Chapter Four: Mine

58 4 3
                                    

Chapter Four: Mine

  


Dedicated to my Bave Mifskitty. I love you. Hihihi. :">

 

Akala ko ba naman kung saan na ako dadalhin nitong si Bullet. Sa mall lang pala. Well, I was expecting na dadalhin niya ako sa isang magandang lugar like Tagaytay, or kahit sa seaside lang sa MOA para panoorin ang sunset. Pero, asa naman. Wala nga ata sa dictionary nor vocabulary ang word na sweet.

“Hoy, dalian mo ngang maglakad!” untag niya sa akin, saka ko lang napansin na medyo malayo na ang nalakad niya.

Hindi na lang ako sumagot, baka mamaya gumawa pa ako ng eskandalo dito. Masyado akong maganda para maging eskandalosa.

At sinundan ko na ang mokong, medyo nahihirapan akong makasunod sa kaniya dahil sobrang dami ng tao sa loob. Halos ipagsisiksikan ko na ang sarili ko para lang makapasok sa entrance. And when I successfully entered the freaking mall, wala na akong Bullet na nakita.

Don’t tell me na iniwan niya na lang ako?

Luminga-linga ako sa paligid para hanapin siya, pero wala talaga akong nakitang gangster. I felt something tugged in my stomach. Medyo nag-pa-panic na rin ako kasi hindi ko alam ang daan pauwi.

I looked at my phone, 1:30 na ng hapon at hindi pa ako nakakain ng lunch. My shoulders drop when I realized na wala na akong kasama, na iniwan ako ng boyfriend ko.

Hindi mo naman talaga siya boyfriend e, nagpapanggap lang kayo, remember?’

Since no choice ako at ayoko ng pumasok sa class ko, I decided na maglibot na lang sa mall. As I was strolling inside, napansin kong may isang group of guys ang sumusunod sa akin. At first inisip ko na baka pareho lang ang way na pupuntahan namin, pero I noticed that sinusundan talaga nila ako.

“Pare, ikaw na ang lumapit,”

“Ikaw na lang,”

“Ako na nga lang para walang away,”

“Magsabay-sabay na lang tayo,”

Rinig kong pag-uusap nila, it was almost whispering pero dahil matalas ang pandinig ko, I was able to hear it.

I walked faster para makalayo na ako sa kanila, pa-simple akong lumingon sa likuran ko para tignan kung nakasunod pa rin sila sa akin. And alas! Ang lapit na nila sa akin.

I kept my pace then, suddenly I felt someone tapped my shoulder. I turned around para makita kung sino ‘yun.

“Hi, Miss, mag-isa ka lang?” tanong ni guy #1.

“Nope, I’m with my boyfriend,” I answered.

“Pero, kanina ka pa namin sinusundan e. Pero, wala kang boyfriend na kasama,” said guy #2.

What to do? Should I run? Scream for help? NO. That looks stupid; people may think that I’m out of my sanity.

Play it cool. Embarrass them.

“Napansin niyo na pala e, bakit niyo pa tinatanong?”

“Wala namang bastusan, miss, nagtatanong lang naman kami sayo,” kalmadong sabi ni guy #3 pero mapapansin mo na medyo nainis siya sa sinabi ko.

“Makikipag-kaibigan lang naman kami sa’yo e,” dagdag naman ni guy #4.

I placed both of my hands at my hips. “Look, I’m not interested. Mag-hanap na lang kayo ng ibang babae na ‘makikipag-kaibigan’ sa inyo,” I shot back.

Tatalikuran ko na sila ng bigla akong pinigilan nung isang lalaki sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. Sisigaw na sana ako para humingi ng tulong nang…

“Back off douche bags, she’s mine,” said Bullet in a dangerous monotone voice habang marahas na inalis ang kamay nung guy sa akin.

She’s mine…

“Ano? Hindi ba makaintindi ng English?” sabat naman ng isa sa mga kasama ni Bullet. There were 6 of them including Bullet.

Mukha namang umurong ang balls nung mga lalaki at halos patakbo na silang lumayo sa amin. People gave them strange looks.

“Tss. Parang ‘yun lang,” sabi ni Bullet, he shook his head in disbelief. Then he turned around to face me. “San ka ba nagpunta? Akala ko nawala ka na,” he asked in a cool tone. I don’t know kung nag-a-assume lang ako or what, but somehow he seemed worried?

“Ikaw nga ‘yung bigla-biglang nawawala diyan e,” I answered.

“Si Bullet talaga, pano mo nagawang iwan ang maganda mong girlfriend? Muntik na siyang ma-pick-up kanina ng mga mukhang jejemon na ‘yun oh,” tudyo naman ng isa pa sa mga kasama niya. Napansin ko na schoolmates ko pala sila at palagi silang magkakasama nila Bullet.

“Tara na,” pag-aya sa akin ni Bullet. “Humawak ka sa akin, para hindi ka na ulit mawala,” sabi niya pa.

***


It was quarter to 7 in the evening nang makauwi na ako sa amin. Hinatid ako ni Bullet, pero this time hindi na kami nag-motor. Pinadala niya pala sa isa niyang kasama ang Mercedes Benz. Siya na talaga ang rich kid.

At dahil alam kong hindi gentleman itong si Bullet na ‘to ay bumaba na akong mag-isa. Hindi na rin ako nag-expect na bababa siya ng kotse para pagbuksan ako ng pinto, baka sa end of the world pa mangyari ‘yun.

Bago ako pumasok sa amin ay dumungaw ako sa bintana na shotgun seat. “Thank you nga pala for saving me kanina,” I said, walang halong sarcasm or whatsoever.

“Its nothin’, after all, girlfriend kita. No big deal,” he said. I guess he wanted to sound arrogant again, but he failed, cause this time he sounded like a real lover. Well, almost.

“Sige, pasok na ako sa loob,” pagpapaalam ko. Pero bago pa ako makaisang hakbang ay nagsalita siya.

“Good night, Emerald,” sabi niya. Hindi man siya nakatingin sa akin pero alam ko na sincere ang pagkakasabi niya.

I smiled. “You too, take care,”

He smiled. But, this time it’s different. Hindi siya smirk nor arrogant grin, it is more of a genuine smile.

Then he started to drive; leaving me in front of my house.

Hindi maiwasan ng utak ko i-replay kung paano ako nginitian ni Bullet. Pati na rin ‘yung pangyayari kanina kung saan sinabi niya na ‘She’s mine’, parang may kung ano akong nararamdaman sa tiyan ko.

Natatae na ako.

*****

Impromptu GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon