False

13 0 0
                                    

Chapter 9: The beginning of everything

Sa pagsambit ni celine ng "tara na" ay dahan dahan ngang tumayo si jake at kinuha ang gamit niya. Naglakad na sila palabas ng school at naglakad na pauwi.

"Mabuti nalang at walang pasok ngayon. Wohoo! Salamat talaga", sambit ni jake.

"Bakit nga ba walang pasok?", tanong ni celine.

"Seryoso kaba? Di mo talaga alam?", takang tanong ni jake.

"Itatanong koba kung alam ko. Hay nako jake!", inis na sambit ni celine.

"Sorry na.. Mapapatawad mopa ba ako?", sambit ni jake.

"Oo na.. Oo na.. Tigilan mona yang pag be beautiful eyes mo.. Di bagay eh", sagot niya.

Nang malapit na silang tumawid ay biglang hinawakan ni jake ang kamay ni celine. Nagulat si celine at napatingin kay jake.

"Bakit?", tanong ni celine.

"Mauna kana muna.. Kasi, may bibilihin nga pala ako .. Mag iingat ka huh.. Wag kang tatawid mag isa", bilin ni jake.

"Sige, ingat ka", tugon ni celine.

Nang makaalis na si jake ay biglang may naalala si celine.

"Mag iingat ka huh.. Wag kang tatawid mag isa"

Napahawak sa ulo si celine at napakamot. "Bakit ganun? Sinabi niya narin sakin yun kagabi sa panaginip ko. Bakit kaya? Ang gulo gulo naman haist!", inis na sambit niya.

Nang mapatingin si celine sa stop light ay bigla itong nataranta. Dali dali itong tumakbo patawid. Nang malapit na siya sa kabilang dulo ay biglang nag Go ang stop light. Mabilis na nagsi-andar ang mga sasakyan at habang natakbo siya ay bigla na lamang may tumulak sa kanya.

*Bbuuuuugssssshhh!

Nagulat si celine sa pangyayaring ito at di na niya nagawa pang tumayo. Dahil sa dami ng tao na pumalibot sa nasagasaan ay di niya halos makita ang mukha nito.

*Wang wang wang wang*

Nang maka alis na ang ambulansiya ay tsiyaka lamang siya natauhan sa mga nangyare. Agad siyang sumakay ng jeep na patungo sa ospital. Nang makarating na siya ay umupo siya sa upuan sa tabi ng emergency room.

"Anong gagawin ko? Bakit kailangang may maaksidente pa para lang sa mga kapabayaan ko. Bakit ba nanyayare to? Bakit ganito..", maluha luhang sambit niya.

"Uhm.. Excuse me .. Kilala niyo po ba ang pasyente?", tanong ng doktor.

"Hindi po pero sinagip niya po ako. Ano na po ba ang nangyare sa kanya?", tanong ni celine.

"Maayos naman na siya", sagot ng doktor.

"Mabuti naman po. Salamat po dok."

"Mabuti pa at umuwi kana. Kami na ang bahala sa kanya", wika ng doktor.

"Sige po. Salamat po ulit dok."

Nang maka alis na si celine ay napabuntong hininga ang doktor. Umiling iling ito at napahawak sa ulo niya.

FalseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon