CHAPTER 6

1 0 0
                                    

Tumatama sa mata ko ang sikat ng araw sa loob ng kwarto na siyang kinagising ko.

Napabangon ako at medyo nagulat ng may makitang ibang tao sa loob ng kwarto namin.

"Manang Lorah ??"
Agad kung sabi.
Siya pala ang nag alis ng kurtina sa bintana at mukhang lalabhan at papalitan ng iba.

"Magandang umaga Queen,"
Bati naman niya sakin.

Umupo ako sa kama.
Tapos nilingon ang kama ni Chase.
Wala ng tao dun at ayos narin ang higaan.

"Si Chase ho?" Tanong ko.

"Ka-aalis lang iha.." Sagot naman niya at binitbit na ang mga labahing kurtina at naglakad.

Umalis na si Chase ??
Ang aga naman !
Anong oras na ba ??

Pagtingin ko sa wall clock ay 9:42 na pala ng umaga..
Ang tagal ko palang nagising.

"Queen, ready na ang almusal nyo sa baba, o gusto nyong i-akyat ko dito ?"
Lingon niyang sabi.

"Ayy hindi na ho, bababa nalang ako"
Sagot ko naman at tumayo na para mag ayos ng sarili.

At yun nga ang ginawa ko.
Pagkatapos ay bumaba na ako at dumiretso sa dinning area.

Ang laki pala talaga ng bahay na ito.
Muntik pa akong mawala kung saan banda ang kitchen..

Walang tao dun at may maraming pagkain na sa mesa.

At ang isang napansin ko dun ay tatlong perasong rosas at may note na kasama.

Good morning my love, my wife
Ill be back again.

                              I love you

Napangiti ako sa maikling note na yun.

Sweet talaga si Chase.
Sana naman ma appreciate ko na ng todo itong mga pa sweet sweet niya sakin para naman kiligin ako.

Kinuha ko ang mga roses na yon at inamoy, pagkatapos ay umupo at nilagay sa uli sa mesa.

Nag umpisa na nga akong kumain.

Sakto namang katatapos kung kumain at akmang liligpitin na ang pinagkainan ko ay pumasok si Manang Lorah.

"Ako na iha ! Ako na jan.."
Agad niyang kinuha sakin ang mga pinagliligpit ko at nilagay sa lababo.

"Tulungan ko na ho kayo manang"
Sabi ko at nilapitan siya
Wala rin naman akong gagawin o pagkaka-abalahan.

"Naku wag na.. Bilin sa akin ni Chase na hindi ka pag-gagalawin dito sa bahay ng mga ginagawa mo dati.. Kaya ko na ito iha.."
Tanggi niya.

Pout.

"Manang, matagal na po kayo dito ?"
Out og curiosity ay biglang natanong ko.

IM NOBODY with UKNOWN HUBBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon