CHAPTER 3

819 18 1
                                    


CHAPTER 3:

"Forget You Plan"

Marvin's point of view:

Supposedly, kanina pa sana ako nakauwi sa unit ko. Pero, dahil sa isip-batang nerd na 'to, narito pa rin ako sa parking area at nakikinig sa walang kwenta niyang suggestion kung paano kami makakaganti sa mga exes namin. Sa totoo lang, ayaw ko sa idea niya. Oo, given na galit ako sa ginawa ni Jennica sa akin, pero, hindi pa ako nasisiraan ng bait para gumanti! Tang ina, hindi ako magpapakababa ng gano'n para lang maipaghiganti ang nawasak kong ego.

Pero, dahil sa babaeng ito, I have no choice but to cooperate with her plan.

"Read this," bigla niyang untag, sabay abot sa akin ng folder na hawak niya kanina lang.

Hindi na lang ako sumagot, at kinuha na lamang iyon. Bahagya pa akong napailing dahil ang girly lang ng folder na iyon—parang siya lang.

"Forget You Plan," basa ko sa title na nasa unang pahina pagkabukas ko pa lamang niyon.

Ito na yun? Pambihirang babae 'to? Pinagmukha pa akong college student? Ano 'to? Parang thesis na ipu-put namin into application? What the heck.

"Shit, ayaw ko nang sumali riyan!" I exclaimed, sabay balik sa kanya ng folder na iyon. The fuck? Ano'ng kabaklaan 'yan? Sa totoo lang, parang lalo yatang lumala sakit ng ulo ko sa kanya, e.

Akma na sana akong lalabas muna sa kotse ko nang agad-agad niyang hinila ang kamay ko—dahilan para mapaupo ulit ako.

"Makinig ka kasi muna, e! Maka-react ka kasi agad-agad?" sigaw niya sa akin. Although hindi na katulad na parang sasabog na siya sa yamot, nakakainis pa rin.

Pakiramdam ko, sumasakit na naman ulit ang ulo ko dahil sa kanya. Damn, bakit ba ako nagsasayang ng panahon ko para lang makipag-usap sa nerd na 'to?

"Alam mo nerd, walang kwenta yang plano mo. Bukod kasi sa girly at pambata, laos na. Cliché kumbaga. Kaya, mag-isip ka na lang muna ng medyo maayos at matinong plano." kalmado kong paliwanag. Pampalubag-loob na lamang iyan, kahit 110% sure akong wala na akong planong maki-cooperate diyan.

Mukha namang naintindihan niya ang suhestiyon ko kaya nagmadali siyang tumayo at nag-ayos.

"May utak ka rin pala?" painosente niyang sabi sa akin. Aba, gago 'to, ah?

"Ulol. Paano pa ako naka-graduate kung wala akong utak. Tsk." Sinamaan ko siya ng tingin noon. Bwisit, lalo tuloy akong nagkaka-migraine sa kanya.

"Joke lang! Ito naman, masyadong pikon," natatawa niyang sagot sa akin. "Well, you're right, kaya aalis na ako para gumawa ulit ng plano. Gotta go, bye!" Agad nitong binuksan ang pinto ng kotse ko saka patakbong sumakay sa kotse niyang—err, girly.

Napapailing na lamang ako sa kanya noon. Isama pa na mukha siyang bata kung umasta noon. Damn, anong utak ba mayroon ang babaeng 'yon? She's weird. Ex ba talaga siya ng ipinalit sa akin ni Jennica? Para kasing hindi siya ang ideal girl no'n, e. Kung ako lang din naman ang nasa sitwasyon ng ex niya no'ng sila pa, hihiwalayan ko na siya agad. Akala niya yata, bagay sa kanya 'yong mga gano'n niyang asta. Akala niya yata, ang cute niya sa pagiging childish. Heck no! Sa hitsura pa nga lang niya, mukha siyang crybaby, e. Iyon bang, konting asar lang, iiyak na? I know, ang harsh ko sa kanya, pero masisisi niyo ba ako? Idagdag pa rito ang headache ko. Nakakainis.

Nang makauwi, naabutan ko ang unit ko na messed up. Hell yeah, nagwala nga pala ako noong nakaraan. Ayaw ko naman iyong tulugan na hindi naaayos, kaya nagpalit agad ako ng pambahay, saka inisa-isa ang pag-aayos ng mga kalat. After that, I decided to cook for my dinner since I haven't eaten lunch since morning. Ayaw ko namang matulog ng gutom. I sa pa, baka dahil sa gutom, kaya hindi gumagaling itong headache ko. While scanning in my ref, I heard my phone rang. Agad ko naman iyong kinuha.

Forget YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon