CHAPTER 5

1 0 0
                                    

Ng makauwi kami sa mansion.
Agad na dumiretso si Chase sa mini bar nitong Mansion.

"Wife?"
Tawag niya sakin ng di ako sumunod sa kaniya dun.

Wala rin naman kasi akong planong uminom at maglasing.
At saka medyo nagtataka ako sa pagiging tahimik niya simula ng umalis kami Sa Bar ng Hotel.
At kahit sa kotse ay wala itong imik.

Ngayon ko lang uli siya narinig magsalita.

"Ano yun?"
Sagot ko dito at nanatili lang sa kinatatayuan ko.

"Pwede mo ba akong samahan dito?"
Malamig niyang tanong at alok.

Nagdalawang isip ako.
Gusto ko kasing umakyat nalang sa kwarto at mag isip.

"I don't wanna spoil your night, but i prefer to got you home para masolo kita" sagot naman niya.

Masolo.
Nakakailang naman.
Pero may point din siya.
Kaya ba niya ako niyaya ng umuwi para magkaroon kami ng quality time mag-asawa together and private?

Napalunok ako.
Ano kayang susunod nito??
Making up in bed ??
Make love ??
For heaven sake.
Parang kinabahan ako sa mga naiisip ko.

Pero bat ko kailangang kabahan eh asawa ko siya.

"Wife??"
Pukaw niya sa tulalang ako na matagal makasagot.

"Yeah.." Atubiling sagot ko at unti unting pinuntahan siya.

Nakaupo siya sa isang stool dun at binubuksan ang isang imported wine.

"Do you like some?"
Tanong niya sakin ng tabihan ko siya ng upo sa kabilang stool.

Ahhmm.
Sige na nga.
Nakaka tense din kasi yung ganitong feeling na parang kinakabahan ka o naiilang sa sariling asawa.

Inabot niya sa itaas ang isang glass wine at binuhusan ng wine.

"Cheers"
Sabi niya pagkatapos at itinaas ang kamay.

Ginaya ko din siya at sabay na uminom ng wine.

Tahimik lang ako.
Wala rin kasi akong masabi..
Siguro wala akong lakas ng loob na magtanong ng mga bagay bagay.
Even if i have hundred of questions i need to ask about me, and to us.

"Do you miss me Wife?"
Seryoso niyang tanong sakin maya maya pero di ako tiningnan.

"Ahhhm, maybe i- i don't know"
Lumunok muna ako bago sinagot yun.

Nilalaro laro niya ang wine na natitira sa baso niya.

"Sorry Wife, its my fault kaya ka nawalan ng memorya sa utak at nagka amnesia.. At kaya ka ngayon ganyan na parang ibang tao sakin"
Sabi na naman niya at di tumingin sakin.

"I-ikaw ang may kasalanan kung bat ako nagka amnesia ??"
Na confused kung tanong at di maka paniwala.

Bakita kaya?

"Paano?" Kasunod kung tanong.

"Because i love you and i always will"
Dun na siya tumingin sakin, mata sa mata.

Tumatagos sa puso ko yung sinabi niyang yun.

Napaawang pa nga ang labi ko sa sinabi niya, kahit hindi masyadong klaro ang pagsagot niya at detalyado.

"Believe me Wife, hindi ko gusto ang magka ganyan ka, it hurts like hell ang ganyang sitwasyon mo.. Kung nahihirapan ka, dahil wala kang ma-alala, triple yun sakin.."
Nag uulap ang mga mata niyang sabi pero agad din niyang iniwasan at nilagok ang huling laman ng baso at nagsalin pa.

Ako naman nakatulala parin at ninanamnam ang nga sinabi niya.

Kung ako nahihirapan.
Triple pa daw sa kaniya yun.
Natural ! Malamang !

IM NOBODY with UKNOWN HUBBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon