Chapter 5.4:Regrets

407 4 1
                                    

Mula nung araw na yun, hindi na kami gaanung nag-usap ni Yana. Tatlong linggo na rin ang nakakaraan. Ano ba naman kasing katangahan yun nagawa ko?! Naalala ko lahat kahit lasing ako. Aish.

Kung tutuusin nasa katinuan pa ako nung mga oras na 'yon. Bakit ko ba ginawa sa kanya 'yon. Tanga mo, Elmo. Bakit mo ginawa 'yon? Sa bestfriend mo pa!

Gusto ko kausapin si Yana. Tama. Dapat kausapin ko siya. Bahala na kung ano ang kalabasan ang mahalaga makausap ko siya. Pupuntahan ko siya.

"Han. Ang tagal mong nawala ha? Bakit hindi ka pumapasok?" Si Lauren.

Hindi ko na siya pinansin. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya ngayon. Hindi ko pa rin alam kung anung paniniwalaan ko. Ang mahalaga ngayon makausap ko muna si Juliana.

"Elmo! Ano ba?! Bakit hindi mo ko pinapansin?" sigaw niya pa

Dire-diretso lang ako. Siya naman habol pa rin ng habol. Sinabi ng wag ngayon e!Aish. :|

"Lauren! Pwede wag mo muna ako kausapin?! Magulo ang utak ko ngayon, okay? Baka kung ano lang magawa ko sayo. May kailangan pa akong ayusin. Pwede mag-cool off muna tayo? Nahihirapan na ako e." dire-diretso kong sabi.

Wala ito sa plano ko bigla ko na lang naisip na kailangan ko ng space.

"Pero ...bakit? Ano bang nangyari?"

"May nakapag-sabi sa akin na niloloko mo daw ako." diretso kong sabi sa kanya.

"Han! Hindi totoo yun!"

"Lauren! Ayoko muna pag-usapan sabi e!" Umalis na ako.

*****

Kanina pa ako ikot-ikot dito sa school. Nasaan na ba si Juliana?! Kailangan ko na talaga siya makausap. Namimiss ko na ang bestfriend ko at hindi ko siya kayang tiisin.vKailangan linawin ko na ang lahat. Sana maayos ko to.

"ELMO!!!!HAYOP KA!!" 

Jay?!Ano bang problema nito?!Bakit bigla na lang nanununtok?!

"Ano bang problema mo, pare?!Bait galit na galit ka sakin?!"

"Hayop kang lalaki ka! Matapos mong gawin yun kay Juliana, iiwan mo na lang siya sa ere? G*go ka pala e! Tapos babalikan mo yun girlfriend mong ubod ng sama?! G*go!!Gawin mo na yan sa lahat ng babae, pero hindi dapat kay Juliana. Sabay-sabay na tayong lumaki, Elmo! Kapatid na ang turing ko sa inyong dalawa pero alam mong iba si Juliana. Alam mo kung gaano ko pinoprtektahan si Juliana dahil mahalaga siya sa akin. Alam mong itinuturing ko siyang bunsong kapatid dahil gusto kong magkaroon ng kapatid na babae."

"Jay, ano bang si-"

"Ipinangako ko sa sarili ko na poprotektahan ko siya! Akala ko tutulungan mo ako pero sayo ko pala siya dapat protektahan! Hayop ka! Ano ngayon? Magpapakasaya ka habang si Juliana naghihirap dahil sa ginawa mo sa kanya?! Kung sabagay, tanga din naman tong si Juliana e! Minahal kang loko ka! Naging mahina siya, sinamantala mo naman! Ano ngayon? Aalis siya? Iiwan tayong lahat?! Dahil sa ginawa mo! Kung kailan kailangan niya ko hindi ko siya madadamayan dahil pinili niyang lumayo!G*go ka kasi e!!!!!" tapos sinuntok niya ako ulit.

Hindi ako pumapalag. Pinagtitinginan na rin kami ng iba pang estudyante. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Aalis? Aalis siya?vPero hindi pwede! Kailangan pa namin mag-usap! Gusto ko ngang ayusin to diba? Pero bakit mas gumugulo lalo? Bakit?

*****

Ilang araw na. Pinuntahan ko si Juliana sa kanila pero kahit ang mama niya ayaw sabihin sa akin kung nasaan siya. Umiiyak siya sa tuwing napag-uusapan namin si Juliana. Pero bakit? Hindi ko maintindihan. Ayaw niyang pag-usapan ang anak niya. Naguguluhan ako.

Nandito ako ngayon sa school. Nagbabakasakali na pumasok na si Yana.

"Ayun umalis na! Hindi ako papayag na maagaw niya sa akin ang boyfriend ko! Akala ko mag-bestfriend lang sila pero ano?Sasabihin niya sa akin na ganun? Hindi ako kayang lokohin ng boyfriend ko kaya hindi ako naniniwala na kay Elmo yun. Pinagsisigawan ko siya at ipinamukha sa kanya na hindi siya gusto ng boyfriend ko! Ayun nag-iiyak at umalis. Balita ko nga lumipat na rin ng school. Hindi ko na alam kung saan nakatira yun." 

"Iba ka girl! Ang galing mo! Haha!"

Teka, boses ni Lauren yun ha. At kaibigan niya yun isa pang babae. N agkausap sila ni Juliana? Kailan? Paano?Tsaka akin ang alin? Sinaktan niya si Yana?!

"Lauren!!" sigaw ko.

"Han." 

"Anung ginawa mo kay Juliana?! Sinaktan mo siya?! Anung pinagsasasabi mo sa kanya?! Wala kang karapatan na gawin yun sa kanya!!!"

"EH BAKIT MO BA SIYA PINAGTATANGGOL?! TOTOO BA? HA?! NILOKO MO AKO?!"

"EH DIBA NILOKO MO RIN NAMAN AKO?!"

"A-anung sinasabi mo? Pa-paano mo nalaman?"

"So totoo nga?!"

"Elmo, let me explain."

"EXPLAIN?! Wag na. Nagpapasalamat pa nga ako at nalaman ko na agad. Tapos na rin tayo. Hindi na kita kayang mahalin. Eto tatandaan mo. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay Yana. Dahil sayo iniwan niya kami, ako! Hindi mo dapat ginawa sa kanya yun! Wala kang karapatan gawin yun sa babaeng tunay na nagmamahal sa akin."

*****

"Jay. Mag-usap naman tayo. Gusto ko malaman kung nasaan si Yana. Nasaan na ba siya?! Miss na miss ko na siya. Jay, please. Sabihin mo na sa akin."

Nandito ako ngayon sa bahay nila Jay.Ilang ulit ko na siyang kinukulit para lang sabihin sa akin kung nasaan si Yana.

"Bakit gusto mo siya makita? Wag na lang. Baka hindi mo kayanin ang responsibilidad. Ayoko na siyang masaktan."

"Responsibilidad? Jay, anung sinasabi mo?"

Naguguluhan na talaga ako.

"Bakit ba gusto mo pang malaman?"

"Jay naman! Mahalaga sa akin si Yana. Gusto ko maayos to!"

"Buntis siya. Umalis na siya. Gusto niya ng makalimot kasama ng anak niyo kahit alam ko namang impossible yun dahil kasama niya ang anak niya sayo. Tsk. Sinubukan niyang sabihin sayo pero ano? Sinaktan lang siya ng magaling mong girlfriend at sinabing kayo pa rin pala. Ngayon alam mo na, may magbabago ba? Wala na siya. Hindi mo na mababago ang lahat." sabi niya sabay talikod sa akin at alis.

Buntis siya?

Yun ba ang sinasabi ni Lauren? Pero tinapos ko na ang lahat sa amin.B akit hindi mo ako kinausap Yana? Bakit hindi mo sa akin sinabi? Hindi ka ba nagtitiwala sa akin? Sa tingin mo ba, hindi kita papanagutan?

Edi sana kasama pa kita ngayon. Edi sana kasama ko ang anak ko ngayon at ...ikaw.

Bakit hindi mo nahintay na sabihin ko sayo kung gaano rin kita kamahal?

Bakit, J?

=End of Flashback=

Hidden Truth (JuliElmo) [HIATUS]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora