Chapter 7
Margaux's POV
Pagdating ko sa Mall na meeting place namin ni Mr. Knight pumunta muna ako sa Dunkin Donut store. Bumili lang ako ng dalawang box dahil ang alam nung apat ay mamamasyal lang ako kaya gusto daw nila pasalubong. Galing no? ginawa pa kong utusan-__-.
Nag vibrate ang phone ko, kaya kinuha ko sa bulsa ko.
From: Unknown number
'Where are you now?'
-Caden.
Sinong Caden 'to? Baka wrong number? Matawagan nga.
Dialling Unknown number....
"Uhmm? Hello?"
"Chantelle! Where are you?!" Wait... Boses to ni Mr. Knight ah.
"Mr. Knight?" Tanong ko sa kabilang linya. Baka kasi nag-kamali lang ako diba?
"Yes. It's me Chantelle. Now, tell me where is your exact location?" F*ck! I forgot. Di ko pa kasi pinapalitan yung pangalan.
"Second floor. Sa Dunkin Donut Store." Isa lang ang Dunkin Donut Store dito sa second floor kaya makikita niya agad ako.
"Ok. See you later Babe." Ha? Ano yung sinabi niya sa huli? Tsk. Baka guni-guni ko lang.
Nag end-call na kaya naghantay na lang ako dito.
While I'm waiting for Mr. Knight isang lalaki ang nakaagaw atensyon sa akin. Pinagtitinginan nga siya eh. Di lang yun. Talagang masasabi mong ang cool niya dahil ang lakas ng dating niya eh. He's wearing a simple T-shirt and pants pero kahit simple lang ang gwapo niya pa rin.
"Chantelle are you okay?" Tsaka lang ako nabalik sa realidad ng may nagsalita sa harap ko. Pag tingin ko, yung gwapo at naka smirk pa. How did he know me?
"Sino ka?" Yan na lang ang nasabi ko sa kanya.
"Ouch. Kausap mo lang ako kanina, Tapos ngayon? Di mo nako kilala?" Ano daw? Kausap? Kailan pa? Sa pagkakatanda ko si Mr.....
"Mr. Knight?!" Siya lang ang kausap ko kanina diba?
"Chantelle. Stop calling me Mr. Knight it's too formal. Just call me Caden." Okay.? Bakit parang nahihiya ata ako sa kanya? He's Hot! Wait.. what?! What am i talking about!? Jeez. What happen to me? Nagiging interesado na ba ako sa kanya?
"Okay. Mr. Kn--- Err. I mean Caden? Bakit mo pala gusto makipagkita sakin ngayon?" Kung tungkol man yun sa arrange marriage namin.. Tsk. Bahala na.
BINABASA MO ANG
My Wife is a Mafia Heiress
אקשןBOOK COVER BY: @selenereese Maganda, Mabait, Mahinhin, Nerd pero Gangster hindi siya lumalaban sa mga kapwa istudyante niya na nang-aapi sa kanya. Yan si Margaux Chantelle Ayuzawa pero sa hindi inaasahang pangyayari nagbago siya.. Ang babaeng pi...