CHAPTER 2

52 4 2
                                    


CHAPTER 2:

"Pain in the Ass"

Marvin's point of view:

Ang sakit ng ulo ko habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung paano rin napunta sa parking area ng condo ng babaeng nerd na 'yon ang kotse ko. Sa hitsura niya kasi, mukhang hindi siya marunong magmaneho. It's not that I'm judging her, but heck, she's too childish; not doubt why his ex cheated on her. Bad thing, sa mukhang pera ko pang ex. With that, nilukob na naman ng kalungkutan ang buo kong pagkatao. Hindi ko tuloy maiwasang maitanong sa sarili ko kung bakit hinayaan ko ang aking sarili na ma-in love kay Jennica. Shit, bakit sa lahat pa ng p'wedeng mahalin, sa kanya pa na tila hindi marunong ma-satisfy sa pagmamahal na handa kong ibigay sa kanya? Hindi ko na namalayan noon na napapaluha na naman ako. Totoo nga siguro 'yong sinasabi sa akin dati ni Gabriel na kapag lalaki ang nagmahal, sobra-sobra. Minsan, kahit wala nang matira sa kanyang sarile, e, basta mapasaya lang niya 'yong pinag-aalayan niya ng pagmamahal. Hell, para akong sinaksak ng paulit-ulit noong nahuli ko si Jennica noon. Pakiramdam ko, trinaydor niya ako. Pero hindi, hindi p'wedeng ganito na lang ako palagi. Kailangan ko na sigurong kalimutan itong nararamdaman ko para sa kanya.

Nang makarating sa unit ko, hindi muna ako nag-ayos. Magpapahinga muna ako saglit. Kailangan ko munang ikondisyon ang sarili ko dahil malakas ang pakiramdam ko na masasabon na naman ako ni Papa. Nakakasawa na rin, sa totoo lang.

Maya-maya pa'y biglang nag-ring ang phone ko. As expected, si Gab na naman.

"Hello, pare. Nasaan ka na?" tila natataranta niyang pambungad sa akin.

I sighed. Si Papa talaga, o. Dinamay pa si Gab sa inis niya sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Nasa condo pa. Nagbibihis na ako."

"Ano!? Gago ka, pare. Kanina ka pa hinahanap sa akin ni Tito Mario," sigaw nito sa akin sa kabilang linya.

"Kalma, pare. Magpapalit na ng damit. Pakisabi kay Papa, huwag siyang highblood masyado. Dadalhan ko na lang siya ng paborito niyang pagkain," panunuhol ko pa.

"Hoy, anong siya lang? Idamay mo akong gago ka," natatawa niyang untag.

I just rolled my eyes. "Oo na. Gago ka rin."

After that call, nagtungo na ako sa banyo para maligo na. Kahit naman nakakainis minsan ang pagpi-pressure sa akin ni Papa, mahal ko pa rin naman sila ni Mama; kahit na minsan, wala na sa lugar ang mga pasubali niya. Mga 10:30 AM na nang matapos ako't lumabas na sa unit ko. Hindi bale, dadaan na muna ako sa mall malapit sa opisina namin para bumili ng pizza, na paborito ni Papa. Doon ko na rin siguro bibilhan ng pampalubag-loob si Gab. After all, naging mabuti naman siyang kaibigan sa akin-- silang dalawa ni Maxwell Reine. Sila lang naman ang kaibigan ko, e. Magkakaklase na kami since college. Kahit na iba-iba kami ng personality, nagkakasundo naman kami sa mga bagay-bagay. Sa aming tatlo, si Gab ang pinaka-good boy. NGSB ang gago, e. Dahilan niya lagi, hinihintay pa niya 'yong other half niya. Putsa, ang korni niyang gago siya. Si Reine naman ang pinakamaloko sa aming tatlo. Siya rin ang pinaka-playboy. Gano'n nga siguro kung sobra-sobrang pressure ang pinagdadaanan ng isang tao. Paano, gusto ng mga magulang niya na i-handle na niya ang business nila, ngunit hindi talaga iyon ang gusto niya; kung hindi ang pagiging photographer. Ako? Tama lang. More on Y.O.L.O ang motto ko. Stick to one din ako, katulad ni Gabriel. Iyon nga lang, niloko lang ako.

Mga quarter to 12 NN na nang makarating ako sa office. Naabutan ko noon si Dad na mukhang aligaga. Nang mapansin ako, agad niya akong sinensyasan na sundan ako sa office niya. Napabuntong hininga na lamang ako bago sumunod sa kanya.

"Son, what's your problem? Why are you late? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?" aniya pagkapasok na pagkapasok pa lang namin.

"Dad, please. Medyo masama po ang pakiramdam ko ngayon kaya ako nahuli," pagdadahilan ko.

Tinaasan ako nito ng kilay. "Masama ang pakiramdam o hangover? Marvin, para sabihin ko sa'yo, dumaan din ako sa ganyang punto, kaya please lang, huwag mo akong bigyan ng sapat na rason para kay Tita Savannah mo i-take over ang kumpanya."

Awtomatikong napakunot ako ng noo noon nang marinig ko ang pangalang iyon. That bitch! Hell yeah, siya ang dahilan kung bakit may gap sa amin ngayon ni Papa. Akala niya, hindi ko malalaman na sinisiraan niya ako sa Papa ko? Tila napansin naman iyon ni Papa, kaya pinagsabihan niya lang ako na huwag kong sasagutin ang adopted sibling niya. Para wala nang pagtatalo, ibinigay ko na lang sa kanya ang binili kong pizza sa kanya't binilinan na kumain muna bago makipag-meeting. Niyayaya pa niya ako noon na sumabay sa kanya, ngunit tumanggi ako dahil wala akong ganang kumain ngayon. Ang gusto ko lang muna ang umidlip sa working area ko. Yeah, hindi mataas ang posisyon ko sa kumpanya. Gusto kasi ni Papa na magsimula ako sa umpisa para malaman ko ang pasikut-sikot sa kumpanya. Ayos lang naman sa akin iyon. Ang hindi ko lang naman matanggap ay 'yong katotohanan na nandito sa opisina si Tita Savannah. Alam na alam kong hindi talaga niya minahal si Papa bilang kapatid. Ang tanging gusto lang niya ay ang makuha ang kumpanya sa pamilya namin. Agad akong tumungo noon sa desk ko. Doon, naabutan ko si Gabriel na kumakain ng lunch. Nginisian niya ako noong nakita niya ako.

"Nakausap mo na?" pambungad nitong tanong.

Naupo muna ako sa chair ko saka inabot ang pinamili ko para sa kanya. Tuwang-tuwa pa ang ungas dahil alam ko raw kung ano'ng gusto niya.

"Oo, nakausap ko na," sagot ko.

"Kain na tayo. Pagsaluhan na natin ito," anyaya pa niya, pero sumenyas lang ako na huwag na dahil mas gusto ko talagang magpahinga muna.

______________________________________________________________________________

Mga alas-sais na nang mag-out ako sa office. Nag-vo-volunteer pa si Gab na ihatid ako sa condo ko, pero tumanggi ako. Ano'ng tingin niya sa akin, bata? Tsk. Tsk. Nasa parking area na ako noon nang maabutan ko ang isang pamilyar na babae. Teka, sino nga kasi 'to? Ugh, nakalimutan ko na.

"Hi," bati niya sa akin habang nakasandal sa kanyang kotse na kulay red. Mdoon ko tuloy nakumpirma na siya nga ang nag-drive sa kotse ko kagabi.

"Bakit ka nandito..?" Tila nakuha naman niya na hindi ko matandaan ang kanyang pangalan.

"CeeCee," sagot niya. "I want to help you, Marvin—I mean, us."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano na naman kayang katangahan ito? Sumasakit ang ulo ko lalo sa kanya. Tsk. Tsk.

"What do you mean?"

Ngumiti muna ito. "Gaganti tayo sa mga exes natin."

Awtomatiko ko siyang sinamaan ng tingin noon. "Seriously, nerd? Ano'ng katangahan 'yan? Hindi na ako college, uy!"

"Bakit ka sumisigaw?" pasigaw niyang tanong sa akin. "Ayaw mo bang gumanti sa ex mo? Umaasa ka pa rin ba na mamahalin ka pa rin niya?"

Aba, gago 'to, a? Hindi por que hindi ako sang-ayon sa gusto niya, gusto ko pa ring bumalik sa akin si Jennica. Hindi pa ako nahihibang para gawin iyon. Oo, mahal ko pa rin siya, pero hindi na sapat iyon para muling mabuo ang tiwala na sinira niya. Hindi ko na kakayanin 'yon.

"Nerd—este, CeeCee.." Pinilit kong huminahon noon. "Kung gusto mong gumanti sa ex mo, huwag mo na akong idamay."

Tatalikuran ko na sana siya nang marinig ko ang mahina niyang paghikbi. Sa hindi malamang dahilan, tila mayroong kumirot sa puso ko na hindi ko mawari. Shit, ito na nga ba'ng sinasabi ko, e. Hanggang ngayon, kahinaan ko pa rin ang mga babae. Hanggang ngayon, naaapektuhan ako sa kanila. Shit.

Huminga muna ako ng malalim noon bago siya haraping muli. "Fine. Pumapayag na ako."

Fuck. Bahala na nga.

[Itutuloy..]

Forget YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon