False

22 0 0
                                    

Chapter 6: School

Umuulan ng gabing iyon. Habang nagsisilabas ang mga estudyante ay biglang nagtext ang papa ni Celine..

"Hindi kita masusundo celine.. Pasensiya na anak.. Hindi kasi masusundo ng mama mo si raira. Eh alam mo naman na 8 years old palang ang kapatid mo.. Kawawa naman kung siya lang uuwi mag isa. Isa pa, bata pa siya baka maaksidente siya.. Sumabay kana lang muna sa mga ka klase mo. Mag ingat ka huh." - papa.

Matapos na mabasa ito ni celine ay ipinasok na niya ang cellphone niya sa bulsa niya. Inilabas niya ang payong niya at nagsimula na nga maglakad pauwi. Habang naglalakad siya ay biglang umihip ang hangin at maya maya pa ay may liwanag na sumilaw sa kanya.

"Wahhh!", biglang sigaw ni celine, sabay dilat.

"Grabe.. Makabangon na nga.. May pasok nga pala ako hmm".

Tumayo na nga si celine at naghubad ng damit. Pumasok na siya sa banyo at agad na naligo. Nang matapos na siya ay agad siyang nagbihis. Inasikaso niya ang mga gamit na dadalhin niya sa school bago lumabas sa kwarto niya at bumaba sa hagdan.

"Ma aalis napo ako", paalam niya.

"Oh siya.. Mag ingat ka huh?. Sabi pala ng papa mo, wag mo daw kalimutan kumain ng tanghalian mo"

"Opo ma.. Sige po alis napo ako"

Tuluyan na ngang umalis si Celine at naglakad paalis. Habang tinatahak niya ang daan patungo sa eskwelahan na pinapasukan niya, ay biglang nasalubong niya ang kaibigan niyang si Mimi.

"Celine?"

"Mimi?"

"Hala celine! Kamusta kana?! Grabe ka! Ano naba ang nangyare sayo?! Ano ok kana ba? Beh pasensiya na talaga huh.. Di man lang ako nakadalaw sayo.. May pasok kasi ako.. Sorry talaga beh..", maluha luhang sambit ni mimi.

"Ok lang .. Pasaway ka talaga mimi.. Haha. Oo ok na ako. Kaya lang.. Mukhang delikado ako eh. Kasi ang tagal kong absent wala akong alam pag nag exam tayo", malungkot na sambit ni celine.

"Nandito naman ako ah", sabat ni Jake.

"Wag kang maniwala jan celine. Pa fall lang yan", bulong ni mimi.

"Hindi naman siguro. Isa pa mimi may libreng tutor na ako kung sakali", bulong na sagot ni celine kay mimi.

"Bahala ka jan. Sige ka mamanyakin ka niyan. Ikaw rin", sagot ni mimi.

"Ay.. Grabe ka naman sakin mimi. Hinding hindi ko magagawa yun kay Celine. Alam mo naman na love of my life ko yan", hirit pa ni jake.

Napatawa na lamang si celine at patuloy na naglakad. Nang marating na nila ang classroom nila ay agad silang umupo sa mga silya nila.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang teacher nila.

"Tahimik.. Magsi-upo na kayong lahat at may ipapakilala ako sa inyo"

Natahimik ang buong klase at napatitig sa pintuan. Nang papasukin na ito ng teacher nila ay parang may sumabog na bomba sa loob ng klasrum nila. Nagulat ang binatilyo sa sigawan ng mga babae, pero ngumiti na lamang siya at kumaway.

"Di porket nagsigawan sila eh pogi kana.. Pangiti ngiti kapa jan. Nagtilian lang gwapong gwapo kana sa sarili mo! Yabang mo uy!", galit na sigaw ni Daniel.

"Wala naman akong sinabi na gwapo ako?", sagot ng binata.

Hinampas ng teacher nila ang white board at sinigawan sila, "Ang ingay! Ano ba yan?. Daniel, ang aga aga naghahanap kana naman ng away! Lumabas ka sa klasrum at humarap ka sa pader! Hindi ka papasok sa room na ito hangga't di ko sinasabi".

"Badtrip naman oh", bulong na sambit ni daniel.

"Oh siya.. Sige na.. Magpakilala kana sa kanila. At pakiusap lang.. Walang maingay!", wika ng teacher nila.

Tumindig ang binatilyo at nagsalita, " Ako nga pala si Bryan Schwan. Nice to meet you all". Pagkatapos na sambitin ito ay umupo na siya sa bakanteng silya sa kanan na upuan ni celine.

"Hi! Ako nga pala si celine.. Celine Suen", masayang bati ni celine kay bryan.

"Hi den.. Ang ganda naman ng pangalan mo.. Bagay na bagay sayo", sagot niya.

Dahil sa sinabi ni bryan ay bahagyang namula si Celine. Natahimik ito bigla at napalingon sa bintana. Napansin ni Mimi ang kakaibang kinikilos ni celine kaya naman tumili ito bigla at tinukso si Celine kay Bryan.

Napangiti si bryan habang nakatingin kay celine. Nang mapansin ito ni celine ay ibinaling niya muli ang kanyang tingin sa bintana. At sa pag baling niya ay may isang bagay na naman siyang nakita. Isang bagay na nagpatayo sa kanya at nagpa-tulala.

FalseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon