failed ecape!

18 2 0
                                    

kinabukasan matapos ang ginawang iyon ni joseph kay annie ay agad na nag planong tumakas ang magkakapatid nakalabas na sila ng palasyo at naglalakad na papunta sa lagusan na kanilang dinaanan noon hindi pa sila masyadong nakakalayo sa palasyo ng biglang mapatigil si annie sa paglakad..

" oh annie bakit? okay ka lang?" alalang tanong ni shanel sa kapatid....

" oo ate okay lang ako may natapakan lang akong insekto yata yun kaya sumakit ang paa ko..tara na baka mamaya may makaabot pa sa atin dito" si annie sa kapatid saka pinilit na maglakad kahit masakit ang paa...

" oy ano ba bilis bilisan nyo naman jan baka mamaya maabutan tayo sa bagal nyong dalawa eh lalo pang hindi tayo makaalis dito" si shane sa mga kapatid

" tol yaan mo na natural lang kay annie na mapabagal ang lakad ikaw ba naman masakit ang paa sa kagat ng insekto magagawa mo kaya maglakad ng mabilis" sita naman ni aaron kay shane

" hay oo na para sinabi ko lang naman na bilisan nyo eh dami mo nang sinabi tara na!" sagot naman ni shane at nang malapit na sila sa lagusan biglang...

" saan kayo pupunta??" boses na pamilyar sa kanilang lahat at nagmumula sa may likuran nang lingunin ito ni annie..

"ama? panung nasundan nyo kami rito?" takang tanong ni annie

" hindi na mahalaga pa yun aking anak bastat ang importante sa akin hinding hindi kayo makakaalis sa ating kaharian... mga kawal!! magsilapti kayo dito at kunin nyo ang bunso kong prinsesa" ang ama nina annie at agad naman nagsilapit ang mga kawal na tinawag nito

" kunin nyo ang prinsesa annie at dalhin sa kanyang silid at wag na wag nyong hahayaang makalabas..bukas pupunta dito ang mga magulang ni prinsipe joseph at itatakda namin sa sunod na araw ang kasal nyong dalawa" ang hari kay annie saka binalingan ang tatlong si aaron shanel at shane..

" at kayo naman simula sa araw na ito wala na ni isa man sainyo ang makakalapit kay annie..kayong dalawa pahihigpitan ko ang mga bantay sa inyo para masigurado na di kayo makakalapit sa kapatid nyo hanggang matapos ang pag iisang dibdib nila ni joseph sa susunod na araw" ang hari kina shane shanel at aaron

" pero ama! alam nyo po ba ang ginagawa nyo?? pinipilit nyong ipakasal si annie sa hindi naman nya mahal! at higit sa lahat pinagtangkaan syang gawan ng masama ng lalaking yun kagabi!!" si shane sa ama nila

" hindi na mahalaga yon..ang mahalaga makasal sila nang matuloy na ang pagsasanib pwersa ng ating mga kaharian laban nang sa ganun lalong lumaki ang ating nasasakupan at isa pa ginagawa ko lang ang tama at makakabuti sa kapatid nyo at gayundin sa inyo shane,shanel pag katapos ng kasal ni annie at ni joseph kayo naman ang ikakasal sa dalawa pang kapatid nya..at wala ni isa man sa inyo ang makakapigil sa mga desisyon ko!" sigaw ng hari sa magkakapatid at kay aaron rinig na rinig nya lahat ng sinabi ng hari pati na ang tungkol sa pagpapakasal ni shanel sa isang kapatid ni joseph

" mahal na hari ipagpaumanhin nyo po pero sinsabi nyo na ginagawa nyo lamang ang lahat ng ito para sa ikabubuti ng mahal na prinsipe at mga prinsesa ngunit wari ko'y mali yata ito dahil ang aking nakikita ay ginagawa nyo ang lahat ng ito para sa pansariling kapakanan nyo lamang" lakas loob na sabi ni aaron sa hari na syang ikinagalit nito

" at sino ka namang lapastangan para pagsabihan ako ng ganyan? wala kang pakialam dito at desisyon ko ang masusunod dito bilang ako ang inyong hari!" galit na sigaw ng hari kay aaron

" oo maaaring kayo ang hari pero hindi ibig sabihin non na pwede nyo nang kontrolin ang buhay ng inyong mga anak..at tinatanong nyo kung sino ako? ako ang anak ng duke na inyong pinagkakatiwalaan at ako rin ang kasintahan ni prinsesa shanel na inyong anak at isa pa hindi ko po kayo pinagsasabihan inilalahad ko lang aking opinyon tungkol sa bagay na ito" buong tapang na saad ni aaron na lalo pang ikinagalit ng hari..

magic of love (westlife fancfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon