Ano kayang pwedeng gawin para makalimutan ko na siya? Ano sa tingin niyo? Mahirap diba? Papasok na ako sa school nang may nagtext sakin...
Ed Rivera: Good Morning Trish!
Me: Good Morning din.
Syempre kilig naman ako haha. Ikaw kaya batiin ng good morning ng crush mo haha.
Ed Rivera: Kilala mo si Andrea Bautista?
Me: Oo, ata. Yung taga Section C?
Ed Rivera: OO YUN grin emoticon
Me: Bakit ano meron?
Ed Rivera: Malapit ka na ba sa school?
Me: Oo, Bakit?
Ed Rivera: Dito nalang natin pagusapan. smile emoticon
Me: Ok.
Pagdating ko sa school siya agad sumalubong sakin. Syempre pang good vibes na agad yun. Buo agad araw ko. Haha.
"Trish! Trish! Trish!" tawag niya sakin nang may halong excite. Ano kaya problema nito? Haha.
"Bakit? Hyper mo" sabi ko habang medyo natatawa ng konti.
"Kilala mo nga siya?" ano ba meron kay Andrea? Nako di kaya... PATAY. Biglang nagbago mood ko.
"Si Andrea? OO NGAAA! Kulit." Sabi ko nang may halo ng irita.
"Balak ko kasi siyang ligawan." Sabi niya habang may malaking ngiti. Parang may kung anong sumabog sa puso ko nun. Masakit diba? Hay. Sabi ko na dapat matagal ko nang inalis tong nararamdaman ko para sakanya.
"ahh. Ganun ba? Ha-ha-ha. Goodluck nalang." Nawalan ako ng gana makipagusap sakanya. Kasi masakit.
Crush palang nasasaktan na ako. Pano pa kaya kapag minahal ko na siya. Di ko na dapat patagalin pa to... dapat tapusin ko na. Nanghihina ako. Dahil sa nalaman ko nawalan ako ng concentration ngayon sa mga discussions. Hanggang sa dumating yung time na di ko na talaga kayang pigilan pa.
"Excuse me Sir Dexter, May I go to the comfort room?" tanong ko sakanya.
"Yes you may." Sagot naman ni sir. YUN! Buti nalang kasi kundi sasabog na luha ko dito... hay.
Pagdating ko sa C.R iyak agad inabot ko. Grabe buti di ganun namula mata ko kakaiyak. Nung ready na akong bumalik ng room nag-one last look pa ako sa salamin. Hay. game.
Bumalik na ako sa room ko. Pero wala talaga akong gana makinig. Yung tipong tawa na sila ng tawa dahil sa mga jokes ni sir tapos ako nakatulala lang. pano ba naman kasi sabi ko pa naman buo na araw ko tapos biglang nasira.
Malapit na mag third quarter. Ibig sabihin malapit na ulit maglipatan ng upuan. Sana medyo malayo ako sakanya para di ako nadidistract. Kasi parang ang saya-saya niya lagi. Parang lagi siyang walang problema.
Di ko namalayan na P.E na pala. Taekwondo na! Di nagP-PE si Ed kasi athlete siya. Kaya nanonood lang sila nun. Since malapit na matapos yung quarter. Announcement na ng mga Projects . Ang Project namin sa P.E ay POOMSAE demonstration. Sasayaw kami gamit ang mga taekwondo moves. Swerte nga naman kasi kagroup ko yung mga kabarkada ko.
Nakakatuwa kasi sasayaw kami. Hilig ko kasi yun. Ako rin nagremix ng gagamitin naming music. Pinaghalo namin ang ballet at hip-hop kaya medyo mahirap pero masaya. Nakakahiya kasi manonood ang mga athletes. Haha. Si Andrea naman ang papanoorin niya eh.
RULE NUMBER 2: KUNG AYAW MONG MASAKTAN, PIGILAN MO NA ANG NARARAMDAMAN MO HABANG MAAGA PA.
�A�P�Y=u�JW
BINABASA MO ANG
4 years and still counting
RandomA diary of a hopeless romantic girl finding her path to find true love.