Epilogue

372K 7.3K 516
                                    

"Someday when everything's okay, you wouldn't even imagine how difficult it was." - jazlykdat

***

Published by PSICOM Publishing Inc. Now available in bookstores nationwide for Php175. Grab your copies now.  

***

Lianna can't stop herself from smiling habang papunta sa kuwarto ng triplets. Nasa loob na si Vaughn. She felt as if the world connived to make their lives in perfect harmony with the universe.

Dati akala niya katapusan na talaga ng pagiging mag-asawa nila nang sabihin nitong "Goodbye, Lianna." She's happy she didn't falter and give up.

"Dad, I want one of private plane named after me." She heard Liam requested. No, it sounded like a command. Napakunot-noo siya at napatigil sa akmang pagpasok. Ano kaya ang pinag-uusapan ng mag-aama?

Iche-check sana niya kung maayos na ang gamit ng mga bata. Ni-request niya kasi sa asawa na isama ang mga ito sa bakasyon nila sa Jeju Island sa Korea para sa kanilang honeymoon.

Ayaw nga sana ni Vaughn pero wala din itong nagawa nang ipilit niya.

"Lianna, it's a honeymoon. Dapat tayong dalawa lang," kunot-noo nitong tugon nang sabihin niyang gusto niyang isama ang mga bata.

"Anong honeymoon? May limang anak na tayo. Tapos na kaya ang honeymoon natin sa Ireland dati," nangingiti niyang sagot.

"Nope. Katatapos lang natin ikasal. It's still a honeymoon." Pinal nitong saad.

"Kung iyon lang naman puwede naman nating gawin dito sa bahay. Ayoko ngang iwan ang mga bata ng dalawang linggo." Reklamo niya pa rin.

"It's not about that, silly!" natatawa nitong saad sabay pisil sa ilong niya.

"It's about us bonding together." He gave her a quick kiss on the lips. She smiled. That simple gesture made her heart skipped a beat.

"Exactly! Us! Meaning tayong pito. Pati mga bata."

"Ang kulit mo! Hindi nga puwede." Natatawa nitong saad sabay yakap mula sa likod niya.

"Sige kung ayaw mo, gawin na lang nating three days. Ang tagal kasi ng dalawang linggo. Sinong titingin sa mga bata?"

"Mom and dad will be here. They'll look after them." He said nibbling her ear. Inilayo niya ang ulo mula rito. Natatawa naman itong bumitaw sa kanya. Inirapan naman niya ito.

Alam naman niyang hindi pababayaan ng mga in-laws niya ang mga bata kung sakali pero ang tagal lang kasi ng dalawang linggo.

"If we'll bring them, kasama na rin pati tatlong yaya. Magastos 'yon. Kailangan nating magtipid para sa kinabukasan ng mga bata." Nakangisi nitong tugon.

"Tipid. Sinong niloko mo?" inis niyang baling rito. Natawa lang naman ito sa sinabi niya.

"Basta kung ayaw mo silang isama tatlong araw lang tayo doon," nakasimangot niyang saad. Lumapit naman ito sa kanya at natatawang ginawaran siya ng halik sa noo.

"Okay, two weeks then," natatawa nitong bulong. She smiled and hugged him. Kung lahat ba naman ng asawa ganito kadaling kausap eh di masaya ang mundo. Hehe!

"Okay, settled. I will name all the planes after you." Rinig niyang tugon ni Vaughn kay Liam.

"Dad, ako naman gusto ko payagan mo akong magboyfriend when I turned sixteen." She heard Vanna's voice.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon