confessions and decision..

20 5 0
                                    

kinabukasan..pag kagising ni shane agad nyang pinuntahan si shanel sa kwarto nito para kausapin dahil nag isip sya nung gabi na iniwan nya ang mga kaibigan at kapatid na nagbabantay kay annie..ngayon buo na desisyon nya na iuwi sa kaharian nila ang kapatid kahit na labag pa sa kalooban nya

" kuya..pano kung matapos mapagaling ng inang reyna si bunso eh hindi na nya tayo pabalikin dito? alam mo naman na lahat ng gusto ni ama sinusunod nya di ba?" malungkot na tanong ni shanel

" hindi ko pa alam hindi ko iniisip yan ang iniisip ko sa ngayon ay ang maiuwin natin si annie sa kaharian kundi baka mamatay sya dito at hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari yun..basta pagkatapos magamot ni ina si bunso at kapag malakas na sya babalik tayo agad dito kahit na harangan pa nila tayo.." sagot ni shane dahil ang plano nya ay iaalis na muli ang kapatid sa oras na mapagaling ito ng kanilang ina..

" buti naman kuya pumayag ka na iuwi na muna natin si annie? samantalang kagabi ayaw na ayaw mo? anong dahilan at ang bilis yata magbago ng isipan mo?" tanong ulit ni shanel sa kapatid

" dahil naisip ko na mas tama kung iuuwi na muna natin sa bunso saka kuya nyo ako kaya dapat gawin ko ang nararapat kong gawin para sa inyo sa abot ng makakaya ko at gaya ng sinabi ko hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa bunso natin.." malungkot na tugon ni shane sa kambal nya..

" wag ka mag alala kuya magiging okay din si bunso pag uwi natin ng kaharian..sana nga lang wag na nila ituloy yung plano nila na ipakasal si bunso sa lalaking yun tsk! kung hindi lang sana nya sinaktan si annie hindi sana natin sya kailangan ibalik sa impyernong lugar na yun! bwisit talaga yang joseph na yan!" inis na sabi ni shanel..

" hayaan mo kambal darating din ang araw at magagawa nating upakan ang loko lokong yun..sa ngayon tara na mag almusal na tayo dahil mamaya lang aalis na tayo..pero bago tayo umalis may gagawin lang muna ako gusto ko kasi makadiguro na may babalikan pa ako pag balik ko dito" nakangiting sambit ni shane kaya nagkaroon ng idea si shanel kung ano yun

" nako kuya alam ko na yan ah..wag mong sabihin na manliligaw ka na kay jen?" nakangiting sabi ni shanel

" alam mo na pala eh nagtatanong ka pa wag kang ano jan! saka oy wag kang maingay ah mamaya hindi ako sagutin nun eh" saway ni shane sa kapatid

" oo na po kuya hindi na po ako mag iingay haha" si shanel sa kapatid saka lumabas na ng kwarto nya..

samantala si nicky at si aaron naman nasa kwarto ni annie sila kasi ang nagbantay kagabi..natutulog si nicky ng bigla na lang may humawak sa kamay nya bagay na nagpagising sa kanila ni aaron..

" babe..kamusta pakiramdam mo okay ka na ba?? gusto mo ba kumain?" tanong ni nicky ng makita nyang dumilat ang mga mata ni annie bagaman nakakapagsalita man sya pero hindi nya magawang kumilos dahil hanggang ngayon nanghihina pa rin ang buo nyang katawan...

" nanghihina pa rin ako pakiramdam ko ano mang oras parang bibigay na yata ang katawan ko" mahinang sambit ni annie..

" hindi wag mong sabihin yan...alam mo naman nasasaktan ako pag nakikita kitang ganyan eh wag ka mag alala makakahanap tayo ng solusyon at babalik din sa dati ang lakas mo" sagot ni nicky habang hawak nya ang isang kamay ni annie..

" tama si nicky,,annie sa ngayon kailangan mong kumain para naman magkaroon ka ng lakas kahit konti lang ito oh nagpakuha ako ng sopas kay ate julie kainin mo muna habang mainit pa" si aaron..

" babe please sige na kumain na ka na muna kahit konti lang isang araw ka na ring hindi kumakain eh lalo ka manghihina nyan eh" pangungumbinsi ni nicky sa kasintahan

magic of love (westlife fancfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon