"Lisa cr tayo." Yaya ni Mae sa kanyang kaibigan.
"O sige naiihi na rin ako eh.." Sabi ni Mae.
8 pm na ng gabi pero nasa school pa sila upang gawin ang mga dekorasyon para sa school fest. Pumunta sila ng cr. Pumasok si Mae sa unang cubicle at si Lisa sa pangalawa. Lumabas na si Lisa at nanalamin siya.
Malaki ang salamin ng cr kaya kita niya ang mga paa ni Mae na naroon pa. Halos limang minuto na siyang naghihintay. Nagtataka si Lisa dahil nakatayo lamang ang kaibigan niya doon na tila ba nakatitig sa kanya.
Nainip na si Lisa kaya tinawag na niya ang kanyang kaibigan.
"Hoy Mae! Ano bang tinatayu-tayo mo diyan?"Sabi ni Lisa habang nakaharap sa salamin at inaayos ang kanyang buhok.
Lumipas ang ilang minuto pero hindi sumagot ang kaibigan niya na nakatayo pa rin sa loob ng cubicle. Muling nagsalita si Lisa. "Lalabas na ko, sunod ka na lang." Bumukas ang pinto ng cubicle pagkalabas ni Lisa.
"Ang tagal mo naman, sino bang kausap mo diyan?" Sabi ni Mae kay Lisa.
Nagulat si Lisa dahil akala niya nasa loob pa ng cr si Mae at kasunod niya itong lumabas. kinabahan na si Lisa dahil nararamdaman niyang may mali.
"Kanina ka pa nakalabas?" Tanong ni Lisa kay Mae.
"Oo, nagtataka nga ko bakit ka pa nasa loob?" Sagot ni Mae.
"Wait lang." Sabi ni Lisa at pumasok muli sa cr. Tinignan niya ang ngayo'y bukas na cubicle. Labis ang pagkagulat niya ng makita na isang babae na luwa ang mata ang nakatayo sa loob ng cubicle. Nakangiti ito sa kanya habang ang damit nito'y punit-punit at puno ng dugo. Ang mas ikinatakot pa ni Lisa ay may hawak itong pugot na ulo ng lalaki na humihingi sa kanya ng tulong.
Nais sumigaw ni Lisa at humingi ng saklolo subalit walang boses na lumalabas sa kanya. Pilit niyang binubuka ang bunganga niya upang magsalita ngunit bigo siya, napaiyak siya sa takot. Nakatayo lamang siya at tinitigan ito hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. Dumating si Mae at biglang nawala ang aparisyon.
*********************************************************************************************************
Ey waley ba? Story ito ng kaibigan ko noong nasa elementary pa siya. Kung Hindi ako nagkakamali sa may Cubao ito.
Siguro di masamang makiuso kaya.....
Vote?
Comment?
Gora lang guys.....^______________________^
Thanks for reading...XD
BINABASA MO ANG
Mga Kwento ni Aling Bebang
HorrorCompilation ito ng mga horror stories, mga pamahiin at iba pa na tungkol sa mga multo, aswang at kababalaghan. P.S Wala kong maisip na title eh sorry at ongoing pa ito hindi pa siya finish.