magdadalawang araw na ang lumipas simula nung pagtangkaan ni joseph si annie na ibalik sa kaharian nila..at hanggang ngayon nanghihina pa rin ito di makalabas ng kwarto kaya nag alala na sila shane para sa kapatid..at napagdesisyonan na rin nila na sabihin sa ibang kasama nila ang tungkol sa pagiging di nila ordinaryong tao..
" guys may sasabihin sana kami sa inyo pero sana maniwala kayo sasabihin namin at wag nyo kaming pagtawanan" panimula ni shane
" ano ba kasi yung sasabihinb nyo sa amin? parang nakakaba naman yan shane" si jen although alam na nya na hindi ordinaryong tao sina shane pero wala syang idea na yun ang sasabihin nina shane sa kanila..
" oo nga kinakabahan naman kami sa inyo eh pwede ba sabihin nyo na kung ano man yang sasabihin nyo" si rachelle kasi kasama din nina shane sina kian at nicky kaya nagtaka sila sina brian mark hanny at mj hindi na lang umiimik kasi nga alam din nila ang tungkol sa sasabihin nina shane..
" eh kasi guys kami di kami katulad nyo na mga ordinaryong tao nanggaling kami sa ibang mundo..alam namin hindi madali para sa inyo na paniwalaan kami pero totoo ang sinasabi namin" si nicky na di pa rin mapalagay dahil kay annie
" seriously?? kayo bang apat naka drugs? kung ano ano pinagsasabi nyo eh..baka naman gutom lang yan tara kain tayo dun sa kusina" si ryen na hindi makapaniwala sa sinasabi ng apat..apat?? kasi hindi nila kasama si aaron sinasamahan nya si annie sa kwarto habang sila shane kausap yung iba
" ryen hindi kami nagbibiro totoo ang sinasabi namin kaya lang kami napadpad dito sa mundo nyo dahil sinundan namin si annie kasi tumakas sya mula sa kaharian namin..dahil ayaw nyang makasal sa lalaking pinagkasundo sa kanya ng mga magulang namin at ang lalaking yun ay walang iba kundi si joseph" paliwanag ni shanel kay ryen
" alam nyo ang labo talaga eh hindi talaga namin maintindihan yang mga pinagsasabi nyo may mga tao ba talaga na taga ibang mundo?" naguguluhang tanong ni justin at jc
" guys mahirap man paniwalaan pero totoo ang sinasabi ni nicky kasi nung may party sa bahay namin nag iisa lang ako sa may pool area at dun mismo sya lumitaw na lang bigla sa harap ko nung sinabi nya sa akin di ako agad naniwala pero napatunayan ko naman na totoo yung sinasabi nya until dumating si kian at sinabi nya na magkapatid silang dalawa" brian explained to them
" kami rin kina annie shane shanel at aaron..nauna si annie naglalaba si hanny nun ako naman nakahiga lang sa loob while naghihintay na gumabi kasi may date kami ni kyte myloves ko until marinig ko si hanny na sumigaw..sabi nya may engkanto daw na lumabas dun sa may puno kaya pinuntahan ko and yun si annie nakita ko kaya alam namin ang tungkol sa sasabihin nila shane yung kay nicky at kian lang hindi kaya nagulat din kami.." mark said at nagpatuloy lang pag uusap nila tungkol sa pagiging taga ibang mundo nina shane kian nicky shanel annie at aaron..until lumabas si aaron mula sa silid ni annie
" aaron kumusta si annie?" tanong ni hanny na syang nakasalubong ni aaron
" ayun natutulog kaya lumabas muna ako kailangan ko kasi kausapin sina shane eh" sagot ni aaron
" okay sige puntahan ko lang muna si annie ah baka magising eh" si hanny
" sige" si aaron saka lumapit na kina shane..
" oh aaron kamusta si annie?" agad na tanong ni nicky
" natutulog sya eh...pero wag ka mag alala nandun naman si hanny pinuntahan nya sa kwarto girlfriend mo..sya nga pala shane,shanel kaylangan ko kayo makausap tungkol kay annie" si aaron to shane...
" bakit may problema ba sa kapatid namin?" tanong ni shanel
" meron at hindi lang basta problema malaking problema..kasi sinubukan ko kung kaya ko syang gamutin dito pero hindi ko magawa eh sobrang lakas ng majika na ginamit nya kaya kailangan natin sya dalhin sa isang nilalang na syang makakapag pagaling sa kanya walang iba kundi ang inyong inang reyna" sagot ni aaron na syang ikinagulat ng magkapatid
" ano? aaron? ang inang reyna? pero pano wala namang kaalaman sa panggagamot ang aming inang reyna panong mangyayari ang sinasabi mo? takang tanong ni shanel kay aaron
" at isa pa hindi rin naman ako papayag na bumalik kaming tatlo sa kaharian dahil sigurado na pag ginawa namin yun itutuloy ng amang hari ang plano nyang ipakasal ang kapatid ko sa walangyang joseph na yun kaya hindi ako papayag..
" kung ganon sasamahan namin kayo sa inyong pag uwi doon ng sa ganun makagawa tayo ng paraan kung sakaling totohanin ng inyong ama ang kanyang plano dahil hinding hindi ko mapapayagan na maikasal sa iba ang aking mahal" sabat ni nicky sa usapan ng tatlo
" sana nga nicky ganun lang kadali yun pero hindi eh dahil ang sinumang dayuhan na mangangahas na pasukin ang aming kaharian ay pwedeng mapahamak dahil sa mga panganib na nakaabang sa kanilang daraanan kaya kahit gustuhin man namin na isama kayo ay hindi maaari" sagot ni aaron
" at hindi rin maaari ang sinasabi mong yan aaron hindi ko ibabalik ang aking mga kapatid sa impyernong lugar na yon!" si shane
" hindi ko kayo pipilitin pero ito lang sinasabi ko sa inyo habang tumatagal lalo lang nanghihina si annie kaya kailangan nyong magdesisyon kailangan madala nyo sya sa inang reyna dahil ang dugo lang ng inyong inang reyna ang maaaring makapagpanumbalik ng kanyang lakas...kung hindi natin sya madadala sa inang reyna pwede syang mamatay.." sagot ni aaron na ikinatigalgal ni shane
" kuya..hahayaan mo bang mamatay si bunso? kailangan nya ang dugo ng inang reyna kaya kuya kailangan na natin syang iuwi ng paladino bago pa mahuli ang lahat payag naman ako eh na bumalik dun eh basta pag magaling na si bunso saka tayo aalis ulit...kuya desisyon mo na lang ang kailangan kung hindi ka papayag wala kaming magagawa kami na lang ni aaron ang magdadala kay annie sa kaharian..." si shanel saka binirahan ng alis papunta sa kwarto ni annie at sinundan naman sya ni aaron..
" shane,,wag mo na pairalin ang galit mo sa mga magulang nyo buhay na ni annie ang nakataya dito,,kaya kahit ayaw ko man na bumalik kayo sa inyong kaharian papayag na rin ako para kay annie kaya sige na gawin mo ang nararapat..kung talagang mahal mo si annie at kapatid mo sya magpapakakuya ka sa kanya.." si nicky na pilit pinaliliwanag ang isip ni shane
" tama si nicky shane..magdesisyon ka na habang may oras pa saka isa pa handa naman talaga kaming sumama sa inyo eh kahit na ano pang panganib yang sinasabi mo na pwede naming harapin sa pagpunta namin sa kaharian nyo basta para kay annie gagawin namin ang makakaya namin para tulungan sya" pag sang ayon naman ni kian
" ewan ko di ko pa alam..pag iisipan ko muna pero sa ngayon habang pinag iisipan ko yung mga sinabi nyo maghahanap pa rin ako ng lunas na maaaring makatulong kay annie nang sa ganun hindi na namin kailangan bumalik pa sa impyernong kaharian na pinanggalingan namin!" si shane sabay talikod sa mga kasama..
"shane! anu ba! hindi mo ba narinig ang sinabi ni aaron? ang tanging lunas lang na makakapagbalik sa lakas ni annie ay ang dugo ng inyong inang reyna! shane makinig ka naman sa amin kung ayaw mong mamatayan ng kapatid!" si mark sa papalayong si shane pero hindi naman sila inintindi nito...
" hay nakakainis sya! masyado syang ma pride! tsk!" si justin na kanina pa nagpipigil kundi lang sya malayo kay shane malamang nasapak na nya ito..
" guys hayaan nyo na si kuya kung ayaw nyang pumayag na ibalik si annie sa paladino ako payag ako dahil ayokong mawalan ng kapatid kaya bukas na bukas aalis kaming tatlo wala akong pakialam kung sumama sa amin si kuya o hindi ang mahalaga mailigtas ko buhay ng kapatid ko" si shanel na buo na ang pasya na ibalik si annie sa kanilang kaharian..
" sasama kami ng kapatid ko kahit na mapanganib para sa amin sasama kami dahil sigurado ako na nandyan lang ang joseph na yun at naghihintay lang ng tamang pagkakataon para makuha ng tuluyan si annie..pero sa ngayon magpahinga na muna tayong lahat dahil masyadong nakakapagod ang araw na ito para sa atin..
>>>to be continued<<<
a/n:
hala! shane! ang taas ng pride mo! sige pag patuloy mo yan! mawawalan ka ng kapatid tsk! tigas ng ulo! buti pa yung kakambal mo mas inuna nya kapatid nyo kaysa sa pride nya..tsk!....up next!! confessions and decision!..thank you guys for reading see you after three years! ay este after holy week pala in short easter sunday na ang next update ko hehehe..votes and comments na lang thank you!
love,
princess areeyah <3