

 ...Bakit ba kailangan magmakaawa ka pa? Ano bang mahirap intindihin sa ayaw ko pang makipag-usap? Bakit ... ang hirap mong tiisin, Julie Anne San Jose? Ang kulitkulit mo talaga.

Wala nang nagawa si Elmo kung hindi pagbuksan ng pinto si Julie. Pero mas nagulat siya ng pagbukas niya ng pinto ay inabutan niya ang nakayuko habang umiiyak na si Julie.

"Ba-bakit ka umiiyak? Teka, Julie tumahan ka na."

Natuliro naman daw si Elmo nung makita niyang umiiyak si Julie. Para bang mas nakonsensiya pa siya. Ayaw niya talagang may nakikitang babaeng umiiyak sa harap niya.

"Ka-kasi *sobs* Ayaw mo *sobs* akong kausapin *sobs*. "

Matapos niyang marinig yun kay Julie, sa di niya malamanng dahilan ay napangiti siya. Para talagang bata ang babaeng nasa harap niya. 

"Osige na. Wag ka ng umiyak." 

Hinawakan ni Elmo ang mukha ni Julie gamit ang dalawa niyang palad at pinunasan ang mga luha nito.

"Julie, pwede ba kitang halikan sa noo?"

Bigla na lang itong nasabi ni Elmo gaya ng biglang pagpasok nito sa isip niya.

"Huh?"

...Ano bang nangyayari sayo Elmo? Bakit gusto mong halikan yun noo ng babaeng 'to. Kay Juliiana mo lang ginagawa yan. Sa kanya lang.

Kahit ano pang pigil ni Elmo sa isip niya ay ginawa niya pa rin. Hinalikan niya si Julie sa noo nito. Parang tumigil ang mundo niya noong ginawa niya yon. Hindi niya mapigilang gawin ang idinikta ng puso niya.

"Okay na tayo?" masiglang sabi ni Julie na di naman ininda ang ginawa ni Elmo.

Tila nagising naman si Elmo doon. Ngumiti na lang siya sa dalaga.

"Kung okay na tayo ... Halika na, kantahan mo na ako." nagpapacute pang sabi ni Julie kay Elmo.

 ...Julie Anne San Jose, kakaiba ka talaga.

Napailing na lang si Elmo. "Halika na nga.Baka sisihin mo pa ako kapag hindi ka nakatulog. Tsk." Natawa na lang si Julie sa sinabi niya. "Dapat lang. " 

*****

"ELMOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! Gising na!!" 

Nagising ng di oras si Elmo ng may babaeng biglang sumigaw sa tenga niya.Tinignan niya pa kung nasaang kwarto siya. Baka kasi hindi siya nakabalik sa kwarto niya at nakatulog sa kwarto ni Julie pero nasa tamang kwarto naman siya. Ang pinagtataka niya bakit nandito si Julie?

"Teka, bakit ka nandito?Tsaka ang aga-aga sumisigaw ka diyan." iritang sabi ni Elmo. Insin mo na siya sa lahat ng oras pero wag lang pag bago siyang gising lalo na kapag kulang siya sa tulog.

"Ang aga-aga rin ang sungit mo! Aayain sana kitang mamasyal. Bilis naaaa. Magbihis ka na.Puhleaseeeeeeeeeee?" 

 ...Nag-pacute nanaman po siya. Smh.

"Bakit umiiling ka diyan? Ayaw mo akong samahan?" nag-pout pa ito sa kanya.

...Kailangan talaga mag-pout?! Aish

"Osige na.Mauna ka ng bumaba. Susunod na ako."

"Owkaaaaay. Bilisan mo ha?" masigla nitong sabi.

Aalis na sana ito nang bigla itong tumigil at humarap muli sa kanya na para bang may nakalimutan. Lumapit uli si Julie sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. 

Nagulat si Elmo. Magsasalita pa sana siya pero mabilis na nakaalis ang dalaga.

...Perfect Time to start my plan.

--

A/N: Sa wakaaaas. After 999999999999999 years! Nakapag-update din. HAHAHA May nagbabasa pa ba nito? Kung meron man, Thaaank youuuuu. :** Sa tingin niyo sino ang nagsabi ng 'Perfect Time to start my plan.' at ano ang binabalak niya? More revelations to come. :D

Hidden Truth (JuliElmo) [HIATUS]Where stories live. Discover now