Chapter 10: Still into her

246 10 3
                                    

"Kiss me."


Nagulat si Elmo sa narinig niya. Noong una ay akala niya mali lang siya ng pagkakarinig. Ngunit sa pamamagitan ng mga titig ni Julie ay tila nalaman niyang tama ang kanyang rinig. Hindi niya na talaga maintindihan si Julie. Parang sasabog na ang ulo niya sa kakaisip sa iniisip at nararamdaman ng dalaga.

Pero mas hindi niya naiintindihan ang sarili niya.


He kissed her forehead.

He kissed her nose.


And yes, He's kissing her in the lips.

He feels like a robot na automatic na gumalaw the moment she told him to kiss her. Naiinis na siya. Hindi dapat ganito ang nararamdaman niya.

Nang maghiwalay ang mga labi nila nagulat si Elmo nang bigla na lang may tumulong luha mula sa mga mata ni Julie.

...Mali. Bakit ko siya hinalikan. Mali. Ang tanga ko.

"Sorry, Julie. Sorry. Hindi ko dapat ginawa yun. Mali. Sorry." Elmo said

"Sorry? Mali? Kung hindi mo kayang panindigan, bakit mo ginagawa?" Julie

"Look. Nag-sosorry ako dahil masyadong naging mabilis ang lahat. But I'm not sorry na hinalikan kita. Hindi mo alam kung anung naramdaman ko nung hinalikan kita. Naramdaman kong nabuo uli ako, after so many years." Elmo

He saw na naguluhan si Julie sa mga sinabi niya.

"Julie, kung sasabihin ko bang mahal kita tatanggapin mo ba ako?" bigla na lang lumabas sa bibig ni Elmo ang mga salitang ito.

...Ano ba itong sinasabi ko?

"Alam mo bang ang sabihin mong mahal mo ako ang matagal ko ng hinihintay?"

Tila nabuhayan ang binata sa tinuran ng dalaga pero bigla ding naglaho ang lahat ng dinuktungan niya pa ito.

"But I don't think I'll be happy to hear that now. Playing safe? You just want to win and win that's why you're asking, right? Para alam mo kung may pag-asa ka at para di ka ma-reject. So old school." at bigla na itong tumalikod at naglakad palayo.

*****

Laking pasalamat ni Elmo na iyon na ang huling araw nila sa States.


Kailangan niya ng oras para mag-isip. Pero heto nanaman si Julie, mangungulit muli na parang walang nangyari

...Paano niya nagagawa umarte na parang wala lang? Paano?


"Elmooooooo. Tara naaa. Mag-pipicture lang naman tayo para remembrance." Julie

Hidden Truth (JuliElmo) [HIATUS]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora