Habang tumatagal na magkatabi kami. Mas lumalalim yung pinagsamahan namin pati memories namin. Sa lahat ng mga stories na napagkwentuhan namin parang kilalang-kilala na namin ang isa't –isa. Sana di na matapos tong closeness na to. Sana di na to magbago.
Siya yung taong marunong umintindi sa kahit anong problemang sasabihin ko. Siya yung taong nakakapagpasaya sakin tuwing nalulungkot ako. Siya yung taong nageencourage sakin na ituloy yung buhay ko. In short, siya yung taong laging nandiyan sa tabi ko.
Sa loob ng ilang buwan di natanggal yung nararamdaman ko sakanya. Siguro nararapat na rin namang aminin na mahal ko na nga siya. Pero di na ata dapat ipilit pa. kasi kahit anong mangyari may mahal siyang iba,
Gulong-gulo na ako sa mga dapat kong gawin. Nagiisip ako ng dapat kong gawin para makalimutan ko siya..
"Sino gusto sumali sa play para sa grade ko. Sa PNU gaganapin. May incentives yung mga sasali." Sabi naman ni Sir Edel.
Bigla ko namang naisip na libangin ang sarili ko. Siguro tama to para makalimutan ko siya. Ako at yung mga friends ko sumali kami sa play ni sir. Every uwian may practice kami and nagiging masaya naman. Nakameet ako ng mga bagong species ng friends ulit.
*Practice Day #1*
Eto na, first day of practice namin ngayon para sa play ni sir na "Tabo" haha. Nakakatuwa kasi lahat kami may tabo. Nakakaloko din yung mga songs. Lol.
Nagchochoreograph siya ng mga sayaw namin. Tawa ka ng tawa sa mga pinaggagagawa namin haha. Barkada namin yung pinakahyper sa lahat kasi yung mga taga-Section B medyo tahimik sila. smile emoticon
Pauwi na ako nang pumasok nanaman sa isip ko si Ed. Pero mas ok na pala tong ganito kasi di ko siya gaanong naisip tuwing practice. Siguro makakalimutan ko rin siya kapag tumagal to. Sana, sana talaga.
*a week after*
Sa Saturday na pala yung play, Maraming days narin kami nagprapractice M,W, F kasi yung sched namin. Nakakatuwa kasi habang tumatagal yung practice namin lalong tumatagal yung mga pinagsamahan namin at di ko na siya gaanong naiisip pa. Nakakamiss din naman pala yung kakulitan niya. Pero kailangan ko rin to para mawala yung pagmamahal ko sakanya.
*Saturday*
OK!!! DAY NA NG PLAY NAMIN SA PNU!!! smile emoticon Sana di maging fail para kasi to sa grade ni Sir Edel. Excited na ako!!! Pang-bahay lang yung costume namin at medyo comedy yung play kaya medyo nakakatuwa talaga! Haha!
"Good luck guys!!! Start na ng play natin!! smile emoticon! Break-a-leg!" sabi naman ni Sir Edel.
So eto na start na ng play. Yung role ko kasi dun medyo maarte! Ahaha! Ka-excite na nakakakaba! smile emoticon so here we go!!!
*PLAY*
"Eh kung maligo kaya kayo! Amoy matanda!" sabi ni Isaiah isa sa mga cast namin sa play.
"Eh wala ngang tubig eh! Ang kulit ng lahi mo!" sabi ko. favorite line ko to!
"Eto pa! amoy... sunog... amoy nasusunog... amoy... SUNOOGGG!!" sabi ni Isaiah.
"SUNOG?! AAAHHH!! SUUNNOOOOGGG!" sigaw naming lahat! Tapos nagtakbuhan kami kasi yun yung sabi ni Sir Edel nung practice namin. Dahil nga comedy siya. Napeke-pekean na nadapa si Gabriel eh ako kasunod niya nun kaya nadamay ako sa pagkadapa ng wala sa oras nun. Ang sakit kaya. frown emoticon
Sa wakas tapos na rin ang play.. Nakakatuwa kasi successful daw sabi ni Sir Edel! At least, napasaya namin siya at natulungan siya sa grades niya. Nagbihis na kami at nagbong kaming mga cast. Commute lang kami papuntang PNU at pabalik ng school namin. Libre din ni Sir Edel pati lunch namin nun. Super enjoy talaga.
Bago kami umalis ng PNU nagpicture-picture muna kami. At paglabas namin ng theater. Naghihingian na sila ng number. Hiningi nila mae at shena yung number ko. Hanggang sa may isang guy na nanghingi ng number ko. di ko siya kilala.
"Ano number mo?" sabi niya.
"0917 *******" sabi ko pero mabilis ata yung pagkakasabi ko kaya hindi niya nasundan.
"Ano? Haha. Ang bilis. Type mo nalang pati name mo." Sabi niya sabay abot sakin ng phone niya.
"Oh eto na. text mo nalang ako tapos state mo yung full name mo para alam ko na ikaw yun at masave ko." Sabi ko sakanya habang binibigay yung number ko sa iba na nanghihingi pa.
"Oh yan natext ko na." sabi niya sabay ngiti.
Pagcheck ko sa phone ko may 1 message received nga.
FROM: 0923 *******
Hi! Dominic Villafuerte to.
So Dominic pala name niya ...
"Ok. Thank You Dominic." Sabi ko.
"No Prob. Nico nalang" sabi niya..
Pagdating namin ng school ko halos lahat nagsiuwian na. Ako, si Shena, Si Mae, at Si Nico nalang ang natira. Awkward kasi lahat sila taga Section B ako lang ang taga Section A. Pero di naman ako na-op. nag-kwekwentuhan kami ng biglang tumawag si mama.
"Mga 9:00 pm pa kita masusundo diyan." Sabi ni mama.
Hala OMG. Antagal nun. Isang oras pa akong magiintay dito.
"Osige. Bye." Sabi ko ng may halong lungkot.
"Trish, Dominic, Alis na kami ni Mae. Kailangan na kasi naming umuwi eh." Sabi nila. Aww.. patay sino makakasama ko? frown emoticon
"Ahh.. Osige. Bye. See you on Monday." Sabi ko nalang.
"Ikaw Trish? Anong oras ka uuwi?" tanong sakin ni Nico. Si Dominic at Nico ay iisa lang iba iba kasi tawag namin sakanya.
"Ako? Mga 9 pa daw sabi ni mama." Sabi ko sakanya ng may halong lungkot.
"Ah ganun ba? Upo muna tayo sa may tapat ng building natin?" alok niya sakin.
"Osige pagod na rin ako eh." Sangayon ko naman sa mga sinabi niya.
Habang papunta kami sa tapat ng high school building. Nagkwekwentuhan kami. Hindi siya mahirap kaibiganin kasi napaka-hospitable niya. Nakakatuwa kasi may nameet akong bagong friend tulad niya. Ewan ko lang pero napakacomfortable ko sakanya.
Ang dami na naming napagkwentuhan tungkol sa kung ano-ano at dahil sa dami nun. Nalaman ko na athlete din pala siya at pareho sila ng sports ni Ed. So that means kilala niya si Ed. What a small world.
"Tara D'cream tayo. Kilala ako dun, libre kita." Sabi niya.
Hala kahiya naman. Siya talaga manlilibre? Nakakahiya namang tanggapin kaso baka kapag tinangihan ko magalit to.
"Uhhm.. Nakakahiya naman. Next time nalang smile emoticon" sabi ko.
"Sige ah?! Next time ah!." Sabi niya sabay smile pabalik.
"Oo, promise." Sabi ko.
Bumilli siya ng D'Cream tapos bumalik na kami ng Hs building. Nasa gitna kami ng pinakukwentuhan namin nang biglang dumating yung parents niya. Time check: 8:30 pm palang. 30 minutes pa akong magiintay ng walang kasama. frown emoticon
RULE NUMBER 4: WAG MASYADONG MAGFOCUS SA GUSTO MO.
BINABASA MO ANG
4 years and still counting
RandomA diary of a hopeless romantic girl finding her path to find true love.