False

25 0 0
                                    

Chapter 10 : The beginning of everything Part 2

(After 2 months)

"Celine gusto mobang gumala sa sabado?", tanong ni mimi.

"San naman tayo pupunta?", tanong ni Celine.

"Basta! Ano? Sama kaba? Dali na.. Sama kana..", pangungulit ni mimi.

"Oo na sige na.. Sama na ako.. Tayo lang ba?", tanong pa niya.

"Hindi.. Kasama natin si jake at bryan", sagot niya.

"Ok.. Sige.."

*tentenenenenennnnnn*

"Halika na.. Uwi na tayo celine", anyaya ni jake at bryan.

"Pasensiya na .. Kasi may dadaanan pa ako.. Mauna nalang kayo", sagot ni celine.

"Samahan kana namin?", sabi ni jake.

"Hindi na.. Sige na, mauna na kayo. Sa susunod nalang tayo mag sabay. Sorry talaga jake at bryan", malungkot na sabi ni celine.

"Hayaan mona jake. Oh siya. Sige mag ingat ka celine. Pag may nangyare sayo, wag naman sana, tumawag ka kaagad samin huh", wika ni bryan.

"Makakaasa kayo. Salamat bryan"

Tuluyan na ngang umalis sina jake at bryan. Kinuha ni celine ang cellphone niya at tumawag sa ospital.

*kringgg.. Kringgg..*

"Hello?"

"Hello. This is M.A.H Hospital"

"Uhm.. Magandang hapon po. Nandiyan po ba si Doc. Alvarez?"

"Uhm.. Wait lang po mam checheck kolang po.."

"Sige po"

"Mam, nandito pa po siya"

"Ah. Pwede niyo po bang ibigay sa kanya yung phone?"

"Sige po mam"

"Hello?, this is Doc. Alvarez. Who's this?"

"Uhm.. Ako po yung babae.. Yung niligtas po nung isang pasyente diyan. Yung nasagasaan po"

"Ahh! Ikaw pala yan. Bakit ka pala napatawag?"

"Uhm.. Tatanong ko lang po sana kung nadischarge napo ba siya?"

"........"

"Doc.?"

"Hindi pa siya na didischarge. Medyo lumala kasi ang kundisyon niya"

"Po? Doc. Pupunta po ako ngayon sa ospital pwede niyo po ba akong antayin?"

"7pm pa naman ang out ko. Oh siya sige. Ingat ka"

"Thank you po doc."

*tutt tutt tutt tutt*

Ipinasok na ni celine ang cellphone niya sa bulsa niya at naglakad na palabas ng school.

Habang naglalakad si celine ay nakakita siya ng bakery shop. Pumasok siya rito at bumili ng tinapay. Dumaan rin siya sa bilihan ng mga prutas at bumili ng isang basket ng mansanas,orange at iba pa.

Ilang oras pa ang lumipas at narating na ni celine ang ospital. Dumeretso siya sa counter at kinausap ang nars na naroon. Maya maya pa ay dumating na si Doctor Alvarez.

"Magandang gabi po Doc."

"Magandang gabi din ija. Bakit ka nga pala nagpapaantay? Bibisitahin moba siya?"

"Uh.. Opo.. Pwede ko po ba siyang puntahan?"

"Oo naman.. Para ba sa kanya yan?

"Ah opo. Doctor Alvarez eto po. Para po sa inyo itong tinapay. Salamat po sa pag aalaga niyo sa kanya"

"Napakabait na bata. Salamat. Oh siya tara na"

Habang naglalakad sila ay bigla na lamang...

"Doc.! Kailangan po namin kayo sa emergency room! Halika napo Doc.!", sambit ng isang nars.

"Sino ang nasa emergency room?"

"Yung pasyente po sa room 204", sagot ng nars.

"Nako iha kailangan ko munang umalis. Yung nasa emergency room. Ayun yung lalaki na sumagip sayo. Pasensiya na. Mauna nako. Tara na", wika ng doktor.

FalseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon