CHAPTER 13

528 12 1
                                    

CHAPTER 13

Forgive and Forget

Marvin's point of view:

Napabalikwas ako nang marinig ko ang boses niya. What the heck? Paano siya napunta rito? Aware akong nasa kwarto pa rin kami ni Reine ngayon, pero labis pa rin ang pagtataka ko nang mabungaran ang babaeng 'to dito? Prank ba 'to ng mga ungas? Isa pa, hindi ba, galit ito sa akin? Don't get me wrong, masaya naman akong nandito siya sa tabi ko dahil nga may feelings na rin ako sa kanya, pero sadyang nakakabigla lang ang mga pangyayari. I did not expect this scenario.

"W-What are you doing here?" mahina at halos mautal-utal kong tanong sa kanya.

Matalim pa rin ang tingin na pinupukol nito sa akin, nang bigla itong mamula saka nag-iwas ng tingin. "B-Basta. Akin na lang 'yon. Tumayo ka na riyan dahil kanina pa gising ang mga kasama mo?"

Nagmamadali itong lumabas sa kwarto matapos niyon. Anong problema niya? She's acting weird. Agad kong sinapo ang ulo ko noon. Ugh, hangover. Dumagdag pa sa iniisip ko 'yong nerd na 'yon. I mean, paano siya nakapunta rito? As far as I remember, never naman itong nagawi rito. Isa pa, hindi naman sila close ni Reine para magpunta siya rito. Matanong nga 'yong dalawang ungas mamaya.

Agad naman akong tumayo noon saka nag-ayos ng sarili. Hindi naman ako nakahubad noon, so I assume na kakarating lang ng babaeng 'yon dito. Bago lumabas ay nagpasya muna akong tawagan ang secrtary ko para i-inform siya na mamayang 10 AM na lang ako papasok. Wala namang meetings o kaya urgent reports na kailangang tapusin ngayong araw na 'to.

Naabutan ko sila na nagtatawanan sa hapag. Agad din naman nila akong napansin.

"Sa wakas ay lumabas ka na rin," nakangising bati sa akin ni Reine nang mapansin ako nito.

Sinamaan ko lamang ito ng tingin dahil nang-aalaska na naman ang ungas. Nagawa pa nilang mag-apir ni Gab noon. Agad ko naman silang nilapitan noon para usisahin.

"Bakit nandito si nerd?" bulong ko.

Nagkibit-balikat si Reine. Aba, gago pala 'to, ha? Condo niya 'to, tapos wala siyang alam? Style niya, bulok.

"Gago, hindi mo bagay magsinungaling," mahina kong tugon.

Natawa pa ito. "Bakit kasi hindi si Gabriel ang tanungin mo, kaysa nagtatamang hinala ka riyan?"

"Gab?" baling ko sa kanya, sabay tingin nang masama.

Nagtaas naman ng dalawang kamay si Gab. "Okay, aamin na. Kaninang alas-singko y media, nagring ang phone mo kaya ako nagising. Hindi naman kita magising kaya ako na ang sumagot..." Nagpause siya sandali. "nagagalit siya dahil iniwan mo raw siya kahapon. Noong nalaman niyang nandito ka, pupunta raw siya. Biruin mo 'yon, nasa kabilang kalye lang ang condo niya?"

Naiinis ko siyang tiningnan nang masama. Of all the circumstances, ngayon pa talaga niya nagawang ilaglag ako. Pambihira. Hindi naman ako tulog-mantika kanina. Lasing lang talaga ako kaya hindi ko na nagawa pang magising kanina.Kaysa mainis pa ay hindi ko na lang sila kinibo. Sakto namang pumasok sa dining area ang dalawang babae.

Wait, tama ba 'tong nakikita ko? Si Jean at CeeCee? Close na? I mean, wala man lang kasing sign of awkwardness sa pagitan nila—which is nakakabigla lang.

"At ano namang pinag-uusapan niyo riyan?" Kinurot naman ni Jean sa braso si Reine. Peste, lalong sumasakit ang ulo ko sa dalawang ito.

Naupo si Jean, obviously, sa tabi ni Reine habang sa tabi ko naman naupo si CeeCee, na nakasimangot na naman. Napapailing ko na lamang itong binalingan. Bahala siya sa buhay niya. Isip-bata siya masyado. Masayang nagkukwentuhan ang mga kasama namin habang kumakain, except sa aming dalawa. Paano, hindi ko na lang binigyan pa ng atensyon 'tong nerd na 'to. Kung ayaw niya akong kausapin, e 'di huwag niya. Ang arte masyado!

Forget YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon