Chapter One: Girlfriend

79 3 3
                                    

Chapter One: Girlfriend

Hi Bezzy idol. Hihihi. I love you. :*

“HANSEL Emerald Joaquin!” sabay-sabay na tawag sa akin ng mga best friends ko.

Shit. Bakit ba napaka-ingay ng mga kaibigan ko?

I turn around to face them, a fake smile plastered on my face. “Oy,”

“Mind to tell us something?” sabi ni Hana.

I rolled my eyes. Alam ko naman na alam na rin nila ‘yung tungkol sa nangyari kanina e. Gusto lang nila ng juicy na details.

“May boyfriend na ako,” I simply said.

“At pano mo naman naging boyfriend ang pinakagwapong gangster na campus, aber?” pang-uusisa naman ni Sunny.

“Oo nga, nalingat lang kami ng sandali may jowa ka na,” tudyo pa ni Jini.

Hinatak ko sila paupo sa isang mahabang upuan. At saka ko kinuwento ang mga pangyayari kanina.

“Mary, meet my girlfriend,” pagpapakilala sa akin ni Bullet. Bakit ko siya kilala? Lagi kasi siyang usapan sa campus namin pati na rin ang gang niya.

Nawala ang ngiti sa labi ni Mary ng ipakilala ako ni Bullet bilang girlfriend niya. “Kailan pa?” tanong niya. Eyeing me from head to toe.

Ang sarap dukutin ng mata tapos ipapakain ko sa aso ng kapitbahay namin e.

“Kanina lang,” parang wala lang na sagot ni Bullet.

Ngumisi siya. “Isa rin ba siya sa mga flings mo?”

Sasagot na sana si Bullet ng pinigilan ko siya. Kay Bullet lang naman ako takot, hindi sa bruhang ‘to.

“Nope, he started courting me months ago and kanina ko lang siya sinagot,” I said with a smug smirk. Take that, bitch.

She looked taken aback. “Ganoon ba? I’ll see you around then. Hinahanap na ako ng friends ko e,”

Tss. Wala ka pala e.

Nang makaalis na si Mary ay agad na inalis ni Bullet ang pagkaka-akbay niya sa akin. “Courting you for months, eh?”

“Nagsinungaling ka na rin naman e,besides ang bitch ng babaeng ‘yun,”

“Pero, girlfriend na talaga kita,”he stated with finality.

“Ano?!”

Napatakip siya ng tainga niya. “Pwede bang hinaan mo ‘yang boses mo?”

“Eh gago ka pala e! Anong sinasabi mong girlfriend mo na ako?!”

“Bakit? Ayaw mo pa? Talo ka pa ba sa akin?” sabi niya at ngumisi.

Grabe! Ang yabang ng isang ‘to!

“Leche! Ayoko nga.A-YO-KO.  Humanap ka na lang sa ibang flings mo, for sure magkakandarapa pa sila para maging syota mo!” sabi ko then I started walking away.

“Let’s have a deal,”

Napahinto ako sa paglalakad, I turned around to face him. “What deal?” I asked, with my arms crossed.

“You’ll be my girlfriend for some times and I’ll help you to find a job,”

What the---?! Pano niya nalaman na kailangan ko ng trabaho?

“How did you know that I needed a job? Stalker ka?”

“Yeah, right,” he said with so much sarcasm.

Lumapit ako sa kaniya. “Anong trabaho?”

“Just be my girlfriend,” he said, shrugging.

I eyed him suspiciously. “Bakit ako pa?”

“Imposible kasing magkagusto ako sayo, you don’t meet any of my standards,”

Pigilan niyo ko, kahit gangster ‘to masasapak ko ‘to. Ang yabang yabang niya talaga!

“Fuck you. Ano bang mapapala ko sa pagiging girlfriend mo?”

“Girls would be dying just to be in your place. Besides, I already told you that you’ll earn from this set-up.”

I sighed. Mas mabuti na ‘to, wala na rin naman akong ibang choice. Hindi ako pwede sa mga stressful na trabaho, baka hindi ko ma-balance sa studies ko.

I stretched out my hand. “Deal.”

He took my hand and shook it. “Deal.”

“So, nagka-boyfriend ka na, kumikita ka pa?” tanong ni Jini. Bemused.

I nodded my head. Gosh. Feeling ko isa akong bayarang babae.

“Hanggang kailan naman tatagal ‘yang deal niyo?” si Sunny naman ang nagtanong.

“Hindi ko alam e, hindi naman niya kasi sinabi,”

“Eh ayos ka pala Hans eh!” Hana exclaimed.

Matapos naming mag-chismisan tungkol sa kung anu-anong bagay ay naisipan na naming pumasok para sa susunod naming classes. Magkakaiba kasi kami ng course, luckily, may isa kaming vacant na pare-pareho.

Nang makapasok na ako sa room namin ay naramdaman ko agad ang mga instense glares na binibigay sa akin ng mga babae kong block mates. Ang ganda ko talaga.

Umupo na ako sa pwesto ko sa likuran bahagi ng room. Dumating na din ang prof. namin. Halos makatulog na ako sa subject namin ng biglang…

“What brings you here, Mr. Guerrero?” sabi ng Prof. namin.

“I’m here for my girlfriend, that big boob girl sitting at the back,” he said while looking at me.

Bigla tuloy akong na-conscious sa dibdib ko. I know na para sa ibang girls blessing ang cup D, pero hindi para sa akin. Gago talaga e, hindi pa ata alam ang pangalan ko.

“Are you referring to Ms. Joaquin?” tanong niya.

“Yeah,”

So, tumayo na ako at lumabas sa room namin. At kitang-kita ko kung paano nag-taasan ang mga kilay ng babae sa room.

“Ano na naman ba?” pasinghal na tanong ko.

“Time to do your job, girlfriend,” 

Impromptu GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon