Chapter One

5 1 1
                                    

Naranasan niyo na bang magmahal ng sobra sobra? Minsan umaabot talaga sa puntong masasaktan ka diba? Sabi nga nila kung mahal mo talaga ang isang tao dapat marunong kang magsacrifice, yung tipong kahit sobrang sakit na pero hindi mo parin siya maiwan-iwan... yung tipong kahit sobrang dami ng mga flaws niya mamahalin at mamahalin mo parin siya ng buong-buo at hindi magbabago ang paningin mo sakanya.

Ako nga pala si Katrisha Arabella. Isang Freshman student sa University of *toot*. No Boyfriend Since Birth! Di ko lang alam kung sadyang panget ako kaya walang pumapatol eh. Haha joke lang. Man hater kasi ako nung elementary ako... Kapag nalaman kong may gusto ka sakin di na kita papansinin. Sorry ang mean ko nun.

Well, Kidding aside, eto na ako papasok ng school. Nakakaexcite kasi first day ko ngayon bilang isang high school student. At the same time nakakakaba din...

Pagpasok ko ng room ko sobrang tahimik. Nakakabasag ng eardrums yung tahimik. Hahahah. Then may pumasok na guy... And I was like 'WHOOOAAHH ang panget' di joke! Di naman siya ganun kagwapo pero may sparks kasi. :''>

Syempre first day of school... pinaka-ayaw ko sa buong mundo... INTRODUCE YOURSELF. Hay, kaya nga nauso ang name tag para matutong magbasa eh. First teacher namin yung English teacher kasi siya yung adviser namin, ang concept niya dapat pag nagintroduce ka maglalagay ka ng adjective na nagsisimula sa same letter kung saan nagsisimula name mo. Pano ako? K!! 4 kaming letter "K" ang simula ng pangalan. Ang alam ko lang Kind at Kind-hearted, Bawal pa naman umulit... pero wait tama na muna pagiisip, Si guy na yung magsasalita.

"Good Morning Classmates, I'm Energetic Edward" sabi niya habang ako tulala sakanya. Edward pala... Sana ako nalang si Bella... ANO TO?! TWILIGHT?! Pero syempre joke lang yun! Di ko namalayan na ako na pala.

"Good Morning Classmates, Kind-hearted Katrisha here!" sabi ko ng may halong kaba. Di panaman ako nakikinig kanina, di ko tuloy alam kung nasabi na. Haha!

"Ok very good! Natapos din ang Introduction..." sabi ng english teacher namin.

Ilang teachers sa ibang subject na ang nakadaan. Nakakatamad nang makinig. Paulit-ulit lang sila ng mga sinasabi. Puro requirements and all... pero biglang...

*RIIIINNNGGGG*

YYYEESS!! Bell naaaaa... UWIAN NA!!! YEEEEEESSSSSS!!! I'm so excited to go home!! Haha. Nakakatuwa, makakauwi na ako!!! Buti nalang half-day ngayon.

Kasama ko yung ninong at mga kinakapatid kong umuwi. Nakakatuwa nga kasi parang pamilya ko na rin sila kung tutuusin.

Pagkarating ko sa bahay. Darecho agad ako sa SM Molino. Syempre bibili ng requirements gamit pera ko! Hahah! Medyo humagin. Well, paguwi ko. Tinatamad pa akong gawin yung mga home works ko. First day na first day kung ano anong index card ang pinapagawa.

Dahil napaka-sipag kong estudyante, syempre nagfacebook muna ako. Haha. A-add ko pa yung mga new found species of friends ko. Pero may friend request ako. Si Ed Rivera. Ay. Akala ko pa naman si Edward. Nakakabadtrip naman. Inaccept ko nalang tapos naglog-out ako. Nawala kasi ako sa mood akala ko siya yun di pala. No choice tuloy ako kundi gumawa ng mga index cards ko.

*kinabukasan*

Half-day parin kami!!! Yeheey! Mahal ko na tong school ko! laging half-day.

Same routine nanaman ibang set of teacher naman. Kaya lang malala, yung 'introduce yourself session' namin sa science may talent portion! Ano gagawin ko?! Aabangan ko muna yung iba! Wahahaha! I MEAN AABANGAN KO MUNA SIYA! HAHA!

Well, wag niyo na alamin ang ginawa ko kasi mauubos na dignidad ko. Huhu.

Last teacher pala namin ngayon yung Adviser namin, si Sir Edel. Tapos... WHAT?! Nagpalit-palit kami ng sitting arrangement! Buti nalang nasa harap ko yung mga kaibigan ko. Kundi. I'm dead. Boy-Girl-Boy-Girl ang sitting arrangement namin.

4 years and still countingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon