Prologue

1.1K 27 25
                                    

P R O L O G U E


Nakipaghiwalay sa akin ang girlfriend ko dahil hindi ko raw mapunan ang kanyang satisfaction.

Nakipaghiwalay siya sa akin dahil mayroon siyang nakilalang mas mayaman kaysa sa akin.

Nakipaghiwalay siya sa akin dahil hindi na niya ako mahal.

Pero, bakit gano'n? Kahit galit na galit ako sa ginawa niya, hindi ko pa rin maiwasang malungkot?

Bakit hindi ko maiwaglit sa isipan ko lahat ng masasaya naming pinagsamahan?

Bakit hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya?

Gusto kong isipin kung tanga ba ako o sadyang bobo lang, e. Hindi ko kasi naisip na darating 'yong araw na sasabihin niya sa akin ang lahat ng kinatatakutan ko.

Hindi ako naging handa, kaya ito . . . hindi ako makapag-move on.

How can I move on when I loved her more than myself? Tell me, kasi, ang hirap, e. Pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na sana, panaginip lang ito. Pero, hindi. Kailangan ko nang gumising mula sa panaginip na ito. Kailangan kong ipakita sa kanya na kaya ko rin siyang kalimutan, gaya ng paglimot na ginawa niya sa akin.

Sana, magawa ko. Sana . . . sana . . .

Forget YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon