False

23 0 0
                                    

Chapter 8: Glimpse

Sa bawat hampas ng hangin at sa bawat kabog ng kanyang puso, dahan dahan ngang humarap si celine sa kanyang likuran.

"Para ka namang nakakita ng multo", sambit ni jake.

Bahagyang nalungkot si celine at napabuntong hininga.

"Akala ko naman kung sino.. Ano bang ginagawa mo dito?", tanong pa niya.

"Edi sinusundan ka.. Bigla kaba naman kasing tumakbo. Kala ko kung ano na eh."

"Teka.. Ikaw lang ba ang sumunod sa akin?", tanong ni celine.

"Nauna na si bryan.. Tumawag daw kasi ang kuya niya eh.. Nagpapasundo sa airport"

"Ah ganun ba.. Oh sige.. Halika na"

"Mabuti pa nga", sagot ni jake sabay baba sa hagdanan.

Muling tumanaw si celine sa buong paligid. Para bang inuusisa niya ng mabuti ang bawat lugar na pwedeng labasan ng lalaki na nakita niya.

"Celine! Halika na, pagabi na. Baka masarahan pa tayo ng gate", sambit ni jake.

Dali dali ngang bumaba sa rooftop sina jake at celine, subalit ng medyo  malapit na sila sa pinto ay may narinig silang tunog na parang kadena.

"Hala! Jake dalian na natin! Baka kinakadena na nila ang pinto?!", bulyaw ni celine.

"Bilis celine.. Dalian pa natin!", wika ni jake habang hingal na tumatakbo papunta sa entrance door.

*click.. Click.. Click

"Hindi tayo umabot jake!", tarantang sambit ni Celine.

Teka.. Kumalma ka muna.. Wait lang.. Hinga.. Isa, dalawa..."

"Paano ako kakalma?! Nakulong tayo jake! Alam moba ang sitwasyon?!", bulyaw niya.

"Teka nga lang kasi celine.. Ako ba ang nagsabi na ilock nila ang pinto?.. Wag mo nga pairalin ang init ng ulo mo.. Parehas lang tayong may mali. Kung hindi ka sana umakyat dun edi sana nasa bahay na tayong dalawa. Walang dapat sisihin. Sumunod din kasi ako at nag usisa pa. Pinanood pa kita. Kaya kumalma ka muna. Chill!", paliwanag niya.

FalseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon