CHAPTER 12

523 13 5
                                    

CHAPTER 12:

"Unplanned"

Marvin's point of view:

Linggo.

Hanggang ngayon, hindi pa rin kami nagpapansinan ni CeeCee. Right after that incident, hindi na ito nakipag-communicate sa akin. Galit na galit pa rin yata 'yon sa akin. Apparently, wala akong kasalanan sa kanya, pero parang nakokonsensya ako sa nangyari sa aming dalawa. Kahit na ilang beses kong itanggi sa sarili ko ang mga pangyayari, mayroong bahagi ng sarili ko na tila ginusto ko rin naman iyon. Naiinis na nga ako sa sarili ko, e. Parang nahihirapan na akong kontrolin ang sarili ko.

Gusto ko na ba 'yong nerd na 'yon? Ugh, nah...dala lang 'to marahil ng mga nangyayari. Hindi ako dapat magpasunod sa agos ng isip ko.

Alas dose na ng tanghali nang makatanggap ako ng tawag mula kay Reine. Wala sana akong balak sagutin iyon, pero mukhang mahalaga yata. Pangatlong ring na kasi ito ngayon.

"Hello, pare. Nasaan ka na?" tanong niya sa akin mula sa kabilang linya.

"Nasa condo pa ako, nagbibihis. Patapos na ako," dahilan ko rito.

Nagmadali na ako sa pag-aayos ng tux ko. Oo nga pala, kasal ngayon ng walanghiyang ex ko. Sa totoo lang, parang nawalan ako ng ganang pumunta rito. Marahil ay dahil hindi ko kasama si CeeCee? Ugh, hindi naman siguro. Fuck, hibang na ako sa babaeng iyon. Sa ngayon,ang tanging kagustuhan ko lang ay matapos na ang kalokohang ito. Nahihirapan na rin kasi ako, e. Idagdag pa ang trabahong iniwan pansamantala ni Dad sa akin.

At para matapos na rin ang ugnayan naming ng nerd na iyon. Dahil sa totoo lang, hindi ko na nagugustuhan ang mga tumatakbo sa isipan ko ngayon.

"Dalian mong gago ka. Kanina pa kami rito," tila naiinis niyang sagot.

Napailing na lang ako. "Sige, on my way na ako. Bye." Saka medaling binaba iyon.

Habang nagbibihis ay hindi ko maiwasang hindi maisip ang mga posibleng mangyari sa pagtatapos ng araw na 'to. Isa na rin doon ang sa aming dalawa ni CeeCee. Kahit hindi kami maayos ngayon ay tila nakakaramdam pa rin ako ng kalungkutan para sa aming dalawa.

Oo na, aaminin ko na nga. Maybe, I like her? Shit. Hindi ko rin alam kung paano nangyari, e. Basta, pakiramdam ko, masaya ako kapag kasama ko 'yong nerd na 'yon—iba sa feeling ko noong kami pa ni Jennica. To be honest, malaki ang naitulong ni CeeCee para agad akong makapag-move on kay Jennica. Akala ko, magiging miserable ang buhay ko noong nawala siya, pero, binago ni CeeCee ang lahat. Kung hindi dahil sa kanya, hindi magiging ganito kasaya ang buhay ko. I mean, naging epic ang lahat, dahil na rin sa kanya.

Shit. Bakit 'yong nerd na 'yon ang gumugulo sa isip ko!? Mabuti pang tapusin ko na ito. Hindi ko maiwasang hindi mapailing sa mga naiisip ko.

"Focus, Marvin," nasabi ko na lang sa sarili ko.

Habang busy sa pag-aayos ay napapitlag ako nang may kumatok. Sino naman kaya 'to? Ang nakakabwisit pa ay wagas kung makakatok. Damn.

"Ang tagal mo namang mag-ayos, pare!" pasigaw na asik ni Gab sa akin nang pagbuksan koi to ng pinto.

Bakit nandito 'tong mga 'to? Akala ko nasa venue na sila?

"A-Anong ginagawa niyo r-rito?" nagtataka kong tanong sa kanila ni Reine, na masama ang tingin sa akin.

Umiling naman ito. "Alam naman naming nagdadahilan ka lang ungas ka kaya dinaanan ka na namin dito."

"Gago, maaga pa kaya." Binatukan ko nga.

Forget YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon