"There is always a reason to celebrate every second of the day." -jazlykdat
***
Published by PSICOM. Available in all leading bookstores nationwide.
***
"Are you serious?!"
Napatingin si Lianna kay Vaughn na nakatutok sa daan habang nagsasalitang mag-isa. Nagda-drive ito at kanina pa nakangiti. Hindi na nga yata nawala ang ngiti sa mga labi nito. Ngayon naman ay kinakausap nito ang sarili na parang baliw.
"Really?!" saad ulit nito at natawa.
Napatawa siya. Tuluyan na nga yatang nabaliw ito.
"Triplets talaga??" nakangiti ulit nitong sambit na parang hindi makapaniwala.
"Are you insane? Kanina mo pa kinakausap yang sarili mo." Natatawa niyang saad dito. Vaughn glanced at her with a smile.
"Tell me I am not only dreaming!"
She can't help herself from chuckling at his crazy antics. Pauwi na sila galing sa hospital. Ang saya lang tingnan ang asawa niyang tuwang-tuwa sa ibinalita ng doctor. She didn't expect, he would be this happy.
"Try mong ibangga itong kotse para malaman mo kung nananaginip ka," she said joking.
"That's not a good joke, Lianna!" Saway agad nito sa kanya. Mula sa masayahin ay sumeryoso agad ang mukha nito.
"I was just kidding okay?" tugon niya rito. She felt a little embarrassed.
"Kahit na! Ni sa panaginip hindi ko ginustong mabangga tayo. Ngayon pa ba na magiging pito na tayo sa pamilya?" seryoso nitong saad.
"Sorry." She pursed her lips. Hindi naman na ito nagsalita at tahimik na lang na nag-drive.
"Have you heard what the doctor said? You have to be extra careful. Remember, tatlo ang dinadala mo." Litanya nito matapos ang mahabang katahimikan.
I know right. She wanted to answer but she knows it would piss him off again. Hinayaan na lamang niya itong magsasalita.
"Hindi ibig sabihin na pinayagan ka ng doctor na magtrabaho, aabusuhin mo na ang sarili mo." Dagdag nito.
She smiled. He sounded like a grandmother giving directions to her grandchild.
"Huwag ka ngang ngumiti ng ganyan," saway nito sa kanya.
"Bakit na naman? Dapat ako ang may moodswing. Hindi ikaw." Natatawa niyang saad rito. Kanina kasi ay tuwang-tuwa ito ngayon naman ay parang pikon na pikon.
"Para kasing hindi mo sineseryoso ang sinasabi ko," giit nito. Napailing na lang siya.
Paano nga kaya kung ito ang naglilihi para sa kanya? Posible kaya iyon? May mga matatanda kasi sa probinsiya nila ang nagsasabing may pagkakataon daw na yung asawang lalaki ang nagki-crave kapag naglilihi ang babae.
Pero kalokohan 'yon. Ano namang kinalaman sa hormone ng lalaki ang paglilihi ng asawa nito? Wala namang scientific explanation.
"Don't worry kaya ko ang sarili ko, okay? Nakaya ko ngang dalhin ang kambal noon na walang umaalalay sa akin."
It was late when she realized that what she said might bring back old grudges. Natahimik na kasi si Vaughn at biglang nawalan ng emosyon ang mukha.
She closed her eyes for a moment before earning the courage to apologize when Vaughn holds her hand. He glanced at her for few seconds bago ibinalik ang tingin sa daan. Pinisil nito ang palad niya.
BINABASA MO ANG
The Ignored Wife (Published by PSICOM)
Romance[Now available in bookstores nationwide for Php175.] "Ang hirap sa 'yo akala mo ikaw lang ang nahihirapan! Hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng iniwan." - Vaughn Filan Lianna left Vaughn over false information months after their wedding. She was th...