7: Confrontation

384K 7.8K 380
                                    

"The anwers will come out only when you start asking." –jazlykdat

***

Matapos ang mahabang kuwentuhan. They all call it a night. The twins opted to stay in one room with their cousins. Tig-isang kuwarto naman ang mga kapatid niya at mga asawa nila.

Lianna had no other option but to let Vaughn stay at her room. Or it's the other way around, Vaughn has no choice but to stay at her room.

She sighed when they entered the room. The last time they were inside the room, they made love. Pinamulahan pa siya sa naalala niya.

Matapos maligo ay umupo siya sa kama. Sumunod naman si Vaughn sa banyo pagkatapos niya. They didn't say any word to each other.

Paglabas nito sa banyo ay pinakiramdaman niya ito. Hinintay niyang sabihin nito na sa lapag na lang ito matutulog dahil hindi nito masikmura na katabi siya pero wala itong sinabi bagkus ay humiga ito sa isang parte ng kama.

Ginawa nitong unan ang isang braso at ang isa ay itinakip sa mga mata. Nanatitiling nakaupo si Lianna at tinitingnan ito. Naka-pajama ito at puting sando.

Hindi niya alam kung hihiga na rin ba siya sa tabi nito o hihintayin muna niya itong makatulog.

Kahit pagod ay alam niyang hindi rin siya makatutulog sa isiping katabi niya ito.

She let out a deep sigh before moving out of the room. Bumaba siya sa kusina at uminom ng tubig bago lumabas sa garden para magpahangin.

Nakita niyang nakaupo si Manong Rad sa nag-iisang bench ng hardin. Natatanglawan ito ng lamp post na nagmumula sa haligi ng garahe.

"Ma'am Lianna," agad nitong itinapon ang sigarilyong hawak.

"Gabi na ho. Bakit hindi pa kayo natutulog?" tanong niya rito. Sinabihan ito kanina ng ate niya na okupahin ang isang kuwarto na malapit sa sala ng bahay.

"Nagpapaantok lang Miss Lianna," tugon nito.

"Lianna na lang po, nakakaasiwa kasi ang Miss o Ma'am Lianna," saad niya rito. Napangiti naman ang matanda. Tumayo ito mula sa bench.

"Manong, nagpupunta po ba kayo ng Davao noon?" kalmado niyang tanong rito kahit ang kalooban niya hindi mawari kung anong emosyon ang lumulukob dito.

Excitement...eagerness...and at the same time she feels nervous that her suspicion may or may not be true.

"Kilalang-kilala po kayo ng mga bata, madalas po ba kayong magpunta doon ni Vaughn?"

Matagal na tumitig sa kanya ang matandang driver bago ito nagsalita.

"Ang totoo niyan, doon na ako naglagi ng halos apat na taon," umpisa nito. Lianna's forehead creased.

"Doon na rin kasi nakabase si Sir Vaughn, bumabalik lang kami ng Manila kapag may importante siyang meeting."

Her jaw dropped at his revelation. Bahagyang nanghina ang tuhod niya kaya napaupo siya sa bench. Nanatili namang nakatingin sa kanya ang matanda.

"Nakakasama niyo po ba ang dalawang bata?"

"Madalas ko silang sinusundo sa eskuwelahan. Minsan ipinapasyal sila ni Sir Vaughn ako lagi ang driver nila."

Tuluyan na siyang naguluhan sa sagot nito. Alam niyang hindi imposibleng masundan siya ni Vaughn pero bakit hindi ito nagpakita ni minsan?

"Kung ganun kilala kayo ni Nanay Sandra?" hindi makapaniwalang tanong niya rito. Her heart is beating so fast.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon