33: Late

355K 7.4K 336
                                    

"Things will unfold naturally and so sometimes you'll just have to WAIT." -jazlykdat



***

  Published by PSICOM Publishing Inc. Now available in bookstores nationwide for Php175. Grab your copies now.  

***

On her fifth month of pregnancy, Lianna was advised by her doctor to stop working. Magiging risky na kasi kapag na-stress siya.

She wants to work from home pero hindi siya pinayagan ni Vaughn kaya wala siyang ginagawa buong maghapon kundi hintayin ang mag-aama.

The kids goes home at 2PM kaya doon lamang siya nalilibang. She'd help them with their assignments. Madalas nagkukuwento lang ang mga ito ng tungkol sa araw nila. Well, it was only Vanna Lei who talks a lot. Von Liam is as reserved as his dad. Magsasalita lang ito kung importante. Magkukuwento lang kapag binigyan ng rason para magkuwento.

Vaughn is always home by 6P.M. Pagdating nito ay agad na sumasali sa kuwentuhan nila hanggang sa dinner. After dinner, he's adamant that they had to go to bed para daw hindi siya mapuyat.

There are times when she can't sleep lalo na kung may kailangan itong gawin at nagtatagal sa study room o sa space nito sa third floor. Madalas nitong ikinagagalit kapag naaabutan siya nitong gising pa.

Kagaya na lang ngayon, nagagalit naman ito dahil alas onse naabutan pa siyang gising.

"The doctor asked you stop working because you need to rest. Is that hard to understand Lianna?" inis nitong tanong sa kanya. She wants to smile at his concern pero baka mas lalo itong magalit.

"Matulog ka kasi ng maaga para may kasama ako." Depensa niya. She knows it's lame. Pero hindi kasi siya talaga inaantok kapag wala pa ito sa tabi niya.

"You know that I have work to do," saad nito.

"Nandito ka na kasi nagta-trabaho ka pa. This is a house, not an office."

"Are you saying na hayaan ko na lang ang mga businesses natin?" Salubong ang kilay nitong humarap sa kanya. Tuluyan na yata itong nainis sa kanya.

"That's not what I mean."

"I've been having a hard time budgeting my time for you and our businesses." Iritado nitong saad.

"Are you saying that we are a burden to you?"

"What?!" His forehead creased as he glanced at her.

"Wala. Huwag mo na lang akong pansinin, tinotopak lang ako kapag mag-isa ako dito sa bahay."

Vaughn stared at her but didn't say any word.

"Puwede bang pumunta ng opisina mo para malibang ako? Doon na lang ako tatambay maghapon?"

"You know that would be stressful." He said with a bored look. Hindi na lang siya sumagot.

"And what's with the words tinotopak and tatambay? You sound like a street person. Can't you think of a little more refined words?" he said in a reprimanding voice.

"Sorry! Sosyal ba dapat?" sarkastiko niyang sagot. "I tend to be balmy when I'm alone. Can I just dawdle in your office?" she added raising her eyebrow. Vaughn stared at her for a moment bago umangat ang sulok ng labi nito.

"Nope, you stay at home." He smirked.

"Okay," she said at tumalikod na lang ng higa.

Hindi naman kasi dahil nabo-bored siya kaya gusto niyang pumunta ng opisina. Lately kasi base sa scheduled meetings ni Vaughn ay puro mga babae ang ka-meeting nito. She wants to see how they look like at kung may dapat ba siyang ikaduda. Huwag lang sana itong male-late ng uwi dahil talagang magdududa na siya lalo na ngayong malaki na ang tiyan. Hindi na talaga puwede ang katwiran nito na may pangangailangan siya kung sakali.

The Ignored Wife (Published by PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon