False

18 0 0
                                    

Chapter 11 : The beginning of everything Part 3

Tuluyan na ngang umalis ang doktor kasama ang nars, habang naiwan na nakatayo si celine na bakas sa mukha ang labis na pagkagulat at pag aalala.

"Bakit ba nangyayare to? Sana naman maging maayos na siya", wika niya sa sarili niya.

"Excuse me!", bulyaw ng doktor at ng mga nars habang tulak tulak ang stretcher papuntang E.R.

Agad na umatras si celine. Nang makadaan na ang mga nars at doktor ay naglakad na siya palayo sa pinto.

"Ibibilin kona nga lang to dun sa nars sa may counter", wika niya.

Nang malapit na siya sa may hagdanan ay napatingin siya sa basket ng prutas na hawak niya. Napabuntong hininga ito at naglakad papuntang elevator.

"Ano ba yan. Gusto ko pa naman sana mag hagdan. Kaso ang bigat talaga. Haist", inis na sambit niya habang nag-aantay na bumukas ang pinto ng elevator.

Nang bumukas na ito ay pumasok na siya. May pumasok pang 5 kaya naman napunta siya sa bandang dulo. Nang papasara na ang pinto ay biglang may dumaan na nars na may tulak tulak na stretcher. Nabigla si celine ng sulyapan niya ang lalaking nakahiga dito.

"Imposible", bulong niya sa sarili niya.

Agad na naglakad si Celine papalabas ng elevator ngunit huli na ang lahat. Sumara na ito at bumaba.

Nang bumukas na ang pinto ay agad itong tumungo sa may counter. Inilapag niya ang basket na may prutas sa lamesa at ibinilin ito sa may nars. Nang makatalikod na siya ay agad itong sumulyap muli sa may nars.

"Uhm. Excuse me, may bagong pasyente po ba ang naisugod dito?", tanong niya.

"Meron po mam. Bakit po?, tanong ng nars.

"Alam niyo po ba ang pangalan ng pasyente?", tanong pa ni celine.

"Wait lang po mam, titignan ko lang po. Ah mam, Kiel Straus po ang pangalan niya", sagot ng nars.

"Kakasugod lang po ba sa kanya? O matagal na po ba siya dito?", tanong pa ni celine.

"Base po sa log book, isang araw na po ang nakalipas ng maisugod po siya", sagot ng nars.

"Pwede kopo ba malaman ang room number niya? Please", pakiusap ni celine.

"Pasensiya napo talaga mam. Confidential po kasi ang bagay na iyon. Tanging kapamilya lamang po ng pasyente ang may karapatan na malaman iyon. Sorry po talaga mam", sambit ng nars.

"Hindi po. Ayos lang po iyon. Sige po, maraming salamat po ulit", tugon ni celine.

Naglakad na nga palabas ng ospital si celine. Pumara na siya ng jeep at sumakay. Nang maka uwi na siya sa kanila ay agad itong dumeretso sa kama niya.

"Kiel.. Kiel pala ang pangalan niya", sambit niya habang nakatitig sa kisame nila.

Maya maya pa ay napapikit na ito at nahimbing na.

( Kinaumagahan )

*buzzz.. Buzzz... Buzzzz....

Dali daling pinatay ni celine ang alarm clock niya. Maya maya pa ay umupo na ito at kinuskos ang mata niya. Maluha luha ang kanyang mata matapos niyang maghikab. Tumayo na ito at naglakad pababa ng hagdan.

"Oh Celine gising kana pala? Halika na rito at kumain kana. Ano bang meron ngayon at ang aga mo?", tanong ng mama niya.

"Po? Ano po bang araw ngayon ma? At tsiyaka nasan si papa?", tanong ni celine.

"Sabado ngayon. Umalis yung papa mo, nagpunta sa lola mo. Bakit mo naitanong", tanong ng mama niya.

"Hala! Sabado ngayon ma? Ngayon pala kami gagala ni mimi", sagot ni celine sabay tayo.

"May gala ka pala. Eh bakit hindi ka nagpapaalam?", sambit ng mama ni celine sabay taas kilay.

"Sorry na ma. Sige na po pumayag na kayo. Nakalimutan kopo kasi kagabi eh. Ma please", pakiusap ni celine.

"Ngayon lang to huh", sagot ng mama niya.

"Thank you ma! I love you po!", masayang sagot ni celine sabay yakap sa mama niya.

"Oh siya. Bago ka umalis ay kumaen ka muna", wika ng mama niya.

"Opo ma", sagot ni celine.

FalseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon