princess annie's pov
hi there!! princess annie here tawagin nyo na lang akong annie sa palasyo kasi princess ang tawag ng lahat ng tao sakin minsan mahal na prinsesa o kamahalan kaya nagsasawa na ako kung pwede lang sana ako umalis dito gagawin pero sa tingin ko malabong mangyari sa dami ng bantay dito palasyo halos bawat pinto bawat sulok may nakabantay kulang na lang pati pag hinga ko bantayan nila kaya kung ako magkakaroon ng pagkakataon na tumakas dito tatakas talaga ako....
" kamahalan pinatatawag po kayo ng mahal na hari mayroon daw po syang mahalagang sasabihin sainyo" yan sabi ng isa sa mga tagasilbi ko na ikinainis ko dahil sa pagtawag nya sa akin ng kamahalan tsk!
"ano naman daw iyon?? saka ilang beses ko ba sasabihin sainyo na kapag hindi kaharap ang aking ama at ina tawagin nyo na lang ako sa pangalan ko" ang inis kong sabi
"patawad po mahal na prinsesa sumusunod lang po kami sa patakaran na pinatutupad dito sa palasyo,tayo na po kanina pa kayo hinihintay ng inyong amang hari" sagot nya kaya wala akong magawa kahit ayoko kailangan kong puntahan ang aking ama ilang saglit pa ang lumipas narito na ako sa silid kung saan naghihintay sa akin ang hari
" mahal na hari narito na po ang mahal na prinsesa" sabi ng alalay ko
"papasukin sya" yan ang narinig kong sinabi ng hari tapos pinapasok na nila ako tsk!! daming nalalaman pwede namang kumatok na lang sabay pasok eh
"ama nais nyo raw po akong makausap?" bungad kong tanong sa kanya
"oo aking prinsesa nais ko lamang ipaalam sayo ang tungkol sa nalalapit mong kasal kay prinsipe joseph ang anak ng aking kaibigang isa ring hari kaya maghanda ka dahil bukas pagkatapos naming maipaalam sa buong kaharian ang tungkol dito ay ipakakasal namin kayo sa lalong madaling panahon" yan ang sinabi nya na ikinagulat ko tsk!! pati ba naman personal kong buhay pinakikialaman!!
"ama! pano nyo nagawa sa akin ito?? ang ipagkasundo at ipakasal ako sa taong hindi ko pa nakikilala ni minsan!" pagtutol ko sa kanya
" wag kang mag alala prinsesa bukas makikilala mo na rin sya kaya maghanda ka dahil natitiyak kong magugustohan ka ni prinsipe joseph" ang seryoso nyang sabi
" hindi! hindi ako papayag hindi ako magpapakasal sa kanya dahil hindi ko sya kilala at hindi ko sya gusto! kung gusto nyo kayo na lang magpakasal sa kanya total gusto nyo naman sya" protesta kong muli
"prinsesa! kailan ka pa natutong sumagot ng ganyan sa iyong ama??" bungad na tanong sa akin ng aking ina na kadarating lang
" pero ina gusto nya akong ipakasal sa taong hindi ko kilala at hindi ko gusto" sagot ko
"pero hindi sapat na dahilan yon para lapastanganin mo ang iyong ama! sige humingi ka ng tawad sa iyong ama" utos nya sa akin pero hindi ko sya sinunod sa halip ay muli akong nagsalita at tinalikuran sila
"hindi! hindi ako papayag na kayo ang magdedesisyon pagdating sa bagay na yan hindi ako magpapakasal sa lalaking yon na hindi ko kilala at hindi ko gusto!!" yan ang sinabi ko saka tuluyan na akong lumabas ng silid na yon na hindi man lang nililingon ang aking mga magulang at pinuntahan ang aking kaibigan si aaron ang anak ng duke at sakanya ako hihingi ng tulong tatakas ako dito mamayang gabi
" magandang umaga aaron!" bati ko sakanya habang sya abala sa paglilinis ng kanyang kabayo hmm pupunta na naman siguro sa burol kung san ko sya nakilala nung mga bata pa kami
"magandang umaga rin annie himala napasyal ka ata kala ko ba ayaw mo na ikaw ang pumupunta dito sakin?? pero tila nagbago yata ang ihip ng hangin at pinuntahan mo ako??" pahayag nya