Chapter 14: Smack

4 0 0
                                    


Karlo's POV









      Nag lalakad kami pabalik sa villa ng mga babae. Nag tatawanan din kami kasi eto si Mac nagjo-joke. Nahawa na yata sa kakulitan at ka-kornihan ni Clara.





     "Eto, eto." Tumahimik kaming lahat dahil mukhang babanat nanaman sya. "Bakit pumunta sa doktor ang saging?"








    "Bakit?" Sabay sabay na tanong namin pati sila Jenica nakikisakay nalang din ehh.

     "Because it's not PEELING well"




"Ayy! Wala to! Nako! Tara na nga!" Sabi ko at nag pipigil nang tawa. Nakakatawa dahil sobrang corny. Hahahaha!!













     Tinulak nya ako mula sa likod. "Grabe ka tol! Walang kasupo-suporta! Ang sakit." Sabi nya with matching acting. May pahawak hawak pa sa puso.










    "Asus! Muntanga!!" Binatukan ko sya. "Clara ohh!!" Tumingin si Clara samin at bigla sya umayos. Alam ko na kahinaan nito. Babae.










    Halos lahat naman ng lalake ang kahinaan ang mga babae na mahalaga sa kanila ehh.















     Matapos yun tumahimik na sya at hindi na nag joke nang corny.













    Lumapit sakin si Jolo at tinanong ako kung nasaan si Raven.












"Alam ko sinundan nya si Zandria kanina. Baka mag kasama na yung dalawang yun ngayon." Tumango sya at lumapit kay Chloe sabay akbay.













     Narealize ko na ako nalang pala talaga ang hindi pa umaamin. Hindi ko alam kung paano ehh. Pag mag kausap kami hindi ko sya matignan ng maayos at nagiging aligaga ako. Oo na, sige na! Torpe na kung torpe.











   Malapit na kami sa villa nila. Nakita ko si Raven na lumabas at patakbo sa lugar namin. Nang malapit na sya huminto kaming lahat.










   "Hi Raven!" Masayang bati ni Liz kaya lang biglang nag iba yung ekspresyon nya nang makita nyang umiiyak si Raven. "Anong nangyare?" Naguguluhan kaming lahat at walang kaalam alam sa mga nangyayari.













    Hindi sumagot si Raven at tumakbo. Dahil ako ang nasa likod ako ang huli nyang dinaanan. Hinawakan ko sya sa braso at hinarap sakin.











   Nag titigan lang kami at nakikita ko kung gaano sya nasasaktan. Naawa ako sa kanya. Kahit siraulo to, kaibigan ko pa din to no.







   Inalis nya ang pag kakahawak ko sa kanya at tumakbo palayo.







   Pag tingin ko sa mga kaibigan ko, nakatingin silang lahat sakin na parang nag tatanong kung anong nangyari. Nag kibitbalikat lang ako at tumango kila Ethan para sundan namin si Raven.










Trust Me...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon