Impromptu Girlfriend

204 6 0
                                    

NAGMADADALI akong naglalakad papunta sa aming classroom nang hindi ko mapansin na may mabubunggo na pala ako.

“Aray! Hindi ka ba tumutingin sa dinadaanan mo?!” inis na sabi ko. Tinignan ko kung sinuman ang nakabungguan ko, and I swear, gusto kong tumakbo palayo.

Halata sa mukha niya na nainis siya sa ginawa ko, pero ngumisi lang siya at ang mas ikinagulat ko ay ng hatakin niya ang aking kamay at sinimulan niya akong kaladkarin.

“Aray ko! Teka, ano ba?! Saan mo ko dadalhin?!” sunud-sunod na tanong ko sa kaniya habang nagpupumiglas. Napapatingin tuloy ang mga taong nadadaanan namin.

“Shut up or I’ll kiss you,” pagbabanta niya. Mukha siyang seryoso kaya nanahimik na lang ako.

Huminto na siya sa pagkaladkad sa akin. Inakbayan niya ako. “Makisama ka na lang muna sa akin kung ayaw mong maging impyerno ang buhay mo dito sa school,” pagbabanta niya pa.

Napalunok ako. “S-sige.”

Lintek! Saan napunta ang tapang mo Hans?

Lumapit kami sa isang babae, naka-akbay pa rin siya sa akin. “Mary, meet my girlfriend.”

ANO DAW?!?!

Impromptu GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon