Chapter Eight: Avoiding Mr. Gangster

35 2 1
                                    

Dedicated to Chelsea~ Labya Babskie. Sana gumaling na LBM mo. HAHAHA! :* ♥

Chapter Eight: Avoiding Mr. Gangster

“Oy, nakikita niyo ba si Bullet?” tanong ko sa tatlo.

“Ano naman ang gagawin ni Bullet sa loob ng girls' cr, aber?!” taas-kilay na tanong naman ni Sunny.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

“So iiwasan mo na lang talaga siya?” si Jini naman ang nagtanong.

“Obvious ba? Ayokong makita siya. After what happened between the two us… I don’t think that I have the guts,”

Hana rolled her eyes. “Kung makapag-inarte ka akala mo nag-sex na kayo. Eh kiss lang naman ang ginawa niyo.”

“Ssh! Baka may makarinig sa atin!” alarmed na pagpapa-alala ko.

“Tayo lang kaya ang tao dito.” Jini said in a ‘duh’ tone. I was relieved by that fact.

“Bakit ba nahihiya ka kay Bullet? Eh ‘di ba’t boyfriend mo naman siya? Last time I checked, normal lang sa couples ‘yun,” sabi naman ni Sunny.

Napahilamos ako ng mukha. “How many times do I have to tell you that we’re not a real couple?!”

“Then make it real para hindi ka na mukhang ewan diyan!” Hana retorted.

“Ugh, whatever!”

Hinawakan ni Sunny ang aking magkabilang braso at nagsalita. “Huwag ka na ngang mag-inarte ng ganiyan. Napaka-choosy mong babae ka. Wala ka namang talo kay Bullet e, bukod sa mayaman,”

“Mayabang,” sabat ko.

Huminga siya ng malalim. Ignoring my remark. “Gwapo,”

“Gago naman,”

“Mabait sa magulang,”

“Correction, sa nanay niya lang. Mama’s boy,” I snorted.

Sumabat naman si Jini. “At magaling humalik!” she exclaimed, grinning at me as she wiggles her brows.

I glared at her.

Sunny heaved out a sigh. “Hay nako! Napaka-stubborn mo talaga, Hans.

“That’s me.” I said as I smirked.

***

Matapos ng dalawang oras kong pagiging ninja sa kakaiwas kay Bullet, nakapasok naman ako ng maluwalhati sa aking klase. Tatlong oras na lang at matatapos na ang klase. Three dreading long hours!

Umupo na ako sa aking upuan. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa aking kanan. Hanggang ngayon pala hindi pa bumabalik si Tristan. Ano na kaya ang balita dun?

Si Tristan kasi ang kauna-unahang guy friend ko after kong malipat sa school na ‘to. Mas nauna ko pa nga siyang naging best friend kaysa kina Hana, pero dahil din sa kaniya ay nakilala ko sila. Mag-pinsang buo kasi sila ni Sunny. Madali ko siyang nakasundo dahil masarap siyang kasama at komportable ako sa kaniya. Maliban dun ay matalino, gentlemen, at higit sa lahat, gwapo, matalino at mabango!

Ang sarap niyang kantahan ng ne seye ne eng lehet~

Aaminin ko naging crush ko siya, hanggang ngayon din siguro. I mean, sino bang hindi magkakagusto sa lalaking tulad niya? He is every girls dream guy! Hindi ko nga alam sa mga napapanood kong koreanovelas at nababasa sa mga ebook and novels kung bakit gusto nila ‘yung mga ‘medyo bad boy’. Like duh, ano naman ang attractive sa lalaking masama ang ugali?!

Hindi ba nila mas gugustuhin ang mga katulad ni Tristan na may respeto at sweet sa babae? Bakit ba nagkakandarapa pa sila sa mga gagong katulad ni Bullet?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Impromptu GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon