16: Chuckles

406K 8.4K 1.1K
                                    

"Things will get better in time." - jazlykdat

***

Published by PSICOM. Available in all leading bookstores nationwide.

***

Hindi matanggal ang ngiti ni Lianna kahit noong lumabas na sila ng restaurant.

He called her wife.

Whatever his reasons are for calling her that, masaya pa rin siya. At least he recognizes that she is still his wife.

"Daddy, let's go to world of fun, please?" Vanna asked nang nasa kotse na sila. Vaughn smiled at the kid through the rearview mirror.

Is that a yes?

"I also miss playing with you, dad." Liam seconded. Vaughn glanced at her. Tumingin siya sa ibang direksiyon.

Pati kaya noon sa Davao, naglalaro na sila ng mga bata sa WoF?

She shrugged the thought off. It was a thing of the past. Dapat move forward na lang.

Nakasunod lang siya sa tatlo. Naglaro ang mga ito ng baril-barilan. She could see how the three are enjoying. Nagkakantiyawan pa ang mga ito. Vanna is really good. Mas magaling pa ito kay Liam. Nang matalo si Liam, si Vaughn naman ang pumalit. Change the looser pala ang peg ng mag-aama.

Pagkatapos ay lumipat naman ang mga ito sa ibang laro. They tried to pull a small stuff toy by navigating the joystick. Salitan ang tatlo at nagkakantiyawan dahil laging nahuhulog ang stuff toy.

"Mom, do you wanna try?" tanong sa kanya ni Vanna. They all looked at her. Ngumiti na lang siya at umiling.

"You know, I'm never good at that," tugon niya rito. Natawa naman ang mga bata. Madalas din kasi niyang sinasamahan ang mga ito noon na maglaro sa mall. And it's one the games she hates. Never pa kasi siyang nakaipit ni isang stuff toy.

"All right sa iba na lang tayo maglaro." Hayag ni Vaughn. Sumunod naman ang mga bata.

Tiningnan na lang niya kung saan nagpunta ang mga ito at hindi tinanaw.

Bakit gano'n?

Pakiramdam niya ay ayaw siyang isali ng asawa sa kasiyahan nila. Parang kanina lang okay naman ito sa kanya.

Hayy. Napaka-unpredictable talaga!

Patingin-tingin siya sa tatlo na naglalaro sa dulo habang nanonood din sa isang binatilyo sa may basketball shooting. Natutuwa kasi siyang tingnan ito dahil nagkakantiyawan ang mga ka-grupo nitong puro din mga teenagers.

Ang sarap balikan ang gano'ng edad. When everything seem so light. Yung tanging pinoproblema lang ay mga projects at assignments at kung papayagan ba ng parents na lumabas kasama ang barkada.

Nagulat siya nang nasa tabi na niya ang tatlo. Vaughn is staring at her with a disgusted face.

"Mom, let's go watch Batman Vs Superman." Yaya sa kanya ni Vanna at humawak sa kamay niya.

Hinila na siya nito palabas ng WoF. Nagpatianod na lamang siya. The two boys followed them.

Her heartbeats raced nang tinabihan siya ni Vaughn sa paglalakad.

"Pati ba naman gano'n kabata pinagkakainteresan mo pa," bulong nito sa kanya. Her forehead creased. Pinagkakainteresan niya? Sino?

She smiled when she realized that he was talking about the teenager playing basketball.

Sasagot pa sana siya pero nauna na itong maglakad kasunod si Liam. Napailing na lang siya.

One time he's cold the next time he's sweet and now he's being irrational. Now she changed her mind. Vaughn is not unpredictable. He's bipolar.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon