Chapter Seven: Girls' Talk

46 4 1
                                    

Chapter Seven: Girl’s Talk

Ugh! Mukha akong walking dead ngayon! Hindi kasi ako pinatulog ng mga pangyayari kahapon, bwisit talaga ang Bullet na 'yun!

"Shall we finish in what we started?"

Ha... teka. Ano daw? Finish what we started-- langya!

"H-ha?"

Ngumisi na naman siya as he leaned forward. Halos ilang inches na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko, I can even feel his breathing!

Sinasabi ng utak ko na 'LUMAYO KA SA KANIYA AT UMALIS NA DIYAN' pero ayaw gumalaw ng aking katawan. Parang napako ang mga paa ko sa sahig at wala akong kontrol sa aking sarili.

Bullet cupped my face, I still stood there. Not moving.

Our lips touched once again, but this time it’s different. It is not a chaste kiss or peck in the lips, his lips were moving! What's worst is; I am responding to his kisses for Pete’s sake!

I can already feel the building intensity between the two of us. Absentmindedly, I wrapped my arms around his neck, making the kiss deeper. Bullet pulls closer by wrapping his good arm around my hips.

I let out a small moan; Bullet took this opportunity to insert his tongue inside my mouth.

OH MY GOD! HIS TONGUE!

RETREAT! RETREAT!

I think that God answered my prayer; my phone rang. I was the one to break the breathtaking, mind-blowing kiss.

"I-ill answer t-this," I said, avoiding his gaze as much as possible.

"Go ahead," he said normally. Bakit parang wala lang sa kaniya 'yun?! WE MADE OUT FOR HEAVEN'S SAKE!

Tumalikod ako sa kaniya at humakbang ng kaunti sa kaniya.

"H-hello,"

"Hans, nasaan ka? May sleepover kila Sunny!" hyped up na sabi Hana through the other line.

"R-really? I-i'll go there, asap!"

Geez, what's with the stuttering?!

"Are you okay? Bakit ang utal-utal mong mag-salita?"

"Ah, eh, choppy kasi. Ang hina ng signal dito. Punta na ako diyan. Bye!" dire-diretso kong sabi at agad na binaba ang tawag.

Humarap ako kay Bullet; hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob at kapal ng mukha para harapin pa siya.

"Ah, sige, Bullet, alis na ako ha? K-kita na lang tayo sa school bukas! Bye!" pagmamadali kong sabi at kumaripas ng takbo paalis sa loob ng kwarto niya. Palayo sa hospital. Palayo sa kaniya.

Sabado pala bukas, walang pasok. Walang Bullet! Thank God It's Friday!!

"Hans! Lutang ka na naman! Hindi ka pa rin ba maka-get over sa make--" hindi na naituloy ni Jini ang kaniyang sinasabi dahil tinakpan ko agad ang kaniyang bibig gamit ang aking dalawang kamay.

Inalis ni Jini ang kamay ko sa kaniyang bibig. "Ang alat ng kamay mo, pweh!" pakunwaring nandidiring sabi pa nito.

Nasa bahay pa kami ngayon ni Sunny, bukas pa kami uuwi sa kanila. Since ka-close na kami nila Tito't Tita ay at home na at home kaming tatlo dito.

"Was he a good kisser?" curious na tanong ni Hana.

No, he's not. Because he might be the best! Hindi naman sa marami na akong nahalikan na lalaki, in fact; si Bullet pa lang ang kauna-unahang lalaking nakahalik sa akin ng ganoon! Pero from what I saw from TV series like The Vampire Diaries, the way how Ian kissed Nina. Parang ganoon!

Without thinking properly, I nodded.

"Kyaaaaaa!" sabay-sabay na tili ng tatlo. Parang nag-practice sila ng synchronization, take note, 'yung tili nila halos sabayan na nila ng Harlem Shake sa sobrang OA nilang mag-react!

"Kaya siguro hindi siya maiwanan nung mga babae niya kasi magaling pala siyang humalik!" bulalas ni Sunny with matching hampas pa sa braso ko.

"Walangya kang babae ka! Kung alam mo lang kung gaano kadaming babae ang pinapangarap na mahalikan si Bullet!" komento naman ni Hana.

"HINDI KO PINANGARAP 'YUN! Gusto ko na ngang makalimutan 'yun e! Kaya please naman 'wag na nating pag-usapan pa, oh?!" pagmamaktol ko habang ginugulo-gulo ko ang aking buhok.

Huminto naman sila sa kanilang paghi-hysterical at tumahimik. Masinsinan nila akong tinignan na para bang tinubuan ako ng pangatlong mata sa noo.

"Hoy! Ano ba 'yang tingin na 'yan?!"

Nagsalita si Jini. "Crush mo na ba si Papa Bullet?"

“Infatuated ka na ba?” tanong naman ni Sunny.

“Mahal mo na?” dagdag naman ni Hana.

I heaved out a sigh, and I looked at them seriously. “No, no, and no!”

Dinukdok ko ang ulo ko sa lamesa. Ayoko na! Gusto ko ng mag-back out! Magta-trabaho na lang ako! Magsasayaw na lang ako hanggang ma-dislocate ang mga joints ko malayo lang ako kay Bullet!

“Seriously, Hans, hindi ka maba-bother ng ganiyan kung wala lang sayo si Bullet,” sabi ni Sunny.

Hindi ako kumibo. Nakinig na lang ako sa mga sasabihin nila.

“Besides, wala ka bang kakaibang nararamdaman when you’re with him? Butterflies in your stomach, sparks, or wild palpitation ng heart?” mala-Papa Jack na tanong naman ni Hana.

I don’t want to admit it; pero, shet, nararamdaman ko ang mga bagay na ‘yun kapag kasama ko siya. And I totally hate it!

“Alam din namin kung ano ang type mo na guys, Hansel. We know so many things about you na for sure, hindi mo alam sa sarili mo,” hirit naman ni Jini.

I faced them. “What do you mean?”

“Basta, that’s the reason why kami ang friends mo, di ba? We know you better than you know yourself,”

Ano ba ‘tong si Sunny, ang pa-mysterious naman ng sagot.

“Basta, lalayuan ko si Bullet, and that’s final!” I stated.

“Sa tingin mo ba na kapag nilayuan mo si Bullet, mawawala ang feelings mo sa kaniya?”

“For the nth time, I don’t have any feelings for that jerk,”

Sunny throws out her arms. “Complete opposite ang sinasabi mo sa pinapakita mo,”

“Huh?”

“Kaibigan ka namin, Hans, alam namin kung ano talaga ang nararamdaman mo towards Bullet. The way na kung paano ka nag-alala para sa kaniya nung nalaman mong hospitalized siya,”.

“Alam mo kasi, masyado kang nagpapadala sa inis mo sa kaniya. Kaya naman ‘yung totoong feelings mo for him ay natatabunan ng inis na iyon. Wala namang masama sa pag-amin na gusto mo siya e, hindi mo naman iyon ikamamatay,”

“I don’t know, ayoko pang alamin, I’m scared. Knowing Bullet, alam kong isa lang ako mga babaeng pinaglalaruan niya,” I truthfully said. Wala na rin naman akong maitatago sa mga ‘to e, makulit pa sa lahi ni Sherlock Holmes ang tatlong ito.

“So, ayun naman pala ang reason mo e. Kaya ayaw mong tanggapin na gusto mo si Bullet, kasi natatakot ka na masaktan. Newsflash, love comes with pain. Buy one take one ang peg niyan, kapag natuto ka ng magmahal mararamdaman at mararamdaman mo ring masaktan. Pero, it’s part of growing up, oo nga’t masasaktan ka ngayon, so what? Para saan pa ang pagmo-move-on?”

“Ah, ayoko na! Ang drama natin! Hindi ko na keri, tara na’t maglakwatsa!” I exclaimed as I stood up. I can’t stand our topic, it’s way out of my style. Hindi kasi ako ‘yung tipo na poprobelamhin ko pa ang aking love life, what I need are; distraction, job, and most importantly, money!

“Sabay change topic ng ganon,” natatawang sabi ni Jini.

******

Kayo na lang ang bahalang mag-imagine kung pano ‘yung scene nila Bullet at Hans. Hindi ko kinaya ang intrensity kaya hanggang dun lang (muna?) Wala kasi akong alam sa mga BS-BS na ‘iyan e. HAHAHAHAHAHAHA!

 MAY MA-UPDATE LANG. :)

Impromptu GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon