False

18 0 0
                                    

Chapter 13: Confusion

Isang araw na ang nagdaan subalit hindi parin nagigising si Celine. Halos mamaga na ang mata ng ina ni celine habang hawak hawak ang kamay nito.

*knock.. Knock..

Binuksan ni Doctor Alvarez ang pintuan at tinapik ang balikat ng ina ni celine.

"Doc. Kailan po ba magigising ang anak ko?", tanong ng ina ni celine.

"Ipayapa niyo po ang isipan at puso niyo, ipagdasal na lamang po natin na magising na siya", malumanay na sagot ng doktor.

"Sana talaga magising na siya. Celine.. Mahal na mahal ka ng mama.. Gumising kana huh", sambit nito sabay luha.

"Mabuti pa po ay iwanan na lang po muna natin siya. Magpahinga na po muna kayo. Magigising rin siya", sambit ng doktor.

Tumayo na nga ang ina ni celine at lumabas ng pinto. Lumabas na rin ang doktor at isinara ang pinto.

Sa paglipas ng oras ay nagsimula nang dumilim ang paligid, ang maliwanag na sinag ng araw ay napalitan na ng kadiliman. Ang mga yabag ng paa at tunog ng rumaragasang gulong ng stretcher ay napalitan na ng katahimikan.

"Celine.. Gumising kana.."

Paulit ulit itong naririnig ni celine. Mula sa kamang hinihigaan niya ay dahan dahan siyang napadilat. Malabo ang nakikita niya at halos wala narin dahil sa kadiliman. Pilit niyang nililinawan ang paningin subalit malabo parin ito. Dahan dahan siyang tumingin sa kama na malapit sa kama niya, subalit wala siyang nakita na nakahiga. Tumingin siya sa katawan niya at nakita ang napakadaming benda na nakapalibot sa kanya. Sinubukan niyang igalaw ang katawan niya , kaya lang hindi niya nagawa.

"Bakit nasa ospital na naman ako?", tanong niya. (Sa isip lang)

Muli niyang sinulyapan ang kama sa tabi niya at nagulat siya.

"K...i...e...l", hirap na sambit niya.

"Gising kana pala", sambit nito sabay ngiti kay celine.

Sasagot na sana si celine ng pigilin siya nito. Napatingin si celine sa mata nito at gayundin naman ang binata. Ngumiti muli siya at sinabihan si celine na matulog na ito at magpahinga upang gumaling na siya.

FalseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon