CHAPTER 7

559 13 3
                                    

CHAPTER 7

"Plan"

Marvin's point of view:

"Gab, I need your help. Pati ikaw, Reine," paghingi ko ng tulong sa dalawang ito.

Dali-dali ko silang tinawagan para humingi ng tulong tungkol sa plano kong pagsisiwalat ng katotohanan laban kay Tita Savannah. Although hindi pa sapat ang mga nakalap kong impormasyon, satisfied naman ako sa mga pinakita sa akin ni CeeCee. Kahit pala nakakainis ang babaeng iyon, matalino naman. Isa pa, maaasahan ko pa. Pero, I decided na huwag na siyang masyadong idamay dito, dahil alam ko namang pinoproblema rin no'n ang pagmo-move on niya sa ex niya. Nandito kaming tatlo ngayon sa condo ni Reine. Kung condo pa ba itong matatawag. Tsk.

"Ano ba 'yong hihingin mong tulong?" nagtatakang tanong sa akin ni Reine. Oo nga pala, wala pala siya totally na idea dito.

"Basta," tipid kong sagot.

"Ayos lang sa akin, pare," pagsang-ayon ni Gabriel. Alam kong hindi rin siya pabor sa ginawang anunsiyo ng Dad.

Napakamot naman sa batok si Reine. "Teka, legal ba 'yan? Hindi naman tayo siguro makukulong diyan, 'di ba?"

Natawa na lamang kami ni Gab sa kanya noon. Kahit kailan talaga, napakagago ng lalaking ito.

"Gago ka talaga, Reine," natatawa kong sambit. "Hindi kita isasama kung wala kang maitutulong sa akin. Isa pa, baka nakakaabala na ako kay Cee—"

Saglit akong napahinto noon dahil shit lang, bigla kong nabanggit ang pangalan ng babaeng iyon sa dalawang ito. Saglit ko silang pinasadahan ng tingin noon, at tama nga ako. Makahulugan nila akong tiningnan. May pangisi-ngisi pa itong Gab na ito.

"Oh, mukhang may bago ka na, ha?" asar niya sa akin.

"In your face!" todo-tanggi ko.

"Sus, huwag mo nang itanggi, pare," sabat naman ni Reine. "Kahit sino pa iyan, basta hindi gold digger katulad ng ex mo, okay kami."

Napailing na lamang ako noon. Wala rin namang saysya kung ipipilit ko pa rin na walang namamagitan sa amin ni CeeCee dahil hindi naman sila maniniwala. Baka lalo pa akong kantiyawin ng mga ito. Matapos ang kaunting biruan na iyon, inilahad ko na ang naisip kong plano sa kanilang dalawa. Base sa kalkulasyon ko, ilang araw na lang at mangyayari na ang mangyayari. Kailangang maging handa kami sa pagkakataon na iyon. Kailangan, mapaniwala namin si Papa sa mga katarantaduhan ni Tita Savannah. Matapos kong ipaliwanag sa kanilang dalawa ang plano ko, pareho silang napatingin sa akin.

"Malaking eskandalo 'yan sa pamilya ninyo kung sakali mang mali ang paratang mo," napapailing na paliwanag ni Reine.

I admit, mukhang may punto siya roon, ah? Hindi ko naisip ang bagay na iyon, sa totoo lang. Paano nga naman ang reputasyon ni Papa kung sakali man?

"Isa pa, pangalan ng kumpanya at ang kredibilidad nito ang nakasalalay, pare," may halong kaba namang dagdag ni Gabriel.

Nang makita marahil ni Reine na parang hindi ko iyon naisaalang-alang, bigla niyang ni-revise ang nauna kong plano, saka inayos in accordance. Somehow, natuwa naman ako sa ginawa niya dahil nagkaroon nga ng direksyon ang plano ko. Isa pa, hindi ko na aalalahanin ang reputasyon ng kumpanya. Nang matapos ay nag-ayos na ako, dahil plano raw makipagkita sa akin ni CeeCee. Hindi ko na lang pinaalam sa dalawang ito dahil baka asarin pa lalo ako.

"Ang laki talaga ng galit mo sa Tita Savannah mo, 'no?" natatawang tanong ni Reine. Nang-aasar na naman. Tsk.

"Gago ka talaga, Reine. Parang hindi mo naman kilala 'yong Tita niya," nakatawang sagot ni Gab sa kanya.

Forget YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon