Chapter Two: Doubt

53 3 0
                                    

Chapter Two: Doubt

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa ‘trabaho’ ko. Hindi naman kasi siya talaga mahirap, infact tatayo lang naman ako at magsasabi ng konting kasinungalingan at kabalbalan. Pero, konti lang talaga. Kaso, naawa talaga ako sa mga babaeng napapaiyak ng hinayupak na Bullet na ‘to. Babae rin ako kaya nasasaktan din ako para sa mga babae na pinaglaruan lang ni Bullshit.

“Bwisit ka talaga,” sabi ko sa kaniya, throwing him daggers.

“Ano bang ginawa ko sayo?”

“Letse ka. Kung alam ko lang na ganito pala ang ipapagawa mo sa akin, sana pala hindi na lang ako pumayag,”

“Hindi naman mahirap ang ipinapagawa ko sayo ah? Tatayo ka lang naman sa tabi ko, magpapanggap na girlfriend. Anong mahirap dun?”

Napasapo ako sa noo ko.”Look, hindi tama ang ginagawa mo Bullet,”

“Wala ka na dun. Basta binabayaran kita para gawin ‘yang trabaho mo, hindi para sabihan ako ng kung anong tama at mali,” malamig niyang sabi. Ibinigay niya sa akin ang isang ATM card na may kasamang papel bago siya umalis.

Ibang klase talaga ang kupal na ‘yun. Tinignan ko kung ano ang nakasulat sa papel, pin pala ito para sa ATM niya. May nakasulat pa na note.

‘Kunin mo kahit mag-kano. Mayaman ako.’

Hanggang sa sulat ba naman mayabang pa rin ang hinayupak na ‘yun?

***

Nang makauwi na ako sa bahay ay agad akong dumiretso sa aking kwarto. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Naging girlfriend ako ng isang gangster para lang kumita. Grabe! Ang hirap maging poorita!

“Hansel! Kakain na!” tawag ni Mommy mula sa kusina, which is nasa ibaba.

“Susunod na po!” sagot ko. Oo, ganiyan kami mag-usap.

Bumaba na ako papunta sa kusina, nandoon na rin pala si Marine, ang nakababata at nag-iisa kong kapatid.

“Hi ate,” pagbati sa akin ni Marine.

“Hi baby,” bati ko pabalik at saka hinalikan ko ang noo niya.

Umupo na ako sa upuan. “Wala pa rin ba si Daddy?” tanong ko kay Mommy bago ko isubo ang pagkain ko.

“Yup, he’s been very busy looking for investors and other business stuffs,” Mom said.

“Akala ko ba naman kapag bumaba na ang social status natin mas magkakaroon na siya ng time para sa atin…” walang gana kong sabi.

Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. “Hansel, gusto lang ng Dad niyo na maging secured ang future natin. After what we’ve been through, siyempre he wants to be back on track,”

Oo, conyo ang Mommy ko. Sa kaniya kami nag-mana ni Marine. At, HINDI niya idol si Kris Aquino. Nasanay lang siya kasi mga socialites ang mga nakasalamuha niya.

Nang matapos na kaming kumain ay hinugasan ko na ang aming pinagkainan. Kung mayaman pa rin sana kami ngayon, may mga katulong pa rin kami at hindi na kailangan maging mano-mano ang paghuhugas. May dishwasher kami e!

Hindi ko rin kasi alam ang dahilan ng pagbagsak ng business namin, ayaw naman kasi sabihin nila Mommy’t Daddy. Gusto nga sana ng grandparents ko na sa kanila na lang kami mag-stay.

After finishing the chores, home works naman ang aking inatupag. Nang matapos ko na ang school works ay inayos ko ang aking gamit, natigilan ako ng makita ko ang ATM ni Bullet.

Tama ba ‘tong ginagawa ko?

***

Impromptu GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon