CHAPTER 8

539 14 1
                                    

CHAPTER 8

"Forget You Plan #2"

Marvin's point of view:

"What do you think?" ani ko kay CeeCee.

Right after ng pag-uusap namin ni Jennica, agad ko siyang ni-text para pag-usapan namin ang bagay na iyon. We agreed to meet this afternoon. Good thing, I don't have any agenda for this day.

"What!?" Halos napalakas siya ng pagkakasabi, kaya nakuha tuloy niya ang atensiyon ng ibang nasa paligid namin.

"Ang ingay mo!" saway ko sa kanya. Napapahiya ako ng wala sa oras dahil sa kanya, e. Tsk.

"Sorry naman..." pabulong niyang dispensa. "Pero what the heck? Anong gusto nilang iparating sa atin?"

"Aba, ewan ko." Napapiling na lamang ako.

To be honest, hindi ko alam kung anong iniisip ng dalawang iyon. Matapos nila kaming lokohin, sasaktan pa nila kami lalo? Hibang na yata sila.

Bigla akong tinapik ni CeeCee. "Ano'ng plano natin ngayon? Pupunta ba tayo?" nalilito rin niyang tanong sa akin.

Okay, I admit, hindi ko alam kung nakapag-move on na ba ako o hindi pa, e. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ni Jennica sa akin. Masakit pa rin, e. Parang ang babaw lang ng rason niya, para sa akin. Minsan, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko: Minahal ba niya talaga ako? Ano ba'ng nagawa ko para gaguhin niya ako ng gano'n?

Mukha namang napansin ni CeeCee ang bigla kong pananahimik.

"M-May problema ba, Marvin?" tila nag-aalala nitong tanong sa akin.

Napapitlag pa ako noon sa kanya. Hindi ko nakuha kaagad na sumagot dala ng pagkabigla. Masyado pala akong naki-carried away sa mga pinag-iisip ko. Tumikhim muna ako noon, saka ngumiti. Pilit na ngiti lamang.

"W-Wala. Wala..." Sabay iling. "M-May naalala lang ako," palusot ko.

Kung mayroon mang special award sa pagalingang magpalusot, isa na ako siguro sa recipient. Tsk.

"E 'di shing," sagot lang niya.

Nakita ko namang biglang napaisip noon si CeeCee. Nakapangalumbaba pa ito. Talagang determinado siyang gantihan ang ex niya. Kahit ako rin naman, e.

"May naisip ako," biglang sambit niya. Hindi man lang ako nilingon, dahil bigla nitong inilabas ang phone niya, saka may parang ni-text o ano.

"Ano?" tanong ko naman. Sana lang, may sense 'yang plano niya.

"Okay, let's call it..." Saglit pa itong nag-pause. "Forget You Plan #2."

Awtomatikong napakunot ang noo ko noon dahil sa sinabi niya. What the heck? Ano na namang kagaguhan ang naisip nito!? Sinamaan ko nga siya ng tingin para matauhan sa mga pinagsasabi niya, Tsk. Idadamay na naman niya ako, e.

"Ano na namang kalokohan 'yan?" reklamo ko sa kanya.

"Tumigil ka nga saglit! Reklamo ka kasi ng reklamo, e," saway niya sa akin.

"Mag-isip ka kasi ng matinong plano!" sigaw ko sa kanya.

That time, wala na akong pakialam kung marinig pa kami ng iba o ma-weirduhan sa aming dalawa. Nakakaasar lang kasi, e. Matapos ang ilang minuto pang pagtatalo, sumuko na rin siya.

"Okay, disregard na 'yong Forget You Plan #2 na term," pagbawi niya sa nauna niyang...ugh, term.

"Good."

"Ito na nga, I guess, it's the right timing para makaganti na tayo," seryoso nitong sabi.

Sa tono pa lang ng pagsasalita niya, alam ko nang may maganda nga siyang balak. Mabuti naman.

Forget YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon