Chapter 6

658 19 0
                                    


Chapter 6


Margaux's POV

Bakit ba kailangan pang pumasok nung Mr. Knight na yun sa buhay ko? Hindi naman sa ayaw ko sa kanya... it's not just that. He's only ordinary human, for pete's sake! and me? I'm a Heiress! hindi naman sa bitter ako... ayoko lang magmahal dahil sigurado akong sa huli iiwan din nila ako.... lalo na't baka mamatay lang sila ng dahil sakin, diba? hindi naman makakayanan yun ng konsensya ko.


"Mommy, why so tahimik?" Tsaka ko lang napansin ang mga kaibigan kong titig na titig sakin. Kung hindi pa pala ako tinanong ni Zhandra kanina pa ako tulala.


"Nothing.. I just thinking something." yun na lang ang nasabi ko. Nandito kasi kami ngayon sa rooftop ng school. As usual cutting! ayokong makita yung mukha dito ni Mr. Knight no!


"Something huh??" mapang-asar naman na sabi sakin ni Trixie. Seriously? Bakit ang kulit nila?


"Im not thinking about that Man." Alam ko naman ang tinutukoy niya eh, walang iba kundi si Mr. Knight. As if naman na magkakagusto ako sa kanya, matagal ng bato ang puso ko kaya sigurado akong wala ng magpapabago sakin. Kahit sila Scarlet hinahayaan nalang ako eh, dahil alam nilang di na nila ako mababago pa ulit. Siya pa kaya?


Heiress + Ordinary = Dead.


Dahil pagnagkataon na mapaibig niya ako sigurado akong, siya ang magiging kahinaan ko. Ayokong maging mahina sa mga mata nila.. Gusto kong makita nila ang bagong Margaux Chantelle Ayuzawa. Ang Margaux na malakas at walang kinakatakutan... Ang Margaux na anak ng pinakamalakas na Mafia Boss na handang pumatay para lang sa mga taong mahal niya sa buhay... 


Hindi yung Dating Margaux. Yung Margaux na walang pake kahit ipahiya siya sa buong mundo... Yung Margaux na laging inaasar at sinasaktan.. Yung Margaux na magmamakaawa sa lahat wag lang siyang sasaktan ng mga kamag-aral niya...


Dahil simula nung may mawala ulit sa kanya na mahal niya sa buhay... Nagising ang demonyo na nagtatago sa isang Inosente, Maganda, Mahinhin at Mahinang, Margaux.


'Margaux!! please... parang awa mo na! Mahal ko na talaga si Fletcher... at magpapakamatay ako kapag hindi mo na siya ulit ibinalik sakin! Please naman... Gagawin ko ang lahat makuha ko lang siya ulit.'


Naalala ko na naman yung mga huling sinabi sakin ni Stella. Lihim kaming nagkikita palagi nung mga panahong nalaman kong nagtaksil sila sakin, nakipaghiwalay na ako kay Fletcher at ngayon siya naman ang naghahabol sakin. Simula rin nun lagi ng nagte-text si Stella sakin nagmakita kami. Nung time na yun binigay ko na siya kay Fletcher, kaso ang tarantadong lalaki na yun hindi na siya tinanggap. Ang sabi pa niya ginamit niya lang ang pinsan ko dahil ayaw ko naman daw makipag-landian sa kanya. Nagharap-harap kaming tatlo at yun nga... masyadong dinamdam ni Stella ang lahat kaya tumakbo siya. Hanggang sa nalaman kong naaksidente siya, comatose siya nung time na yun, wala kaming magawa until she died. 


And now... pinagsisisihan kong hinayaan ko lang siyang mamatay dahil sa isang lalaki...


My Wife is a Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon