Author's note:
Yieeee lapit na mag 900+...GUYS COMMENT AND VOTE NAMAN PO!!!! LIBRE LANG WALANG BAYAD.
XD
THANK YOU FOR READING
SIT BACK
RELAX
READ NA MGA KWENTO NI ALING BEBANG YIPEEEEE...
NGA PALA FICTION LANG 'TO HA!!!! MAMAYA KASI.....-_____________-
***************************************************************************
STORY 1
Si lola Bebang ang isa sa mga nag seserve sa Quiapo. Siya ang presidente sa kanilang asosasyon. 4 am pa lang dumating na siya ng Quiapo.
Meron siyang duplicate key kaya binuksan niya ang pinto ng simbahan.
Kasama niya ang ang apo niya si Ravie. Isang maliit na bata na may buhok na parang kay Dora.
Binuksan niya ang mga ilaw at pinaupo si Ravie sa isa sa mga upuan sa simbahan.
Inaaantok si Ravie kaya natulog muna ito. Humiga siya na parang nasa bahay lang.
Inayos ni Lola Bebang ang altar.
Nakarinig siya ng malakas na kalabog. Napatingin siya sa pwesto ni Ravie sa pagaakalang nalaglag na ito sa kinahihigaan.
Tumayo ang mga balahibo ni lola Bebang at bumilis ang tibok ng puso niya.
Sa tabi ni Ravie ay isang matandang babae ang nagdadasal.
Ganoon na lang ang kaba ni lola Bebang dahil kilala niya ito.
Siya si Aling Beybi na isang taon ng patay. Dati ring nagseserve si Aling Beybi at isa sa mga matalik na kaibigan ni Lola Bebang.
Hindi nakakilos si Aling Bebang kaya umusal siya ng dasal. Nawala ang aparisyon at pinuntahan niya si Ravie para yakapin.
******************************
Story 2
Kararating lang ni Manong Bert. 7 am pa lang ng umaga katatapos pa lamang ng unang misa.
Agad na lumapit si Mang Bert sa altar at5 nilinis ito. Nagwalis siya at inayos ang mga upuan.
Tumungo rin siya sa mga upuan ng nagsisimba upang linisin ang mga kalat.
Nainis si Mang Bert ng makakita ng nga plastic na pinagkainan.
Yumuko siyang upang pulutin ito subvalit may tumupak si dito. Mapapamura sana si Mang Bert pero nagulat siya ng tignan niya kung sino ang tumapak dito.
Isang paring pugot ang ulo. Wala man itong ulo napakatangkad pa rin nito na parang higante.
Napaatras siya at pinikit ang mga mata. Umiling-iling siya upang siguraduin ang nakita. Pagdilat niya wala na ang pari.
************************************
STORY 3
Galing akong simbahan ng Quiapo. Katatapos lang ng misa. Maaga pa kaya napagpasyahan kong mamasyal pang samantala.
Marami pa ring mga nagtitinda ng mga gayuma At mga kung anu-anong pang gamot tulad ng pamparegla. May mga manghuhula na pilit kang tinatawag para magpahula at may mga taong naglalako ng rosaryo, sampaguita at kung anu-ano pa.
"Ay sorry." Bigla kong nasabi kahit yung babae naman yung nakabunggo sa akin. Pulang-pula ang suot niya at hapit na hapit sa katawan niya. Hindi ko alam pero parang may mali sa aura niya.
Parang may sariling buhay ang mga paa ko at sinundan ko siya.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Mahigit isang oras na.
Parang walang nakakapansin sa kanya.
Sa totoo lang agaw atensyon ang suot niyang damit.
Bukod sa mukha siyang mayaman eh di rin angkop ang suot niya para sa lugar na ito.
Nakarating na kami sa simbahan.
Sa mga lumang gusali dito at sa mga tiangge pero hindi pa rin siya huminhinto.
Tumigil ako saglit dahil sa pagod.
Natanaw ng mga mata ko kumaliwa siya.
Sumunod ako.
Dead end na pala.
Nilibot ko ang mga mata ko. Wala na ang babaeng nakapula. May hagdan pero sira-sira na ito at kung umakyat man siya dapat makita ko pa rin siya dahil mahihirapan siyang umakyat sa kitd nito at mahihirapan din siyang kumilos dahil sa suot niya.
Pero saan siya napunta?
Imposibleng lumipad yun o kaya tumagos sa pader.
**********************************************************************************************
BINABASA MO ANG
Mga Kwento ni Aling Bebang
TerrorCompilation ito ng mga horror stories, mga pamahiin at iba pa na tungkol sa mga multo, aswang at kababalaghan. P.S Wala kong maisip na title eh sorry at ongoing pa ito hindi pa siya finish.