missing each other..

15 3 0
                                    

note: mag pov muna sila ah pagod na tumalak si miss A hahaha

annie's pov

ilang araw na lumipas simula nang umuwi kami ng mga kapatid ko dito sa kaharian namin magaling na rin ako dahil sa tulong ng aking inang reyna pero, hindi dahil dun at hindi ibig sabihin nun na pinagaling ako ng dugo nya ay papayag na ako sa kagustuhan nila ng amang hari na pakasalan ko si joseph..

" ehem! mukang malulunod yata ako dito ah.." si kuya shane di ko namalayan nakalapit na pala sya sa akin

" kuya kailan ba tayo aalis dito? ayoko nang magtagal dito dahil habang nandito ako hindi ako matatahimik lalo pa at alam ko na ngayong nakabalik na ako dito palihim na pinaplano ng mga magulang natin ang kasal namin ni joseph" sagot ko eh totoo naman eh kahit di nila sabihin alam ko na palihim silang kumikilos..

" sus kunwari ka pa eh..di mo na lang sabihin na namimiss mo si nicky mo eh pero wag ka mag alala bunso humahanap lang kami ng tyempo saka tayo aalis ulit dito " nakangiting sagot ni kuya sa akin..pano pa kaya nya nakukuhang ngumiti sa kabila ng pagkakalayo nila ni jen?

" kuya ikaw ba hindi mo ba namimiss si jen? kasi kung makangiti ka jan eh parang okay lang sayo tong mga nangyayari eh?" tanong ko kay kuya para kasing okay lang sa kanya kahit magkalayo sila ng kasintahan nya eh..

" syempre namimiss ko naman yun mahal ko yun eh at gustong gusto ko na sya makita at makasama ulit...kaya nga pinipilit ko na makahanap ako ng paraan para makaalis tayo dito eh ikaw ba? alam ko naman miss na miss mo si nicky eh" sagot nya sa akin

" oo sobrang miss na miss ko na yung mokong na yun kung pwede nga lang sana ngayon mismo aalis na ako dito kahit di ko kayo kasama..kaso nga lang hindi pwede dahil siguradong maraming nakabantay" sagot ko naman simula kasi ng bumalik kami dito naging mahigpit na ang pagbabantay ng mga kawal lalo na sa akin dahil yun ang bilin ng amang hari..hayst ang hirap ng ganitong buhay!

" okay lang yan malapit na din naman kayong magkita eh basta maniwala ka lang sa akin makakaalis tayo dito gaya ng dati na hindi nila nalaman.nalaman man nila pero huli na nakaalis na tayo nauna ka nga lang sa amin" determinadong sagot ni kuya sa akin

" hay! bakit ba kasi nanging imortal pa tayo mas gusto ko pa ngayon na sana pinanganak na lang tayong mga mortal hindi yung ganito ang hirap ng ganitong buhay may gusto kang gawin hindi mo magawa dahil maraming matang nakamasid sayo..gustong gusto mong makasama yung taong pinili mong mahalin hindi rin pwede dahil may humahadlang tsk!" inis na tugon ko eh pano naman kasi gustong gusto ko na makita ang mahal kong si nicky miss na miss ko na yun kaso hindi naman ako makaalis sa impyernong lugar na to!

" yaan mo konting tiis na lang kapatid makakahanap din tayo ng paraan para makaalis dito..dahil alam ko rin naman na namimiss ka na rin ni nicky kaya lahat gagawin natin makaalis lang dito.." sagot nya ng biglang may lumapit sa amin na kawal at..

" paumanhin po mga kamahalan kung naistorbo ko ang inyong pag uusap pero mahal na prinsesa nais po kayong makausap ng mahal na hari" ang kawal sa akin kaya di na ako nagtanong dahil alam na alam ko na kung anong pag uusapan namin ng amang hari tsk!

" sige na wag ka na sumingangot jan halika sasamahan kita..tara na baka magalit pa si amang hari pag pinaghintay mo sya pag nangyari yun lalo lang nyang ipagpipilitan sayo ang gusto nya bagay na ayaw mong mangyari hindi ba? kaya tayo na" si kuya shane kaya wala na akong nagawa sumunod na lang ako..

........................................................................................................................................

nicky's pov

kamusta kayong lahat? ako ito namimiss ko pa rin ang aking mahal na si annie hay kailan kaya sila babalik dito?? miss na miss ko na sya eh gustong gusto ko na sya makasama kung pwede nga lang sana puntahan ko na sya sa kaharian nila eh ginawa ko na..kaso hindi pwede eh dahil maraming pipigil sa akin panigurado na yan tsk...

" oy nakatulala ka na naman jan iniisip mo na naman si annie ano? ilang beses ba namin sasabihin sayo babalik yun kaya wag mo na sya masyado isipin tatanda ka nyan eh sige ka baka magmumuka kang unggoy nyan..pero di bali gwapong unggoy ka naman pag nagkataon..pareho ko gwapo din hahahah.." si justin tsk panira naman tong isang to nag eemote ako dito eh batukan ko kaya?

" ah ganun? ako gwapo katulad mo pero unggoy? eh di ibig sabihin nun unggoy ka rin? hahaha! oy ayusin mo nga mga sasabihin mo bago ka magsalita jan" natatawa kong sita sa kanya pano basta basta na lang nagsasalita di na nag iisip kung ano sasabihin nya

" sorry naman ikaw kasi kung makapag emote ka jan wagas akala mo naman di na babalik si annie..di ba nga nangako si shane sa atin na kahit na anong mangyari sa pagbalik nila sa kaharian nila gagawa at gagawa sya ng paraan para makabalik ulit dito? kaya wag ka na mag alala jan" sagot nya pero ewn ko ba hindi pa rin ako mapalagay lalo pa at alam ko na ano mang oras pwede pa rin syang ipakasal ng mga magulang nya kay joseph na yun

" alam ko naman yun pero syempre hindi mo naman maalis sa akin a mag alala sa kanya at higit sa lahat di mo rin maiaalis sa akin na mamiss ko sya ng sobra..eh pano kung isang araw may bigla na lang darating dito sasabihin sakin naikasal or ikakasal na si annie kay joseph..kaya natural lang din na mag alala ako lalo pa ngayon wala pa tayong natatanggap na ano mang galita galing sa kanila" paglilitanya ko sa kanya

" oo na! to naman pinagsabihan lang naman kita naglitanya ka pa ng super haba batukan kita eh namimiss mo lang si annie ang dami mo pang emote jan humanda ka pagbalik nun isusumbong kita hahaha" sagot nya haha asa naman syang maniwala sa kanya si annie haha

" yan ay kung papayagan kitang magsumbong..at kung maniniwala sya sayo hahaha.."sagot ko

" at bakit? ano ba sa tingin mo ang sasabihin ko kay annie? haha eh sasabihin ko lang naman sa kanya kung gano ka nawawala sa sarili mo habang wala sya dito at kulang na lang sundan mo sya dun sa kanila sa sobrang pagka miss mo sa kanya" si justin at pangiti ngiti pa tsk! babatukan ko talaga to!

" ewan ko sayo! iwan mo na nga ako dito! panira ka ng moment eh nag eemote ako dito singit ka ng singit jan batukan kita eh!" pantataboy ko sa kanya buti na lang umalis hahaha

hay ewan ko ba simula ng umalis sina annie ganito na ako mas gusto ko pa lagi na nag iisa ako kaysa may kasama eh sya lang naman kasi ang gusto ko na palagi kong kasama tapos yun bigla pang umalis dahil sa kagagawang ng joseph na yun hay,,,annie kung alam mo lang na sobrang miss na miss na kita sana nga bumalik ka na dito agad..ano ba to para na akong ewan dito makatulog na nga lang muna!..oh sya jan muna kayo matutulog lang ako saglit...

>>>to be continued<<<

a/n:

ay oh sobrang miss na nila isa't isa oh don't worry malapit na kayong magkita kung kailan hindi ko alam hahah...oh sya votes and comments na lang kung gusto..bey see yah next updates!!

love,,,

princess areeyah <3


magic of love (westlife fancfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon