False

45 2 0
                                    

Chapter 1 : Incident

Tahimik ang paligid. Wala kang maririnig kung hindi ang dextrox na nakasabit sa may gilid.

*tuuuuuuut........ tuuuuuuut........

Matapos ito marinig ng mga nars na nagkalat sa gilid ay dali dali silang nagkumpulan.

" tawagin niyo si Doc.! Madali kayo! Nag aagaw buhay na ang pasyente na ito!", bulalas ng isang nars.

Matapos ang ilang sandali, ay dumating na nga ang doktor. Bakas sa mukha nito ang labis na pangamba at pagkatakot. Tinurukan niya ng gamot ang tube na nakakonekta sa dextrox ng pasyente.

*Tut tut.. Tut tut.. Tut tut.. Tut tut..

"buti na lamang at naagapan natin siya. Nasaan naba ang pamilya ng pasyente na ito?" tanong ng doktor sa mga nars.

*BLAGSSSSHHHH!

"Nasaan na ang anak ko?!" bulyaw na sambit ng ina ng pasyente.

"Kayo po ba ang ina ng pasyente?", tanong ng doktor.

"Oho, ano na po ba ang nangyari sa anak ko?. Maayos naman po ba siya?", magkasunod na tanong ng ina.

"Pansamantala lamang po ang ibibisa ng gamot na itunurok ko sa kanya. Ikinalulungkot kopo, masyado nang nadamage ang puso niya. Kung hindi papo natin siya maooperahan ngayon ay mamamatay na siya", malungkot na wika ng doktor.

"Kunin niyo na ang puso ko", wika ng isang pasyente.

Bahagyang natahimik ang paligid matapos nilang marinig ito.

"Mamamatay narin naman ako, kunin niyo na lang ang puso ko. Kung hindi niyo pa gagawin ang operasyon ngayon ay manganganib na talaga ang buhay niya! Bilisan niyo na! Kunin niyo na ang puso ko!" wika muli nito.

Dahil dito ay tinurukan na nga ng doctor ang pasyente at ang isa pang pasyente. Bago pa pumikit ang pasyenteng ito ay sinambit niya muna ang katagang ito, "magiging maayos din ang lahat, ako na ang bahala sa kanya".

Matapos na sambitin ito ay tuluyan na ngang isinagawa ang operasyon. Pinalabas na ng doctor ang ina ng pasyente at dinala sila sa Emergency Room.

Ilang oras pa ang lumipas bago matapos ang operasyon, kabadong kabado na talaga ang ina nito.

Maya maya pa ay bumukas na ang pinto. Agad na sinalubong ng ina ng pasyente ang doktor.

"Kamusta po doc.?, ano na po ang balita? Maayos napo ba ang anak ko? Mabubuhay papo ba siya?", maluha luhang sambit ng ina ng pasyente.

"Maayos po ang operasyon. Magpasalamat na lamang po tayo at dinonate ng pasyente na yaon ang puso niya", magiliw na tugon ng doktor.

FalseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon